Pagak akong natawa ng marealize ko ang sinabi nito. Nababaliw na nga ang isang ito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" nagsisimula na akong mairita. Kung kanina ay hindi ako makapagsalita sa gulat ngayon ay naiinis na ako.
Inis naman itong napakamot sa ulo nito at tinignan ako gamit ang mga malalalim nitong mata saglit akong napatigil dahil doon.
"Look, alam kong nabigla ka sa sinabi ko... but-" hindi ko na siya pinatapos pa ng bigla kong itinaas ang kanang kamay ko upang patigilin siya sa pagsasalita.
Ang bilis ng tibok ko pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang mainis sakanya.
"Wag kang nangloloko Cleo. Wala akong panahon makipaglokohan sayo." nag-igting panga ito at pinihit ang ulo patagilid.
"Hindi ako nangloloko." napabuga ako ng hininga at matalim itong tinignan.
Ano bang gusto nito?
"You don't like me Cleo." umawang ang labi nito at maya maya pa'y tinikom ito at tumikhim.
Ganito mo nalang ba akong kadaling kalimutan Cleo? Ni wala pa ngang isang taon ng kamatayan ko ay nagawan mo na akong ipagpalit? You're truly an jerk! Shit ka!
"Kung hindi ka nangloloko lamang. Infatuation lang ang nararamdaman mo Cleo."
Hinawakan ako nito sa magkabilang braso kaya napakalas ako sa pagkakahalukipkip at napatikhim.
"It's not Infatuation! Bakit ba alam mo pa ang nararamdaman ko ngayon?" napakurap ako.
Kung hindi nga, bakit ang bilis naman ata?
"Ganyan mo nalang ba kayang kalimutan ang taong minsan mo ng minahal?" punong-puno ng hinanakit at lungkot kong tanong dito.
Hindi ko na kaya. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to!
Napapitlag ito at gulat akong tinignan. Hindi ito nagsalita kaya inalis ko ang kamay niya sa mag kabilang braso ko.
"Nakakatulog ka ba gabi-gabi dahil sa insidenteng 'yun? Ni hindi mo manlang siya nagawang pakinggan bago siya nagpakamatay!" kinagat ko ang ibabang labi ko at pinigilan ang sarili na magsalita pa muli dahil alam ko kapag hindi ko napigilan baka kung ano na ang nasabi ko sakanya.
Hindi ko dapat ilalabas itong nararamdaman kong galit sakanya pero siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalp akong magalit! Kingina niya!
Kita ko ang pagbagsak ng luha sa mata nito kaya napaiyak narin ako. "Ika-una ng enero taong 2015, 3:32 pm, nakita si Avery Mason sa field na h-halos hindi na makilala dahil napupuno siya ng dugo. She killed herself Cleo!" pinigilan ko ang huwag umiyak sa harap niya kahit na nanginginig na ang boses ko habang binibitawan ang salitang iyon.
Oo alam ko iyon dahil bawat detalye ng pagkamatay ko ay inalam ko.
"W-who are-" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"Sino ako?" pagak akong natawa at tinignan siya na gulat na gulat parin. "Hindi mo ako kilala? Pero gusto mo ako?"
Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit ako nito nagustuhan. Ngayon alam ko na umulit na naman sa aking isipan kung dapat ba akong matawa o masaktan?
"Is it because you remember me of her?"
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...