Kabanata 33

512 20 0
                                    


"Just leave or better kill yourself! Marami ng hindi naniniwala sa'yo!" 

"N-no! Kasalanan mo ang lahat ng 'to! You've planned this para masira ako kay Cleo at sa lahat."

"So, ako pa ang may kasalanan kung bakit hindi ka nila pinaniniwalaan? Kasalanan ko ba kung tanga sila at pinaniwalaan nila ang mga nakikita nila at hindi ka nila pinakikinggan? In that case hindi ba doon mo malalaman kung sino ba ang totoo mong kaibigan at sino ang hindi" sarkastiko itong natawa.

Malabo, malabo ang babaeng nagsasalita sa harap ko. Nasa rooftop ako hindi ko alam kung bakit ko ito nakikita, isa ba ito sa mga nakaraan ko? Kung ganoon, sino itong babaeng ito?

"C-cyre, what have you done to me?" Cyre? "Akala ko ba mag kaibigan tayo?"

Nakita kong tumaas ang kilay ng babaeng tinawag ko na Cyre. "In the first place Avery, hindi kita tinuring na kaibigan." tumawa ito ng mapakla bago lumapad ang kamay nito papunta sa pisngi ko.

A-ano 'to? Ano ang pinagaawayan namin?

"You deserve that bitch, nang dahil sa'yo nawala na ang atensyon ng lahat saakin! Kung kailan marami na ang nakakapansin sakin umeksena ka nanaman lagi nalang ikaw!" tinulak ako nito.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at hingal na hingal na inilibot ang tingin sa paligid. Ano iyong napanaginipan ko?

Napanaginipan ba o parte ng nakaraan ko? Kung iyon nga sino iyong babae?

Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang aking ulo ng makaramdam ng pagkahilo sa gitna ng pagkagulo ko sa nangyari ay biglang bumukas ang pinto at bumungad saakin ang lalaking nakasuot ng lab gown. Ngayon ko lang napansin na wala pala ako sa bahay.

Malamang nasa hospital ako kasi naka lab gown yung lalaki puti yung nasa paligid ko.

Ang tanong bakit napunta ako dito.

"Anytime magigising na si Ms. Preyar, don't worry Ms. Cojen bumaba na ang lagnat niya. Buti nalang at agad mo siyang nakita kung hindi ay baka lalong lumala ang kanyang karamdaman" tinignan ko si Venice at ang isang doctor na naguusap seryoso si Venice na nakikinig dito.

"Maraming salamat po Doc." ngumiti ang doctor dito pero bago pa man ito makaalis ay muli niyang tinawag si Venice.

"Ah Ms. Cojen, nakita ko na puro pasa rin ang katawan ng pasyente at sobra itong nanghina dahil sa kapabayaan sa kalusugan. Mabuti pakainin mo ito ng mga isinulat ko." napahawak sa sentido si Venice at muli ng nagpaalam sa doctor.

Baka naman nilagnat ako kagabi noong nabasa kami ni Cleo sa ulan.

"Anong nangyari bakit ako nandito?" ani ko sa nakatalikod  na si Venice.

"Nako Allie! Maiistress talaga ang beauty ko sayo kinabahan ako doon akala ko kung ano na nangyari sayo sa loob ng apartment mo." pinanood ko lamang siya habang busy itong inaayos ang pinamili sa ref.

"Teka, so nahimatay ako kagabi?" tanong ko ulit.

Humarap na ito at diretso lamang akong tinignan habang lumalapit sa kamang inuupuan ko.

"Gumising ka na Allie, jusko isang araw ka ng tulog dyan hindi ko na alam gagawin ko tinawag ko na ang kapatid mo dahil no choice na ako."

Lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba ng marinig ko ang sinabi ni Venice sa likod ko. Hindi kaya tama ang hinala ko?

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.

I am now out of Allie's body.

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon