Kabanata 37

497 21 0
                                    

TYLER VERGARA

Halos hindi namin magawang umimik ni Ven habang pinapanood itong patuloy na naglalakad na para bang hangin lang kami rito. Nakatingin lang siya kay Allie na nakahiga sa hospital bed at mahimbing parin itong natutulog.

Bigla kaming nagkatinginan ni Ven at makikitaan mo rin ang gulat sa mukha niya sa paglitaw ni Cleo dito.

Hindi kaya kagagawan ito ng espirirong sumanib kay Allie? Paano't nakilala ni Cleo si Allie?

Tumikhim si Venice ng makarecover na siya sa gulat at nilapitan si Cleo na hindi man lang lumingon sa gawi namin kahit na gumawa ng ingay si Ven 

"Anong ginagawa mo dito?" ani Ven sa iritadong tono.

Sino ba namang hindi maiinis sa ginawa niya at talagang hinawakan pa nito sa kamay ni Allie. Nahihibang na ba siya?

"Nabalitaan kong na hospital siya kaya pinuntahan ko." Malamig na utas nito kaya kita sa mukha ni Venice ang pagkainis.

"At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay Allie? Mag kakilala ba kayo?" may diing utas ni Venice.

"Look, it was my fault kung bakit nasa hospital siya ngayon and please I have no time talking with you." ani to sa malamig na tinig.

"What the fuck? Ano bang gusto mo? Gusto mo ba si Allie? Ganyan mo na ba kadaling kalimutan si Avery?!" nakita kong lumandas ang luha sa mata ni Venice kaya tumayo na ako para awatin siya pero tinabig niya lang ang kamay ko at nagpatuloy na ulit sa pagsasalita.

"You asshole! hindi mo man lang alam ang pinagdaanan niya bago siya nagpakamatay and ikaw may paiyak-iyak ka pang nalalaman pero ang totoo niyan natutuwa ka dahil wala na siya!" Napasinghap naman ako sa mga salitang binitawan ni Venice.

Shit, this is not good.

Napalingon ako kay Cleo ng tumayo ito at tinignan si Venice na puno ng galit at inis.

"Do you think na wala lang sakin ang pagkamatay niya?" nakaramdam ako ng alerti ng mapansin kong kumuyom na ang kamao nito na animo'y ano mang oras ay makakasuntok ito kaya minabuti kong ilayo ng kaunti si Venice dito.

"Then tell me! Bakit ka nandito? Anong relasyon niyo ni Allie?!" Tanong ni Venice dahilan para ikatahimik nito.

Napabitaw nalang ako sa pag kakahawak sa braso ni Ven ng maramdaman ko ulit ang presensya ng espiritong sumanib kay Allie.

Hindi na muli pang nagsalita si Cleo at natulala nalang sa kawalan habang si Venice naman ay patuloy sa pagiyak.

Matapos mangyari ang eksenang iyon ay nawala ulit ang presensya ng espirito at pinaalis ko na lang muna si Cleo para wala ng mangyari pang kahit anong gulo hindi naman na nag pumiglas ito at umalis narin. Hindi rin daw makakapunta mamayang gabi si Allieson dahil nasarado na ang highway papunta dito sa hospital dahil sa nasirang tulay kaya bukas nalang daw ng umaga ito pupunta.

"Ty,bNaguguluhan na ako sa nangyari, paano kaya kung tumawag tayo ng paranormalist?"

Kanina pa rin din ako nagiisip kung papaano ko kokomprontahin ang espirito iyon at kung ano ang kailangan niya ng sa ganoon ay tigilan na niya si Allie.

"Hindi ko alam ang gagawin Ven, naguguluhan rin ako sa mga nangyayari." hinilot ko ang sentido ko.

Nasira ang katahimikan nababalot sa loob ng kwarto ng biglanh bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang isang may kaedarang babae.

Kung pagmamasdan mo siya ay kitang-kita ang pag kasosyales nito. Pero alam kong may nababalot itong kakaibang abilidad.

Tumayo kami ng lumapit ito samin. "Ako si Merceditas Ramos, you can call me Lola Mercy and I..." Tumigil ito at tinignan si Allie na hanggang ngayon ay tulog parin.

"... Know the whole story behind that ghost, who possessed Allie Preyar."

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon