October na at sembreak na namin. Napabuntong hininga ako sa tabi at pinagmasdan ang bawat tao na naglalakad.
Dalawa't kalahating buwan nalang ang natitira saakin bago tumungtong ang ika unang anibersaryo ng aking kamatayan at sa bawat mababawasan ang natitirang araw saakin ay doon na ako unti-unting napanghihinaan ng loob. Nawawalan na ako ng pagasa para matapos ang lahat ng ito. Meron nga akong naalala ng kahit kaunting memorya ay wala parin akong mahanap na dahilan kung bakit ba ito pinapakita o ano ba talaga ang misyon ko dito.
Kung may pinanghahawakan akong hinanakit, ang kailanagan ko ba ay ang magpatawad pag humingi ito ng sorry? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi lamang si Cleo ang pinanghahawakan ko ng hinanakit?
"Eto na ang order mo Allie." tinignan ko si Ate Faye at nginitian at kinuha ang paper bag.
Tapos na ang trabaho ko kaya napagpasyahan kong mag take-out ng maiinom at dessert bago umuwi. Wala si lola Mercy ngayon kaya wala akong makakwentuhan dahil nagbakasyon siya kasama ang mga apo niya sa probinsya dahil sembreak narin ng mga ito kaya iniwan muna samin ni lola Mercy ang coffee shop.
Pero naiintindihan naman ako ni Ate Faye kung bakit kinailangan kong umuwi kagad.
Nag-paalam na ako kay Ate Faye at lumabas na ng coffee shop. Napasinghap ako at napangiti ng maramdaman ko ang lamig ng temperatura ngayon.
Malapit narin kasi ang pasko kaya unti-unti ng lumalamig lalo pa't gabi na. Alas-otso kasi ako natapos sa trabaho ko dahil hindi namin expect ni Ate Faye na maraming customers ang pupunta sa shop para magpainit ng sikmura. Malamig na kasi kaya patok na ang nga coffee shop ngayon.
Iniangat ko ang ulo ko at inilibot ang tingin sa mga bituin napangiti ako. Napakasarap sa pakiramdam na tignan ang mga bituin na nagsisikintaban.
Halos manlaki ang mga mata kong tumatalon ng makakita ng falling star.
Gosh! Falling star! Pumikit ako at humiling.
Ano ba ang hiling ko? Oh right, sana matapos na itong misyong na 'to 'yun lang naman ang gusto ko.
"What did you wished?" halos mapatalon ako sa gulat ng may isang malalim na boses aking narinig sa aking likod. Dalo-dali ko ito nilingunan at halos manlamig na ako ng makita kung sino ito.
Cleo.
"Why are you here?" tinaasan ko siya ng kilay pero nakatingin parin ito sa taas.
Maya-maya lamang ay tinignan ako nito kaya napaiwas ako ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang bilis ng pagtibok nito.
Avery Mason! Don't you dare fall for that stare again. Diba galit ka sakanya? Then act like it!
"What? masama na bang mapadaan ako dito?" napabuga ako ng hininga at mariin itong tinignan.
Good Avery. Wag kang magpapakita ng kung anong emosyon sakanya dapat fierce kalang.
"Yes you! Ikaw bawal ka dito." inirapan ko ito at humalukipkip.
"Ako?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo ikaw Cleo and please let's not talk anymore. Isipin mo nalang na isa aking estranghero pag nadadaanan mo and same as me." giit ko.
Pero napatigil ako ng makita ko ang lungkot sa mga mata nito. Maya-maya palang ay bigla itong nagbago at napalitan sa pagiging blanko.
Ako lang ba'yun pero totoong nakita ko ang lungkot sa mga mata niya? Bakit?
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nagkakaganito?" kinunutan ko siya ng noo.
Halos manlamig na nga ang buo kong katawan dahil kaharap ko siya. Hindi ko alam! Naiinis ako sakanya pero bakit naaapektuhan ako sa bawat salita at tingin niya sa akin.
"I like you." it was so nice hearing those words pero bakit imbes na matuwa ako bakit parang nasasaktan ako?
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...