Uwian na kaya hindi na ako nagpaalam kay Venice atsaka 'dun sa lalaki kanina na mukhang adik at nauna na. Omg, kailangan malaman na 'to ni Lola Mercy.
Nagpara agad ako ng taxi at sinabi ang address na inabot sa akin ni Lola Mercy kung sakaling kailangan ko ng tulong niya. Tinignan ko ang bag ng Allie at kinalkal ang wallet niya.
Nang makita ko na ang wallet niya ay halos manlaki ang butas ng ilong ko ng makita kong isang daan at dalawang piso lang ang laman nito.
"Tss, sasanib na nga lang itong kalulwa ko dito pa sa mahirap. Kagaguhan talaga." bulong ko dahilan para mapatingin saakin ang driver sa rear mirror kaya napaiwas ako ng tingin.
Buti nalang malapit lang ang bahay ni Lola Mercy kaya binigay ko na lahat ang pera nitong babaeng ito kasama ang dalawang piso. Haist!
Marahas akong kumatok sa pinto ni Lola Mercy.
"Lola! I need you!" ilang katok pa ang ginawa ko ng bumukas ang pinto.
"Hija, mukha atang naligaw ka." bungad nito pero umiling ako at hinawakan ang kamay nito.
"Lola Mercy, Omg tulungan mo ako!" kumunot naman ang noo nito at tinignan ako ng mabuti.
"Avery?" tumango ako. "Avery hija, ikaw ba iyan?" tumango-tango ako.
Nanlaki naman ang mata nito at dali-dali akong pinapasok sa loob at kumuha ng maiinom.
"Anong nangyari sayo? Bakit nariyan ka sa ibang katawan?" tanong nito at umupo sa harapan ko.
Ininom ko muna ang tubig bago ko siya sinagot. "Lola, kaninang matapos ang usapan natin ipinikit ko lamang ang mga mata ko sandali tapos nakita ko nalang na gan'to na.'ko. Hindi ko alam pero nung time na 'yun ay papunta sa direksyon ko itong katawan ng babaeng at ngayon ay nandito na ako. Lola! Ano ang gagawin ko?" nalilito at natatarantang paliwanag ko sakanya kaya tumango-tango ito.
"Kahit anong pilit kong umalis sa katawan na 'to ay hindi ko magawa." itinaas naman ni Lola ang kanyang kamay at ipinatong ito sa aking balikat.
"Huminahon ka muna hija." huminga ako ng malalim at itinikom ang bibig.
"Satingin ko ay kasali ito sa misyon mo." kumunot ang noo ko sa sinabi ni lola. "Dahil, hindi ka naman basta-basta makakapasok sa katawan ng isang tao." dugtong niya.
Nalilito ko itong tinignan.
"Anong ibig niyong sabihin Lola?"
"Hindi ganoon kadali ang pag pasok sa katawan ng isang tao. Dahil isa iyon sa ipinagbabawal at delikadong gawin. Maaaring ikamatay iyan ng babaeng iyong sinaniban at hindi na makabalik pa sa kanyang katawan." paliwanag nito na ikanalaki ng mata ko.
"Hala! Hindi ba't kung maaalis ako sa katawan na ito ay babalik siya?" umiling si Lola at nagbuntong hininga.
"Dipende hija, maaaring mamatay na rin siya at gumala na ang kalulwa niya dito sa lupa katulad mo. Ngunit, kung makakabalik man siya sa kanyang katawan ay posibleng kapitan siya ng pahamak." napapikit naman ako ng mariin.
Ano bang nangyayari? Bakit kung patay na 'ko doon pa ako magiging problemado.
"Kung ganun may koneksyon ang lahat ng ito?" tumango ito.
"Baka ang babaeng sinaniban mo ay may koneksyon sa iyong buhay Hija." napaisip ako.
Tama si Lola Mercy, baka may koneksyon ako sakanya at maaaring makatulong ito sa akin. Pero paano ang babaeng ito?
"Pero paano ang babaeng ito Lola? Anong ginagawa niya habang ako ang gumagamit sa katawan niya?" tanong ko.
"Hindi ko alam hija, maaaring natutulog ito at walang alam sa nangyayari sa katawan niya." buntong hininga akong napayuko at maya maya lang ay muling tinignan si Lola ng may isa akong naisip.
"Ano naman po ang koneksyon ko sa babaeng ito?"
Tinignan ako nito ng mabuti. " Iyon ang alamin mo Avery." suminghap naman ako.
Apat na buwan nalang at magiisang taon na ang pagkamatay ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nasisimulan ang misyon ko.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng maramdaman ko ang paninikip nito. Napapikit ako at pilit na sumisinghap dahil sa hindi ako makahinga.
Fudge! A-anong nangyayari?
"Avery!" nagsimula namang mangamba si Lola Mercy ng mapahiga ako sa sahig.
Hindi ako makahinga! Nagsimula ng tumulo ang luha ko dahil sa sakit.
"Anong nangyayari sayo?" Inalog ako ni Lola Mercy pero hindi ako makapagsalita dahil sa hirap akong makahinga.
Hanggang sa unti-unti ng dumilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...