AVERY MASON
"A-allie" Kumarap ako ng makita kong ngumiti ito.
"Hi Avery, Sa wakas nakita naulit kita. Kamusta sister?" natawa ito at umiling. Lumingon ito sa likod kung saan nandoon sila Tyler at umiiyak sa pagkawala niya. "Kung sa ibang pagkakataon lang ay inasar ko na itong si Allieson. Grabe kung umiyak pala."
"A-allie, anong ginagawa mo dito at bakit n-nakikita mo na'ko?" naguguluhang tanong ko rito at hindi pinansin ang kanyang sinabi ngunit tumawa ito at tumalikod sakin para sumandal sa pader.
"Don't panic sandali lang ang hiningi kong oras. Pag katapos nito ay makakalimutan ko na ang nangyari satin ngayon at sa nangyari sa pagkaaksidente ko." tumayo ito ng tuwid at tinignan ang orasan sa pader. "Apat na minuto nalang ang natitira sakin." lumingon na ito sakin at ngumisi ng makita niya ang pagtataka sa mukha ko.
"Hindi ko na maeexplain sayo kung paano ko nagawa 'to." muli itong lumingon sa orasan at tumingin sakin. "Nung time na naaksidente ako, meron akong gustong sabihin sayo." kumunot ang noo ko at hindi nagsalita.
"But, it's only you who can find out Avery, hindi ko pwedeng sabihin sayo ito pero meron itong kinalaman sa pag patay mo sa sarili mo- No, ss pag patay ito sayo ng isang taong pinagkakatiwalaan mo 'nun." napakunot ako sa sasabihin nito.
"Anong ibig mong sabihin, Allie?" ngumiti lamang ito sa'kin at tinaas ang kamay.
"Time's up. Masayang makita at makausap kita Avery. Kahit sa sandaling mga oras na ito gusto kong malaman mo na humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga inisip ko sayo. Sa lahat ng hinanakit ko. Hinding hindi kita makakalimutan Avery." ngumiti ito at niyakap ako.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, my little sister." bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin at itanong ko sakanya ay bigla nalang siyang naglaho.
Napapikit ako sa sobrang daming pumasok na tanong sa isip ko. Mas lalong nadagdagan ng gulo ang utak ko sa mga binitiwang salita ni Allie.
"Jusko! Si Allie! Doc!" biglang dumilat ang mata ko sa narinig kay Venice at sa pag lingon ko ay nakita ko ang makina na patuloy na ulit ang pagtaas baba ng linya.
Buhay siya.
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...