VENICE COJEN
Napakunot ang aking noo sa sinabi ng matandang babaeng na nasa harapan namin ngayon.
A-ano daw?
"Uhm, ano pong ibig niyong sabihin?" ani ng nakakunot noo'ng Tyler.
Tumango ako bilang pag sangayon sa tinanong ni Tyler. Napabuntong hininga ang matanda na sa pagkakarinig ko ay Lola Mercy nalang daw ang itawag sakanya.
Wait nga, sabihin niyo nga sa akin kung nasa isang T.V. show ba kami? Where's the hidden camera?
Masyado na talaga ako naguguluhan. Feeling ko anytime sasabog na ang ulo ko sa sobrang daming tanong sa isip ko and to think na sa loob ng ilang buwan na kausap at nakasama si Allie ay hindi pala talaga siya iyon. Omg sakit sa ulo nito!
"Ang espiritong sumanib sa katawan ni Allie ay may koneksyon sakanya." biglang nanlaki ang mga mata ko sa binitiwang salita ni Lola Mercy.
Wait, what?
Bago pa man kami magtanong ay nag simula na siya ulit magsalita.
"Isa akong espirista kung kayo'y naguguluhan at nagtataka sa kung ano ang aking mga sinasabi. Ako ang nakakaalam kung sino ang espiritong iyon, ngayon ay nandito siya para ipabatid sainyo na wala siyang intensyong masama kay Allie at pati narin sainyo." huminga itong malalim atsaka kami muling tinignan.
Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan sa mga sinasabi niya.
"Meron siyang misyon na kailangan niyang tapusin bago mahuli ang lahat." sumeryoso ang mukha ni Tyler.
"Kung ganun, may koneksyon rin po ba siya sa amin?" bigla kong naitanong.
Natahimik naman si Lola Mercy sa tinanong ko. "Oo." bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba ng sabihin niya iyan.
"Sino po siya?" tanong ni Tyler.
Sa mga oras na ito, ang sakit ng nakaraan ay muling gumuhit sa aking alaala. Hindi ko na namalayan ang patuloy na pag buhos ng luha sa aking mata.
That ghost... She was pertaining was my bestfriend.
"Avery ang pangalan niya. Avery Mason."
BINABASA MO ANG
That Ghost
Mystery / ThrillerSiya si Avery Mason, isang tao-este multo na namamalagi sa lupa walong buwan na ang nakalilipas. Pero sa apat na buwan niyang natitira ay hindi niya aakalain na mapo-possessed niya ang isang babaeng na magpapabago sa buhay-kalulwa niya. Magagawa ba...