Lunch break na at natapos na rin ang pagkakakulong namin sa detention habang nagsusulat ng 'Hindi na ako mahuhuli sa klase ni Sir Fonso Maduho simula bukas.' sa tatlong piraso ng yellow pad back and front. Sa totoo lang nageenjoy ako, dahil naranasan ko na ulit ang ginagawa ng mga tao.
Inilapag naman ni Venice ang tray sa harap ko at umupo at bumuntong hininga.
"Nakakainis! Imbes na may matutunan tayo sakanya ay ipinagsulat lang niya tayo. Sumakit ang kamay ko." reklamo nito at ibinagay sakin ang plato na may lamang pizza at spaghetti.
Nilibre niya lamang ako dahil sabi niya ay ito ang utang niya sa paglilibre ko sakanya noong nakaraan. Hindi naman ako tumanggi dahil, bakit ko ba sasayangin ang grasya? Minsan lang 'yun!
I cringed when I saw olives on my pizza. Bigla nalang kasi isang memorya ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang sarili ko hindi makahinga ng aksidenteng nakain ko ang olivesm
"Anong nangyayari sayo?" kinagat ni Venice ang sandwhich niya habang kunot-noo akong tinitignan.
"Olives." nagtaas ng kilay ito at tinignan ang pizza na nasa harap ko.
"Anong meron sa olives? diba gusto mo iyan sa pizza?" napangiwi ako.
Pero, siguro naman kung kakainin ko ang olives ay walang mangyayaring masama dahil katawan naman ito ng ibang tao at hindi naman ako.
Tumango nalang ako dahan-dahang kinuha ang pizza. Siguro hindi naman ako maapektuhan dito dahil kalulwa lang ako.
Tahimik ko lang sinundan si Venice. tapos na ang lunch break and nakakagaan lang na walang nangyaring masama sa akin.
Saglit na umurong si Venice at tumabi sa gilid ng may grupo ng mga kababaihan ang naglakad sa gitna ng hallway na akala mo naman ay mean girls. Ngumiwi ako sa nasa gitna ng makita ko ang ayos ng mukha nito. Mukha siyang malandi. Nang lumagpas na sila saamin ay naglakad na kami at kalaunan ay bigla ulit umigil sa paglalakad si Venice at nilingunan ako.
Ano na naman ba ginawa ko at gan'to makatingin ito? "You're acting weird Allie." napahawak ito sa noo at tinignan ang likod ko.
Kinunutan ko lang siya ng noo. "Bakit hindi ka lumayo sa mga bitches na 'yun?" nakataas na kilay nitong tanong kaya napanganga ako.
Sinong bitches? Iyong grupo ba ng babaeng nadaan namin kani-kanina lang?
"Ah y-yun ba? Ewan ko." napakamot naman ako sa ulo ko. Totoo naman hindi ko alam.
Umiling naman ito at bumalik na sa paglalakad kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Allie!" lumingon naman ako sa gilid ko ng biglang may tumawag saki- err sa katawan na kinokontrol ko.
Naningkit ang aking mata ng mapansin ko 'di kalayuan ang isang lalaki na nakaputing sumbrero at nakaloose pa ang polo.
Ito na nga ba ang sinasabi ko! Omg, How to act?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinuklay ang buhok sa sobrang nerbyos na nararamdaman ko. Natamaan ko naman ang salamin sa mata ko kaya napamura ako. Isa pa itong malaking salamin na'to! Nerd ba 'tong babaeng ito?
Inakbayan naman ako nung lalaki kaya napaisip ako. Teka, mukhang kaclose niya ito and this guy is acting cool so kailangan cool rin ako. "Hey!" inakbayan ko siya pabalik dahilan para mapatigil ito.
"Allie?" tawag niya ng naka kunot noo.
Tnaasan ko siya ng kilay. "Wha'sup men?!" bigla itong napakalas sa pagkakaakbay sakin pati si Venice ay nakaharap na sakin at nahulog na ang libro at bag niya sa sahig.
Tinignan ko sila. "What anong nangyari sainyo?" ngumiti ako ng pilit.
Nilapit naman nung lalaki yung gilid ng ulo niya kay Venice habang nakatingin parin sakin.
"Siya ba si Allie?" bulong nito kaya kinunutan ko sila ng noo.
"Hindi ko rin alam eh, kanina pa siya kumikilos ng kakaiba." bulong ni Venice rito habang nakatingin rin na gulat.
Kumunot ang noo ko sakanilang dalawa pero ngumiti pa rin ako ng bonggang-bongga para wow.
"She's strange." tumango si Venice sa sinabi nung lalaki.
"Yeah."
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...