Kabanata 46

490 18 2
                                    

January 1, 2015
8:30 am

"Okay, bye!"

Iiling kong ibinaba ang tawag ng matapos kong mag paalam kay Tyler. Bago ako tuluyang umalis sa aking kwarto ay isinuklay ko muna ang buhok at inayos ang suot kong bestida.

Mamayang alas dose ay may pasok kami. Medyo nakakainis nga ang patakaran ng eskwelahang pinapasukan ko, unang araw ng enero  ay may pasok? Ibang klase rin iyong Principal namin nako kapag nalaman 'to ng DepEd baka matanggal na iyong Principal sa posisyon niya.

"Mama a-" naudlot ang pagtawag ko sa kay Mama ng marinig ko ang ibang boses sa ibaba.

Kumunot ang noo ko. May bisita ba si Mama? Sapag kakaalam ko ay wala naman ito nabanggit na may pupunta rito ngayon?

"Ang laki nga ng pinag bago niya simula ng mamatay ang asawa niya sa cancer." ani ng isang babaeng hindi pamilyar saakin. "Sis, bakit hindi mo pa kasi sabihin sakanya?" na ano?

Sinilip ko ang baba para matignan kung sino ang kausap ni Mama. Isang may kaedaran na babaeng maputi, mahaba ang kulay tsokolate nitong buhok at napakasopostikada rin kung manamit. Siguro ay kaedad ito ni Mama. Pero sino ito? Ngayon ko lamang nakita ang kanyang mukha.

"Hindi, wala akong dapat pa na sabihin sakanya Alena. Atsaka maayos na ang buhay namin ng mga anak ko. Hindi niya na kailangan pang malaman na may anak siya sa akin."

Kumunot ang aking noo at sa mga tanong na bumalot sa akin sa narinig ay gumihit ang matinding kaba sa puso ko. Ano ito? Ano itong naririnig ko?

"Sis, may karapatan din ang kapatid ko na malaman na may anak siya sayo kung hindi mo sana siya hinayaang mag pakasal sa nanay ni Avery eh sana may tatay na ang mga pamangkin ko."

"Ayoko ko ng magulo ang buhay ng mga bata Alena. Pag nalaman pa nila ito t'yak na mahihirapan sila. Sana maintindihan mo ang gusto ko mangyari."

Umiling ako. No, hindi maaari! Akala ko ba patay na ang ama ko? Dahil sa bigla sa mga narinig ay hindi ko namalayan na natabig ko na ang vase sa gilid ng umatras ako.

"Allie! A-anak hindi ka pa pala umaalis?" gumihit ang gulat sa mukha ni Mama habang nakaangat ang tingin sakin sa itaas.

"Ano 'tong narinig ko Mama?!" sa bigat na aking nararamdaman ngayon ay bumuhos na ang kanina pang nagpipigil kong mga luha.

Why?

"N-no honey, I can explain." umiling ako at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Dapat ba akong maging masaya? Sa ilang taon kong nabubuhay at nangungulila sa ama ay ngayo'y buhay naman pala at ang tatay pa ni Avery. Gumuhit ang galit sa puso ko.

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon