Kabanata 48

471 15 2
                                    


ALLIE PREYAR

Nalalapit na ang pasko kaya'y bakasyon na rin namin. Natapos nga ang nakaraang buwan na ay hindi ko man lang alam kung ano ang nangyari sa mga oras na iyon. Mahirap paniwalaan ang nangyayari man pero pilit ko itong iniintindi or so I thought.

"Allie, kumain ka muna." si Venice.

Ipinihit ko ang ulo ko at tinignan ang labas ng bintana. Kahapon lang ako na-discharged buti at pinayagan na rin ako ng Doctor dahil na rin sa hindi ako kumportable sa ospital.

"Wala ka ba balak kumain?" bumuntong hininga ito ng mapansing wala akong balak na kausapin itom

Gusto ko muna mapagisa ngayon. Masyado pang sariwa sa akin ang mga nangyayari. Nang dahil sa araw na'yun ay hiniwalayan ko si Tyler dahil ayoko siyang madamay sa pinagdadaanan ko ngayon.

Hindi na muli pang umimik ito at tumulak na palabas ng aking kwarto. Nandito parin ako sa inuupahan kong apartment. Pinipilit ako ni Allieson na bumalik sa bahay namin ay hindi ako pumayag ayoko pang tanggapin ang katotohanan na iisang ama lang kami ni Avery.

Mariin kong ipinikit ang aking mata at isinandal ang ulo sa headboard ng single bed. Huminga ako ng malalim at minasahe ang aking sentido.


Avery, ano ba talaga ang nangyari sayo at bakit ako nadadamay rito?

TYLER VERGARA

Dali-dali akong tumayo ng makita kong lumabas si Venice ng kwarto ni Allie. Bumuntong hininga ito at inilingan ako.

"Ayaw niya pa rin kumain eh."

Just like before, Matigas parin ang ulo niya. Tinignan ko ang pinto ng kanyang kwarto at napabuntong hininga.


That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon