Kabanata 28

500 20 0
                                    


Makalipas ang tatlo pang araw wala akong ginawa kung hindi ang sundin at i-stalk ang account ni Kareen. Kaya pala pamilyar siya nung niyakap niya si Cleo dahil siya pala ang sikat dahil sa kanyang pagkapanalo noong nakaraang buwan. Napangiwi ako.

Kareen Albinos lang ang alam kong pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya inii-stalk pero may pakiramdam talaga mayroon akong koneksyon sakanya. Sa loob ng tatlong araw din ay walang oras na hindi ko makasama si Travis, siya na mismo ang lumalapit saakin at nakikipagkwentuhan kaya nagiging kumportable na ako sakanya.

"Allie Preyar!" napalingon ako sa lalaking biglang tumawag sakin.

Kumunot ang aking noo ng makita ko ang lalaking matalim ang tingin saakin hindi ko maiwasang tignan ang kanyang pangangatawan. Halos lahat na ng mga estudyante ay napapatigil sa paglalakad dahil sa lalaking ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng boses nito o dahil gwapo siya? Wait what? 

"Hindi ka na nagparamdam sa aking babae ka!" bigla ako nitong ikinulong sa bisig niya kaya pinalo ko siya.

Sino ba 'to!? Don't tell me nagkaroon na ng boyfriend itong si Allie?! Aba ang gaga hindi nga marunong magayos nahakot naman ng naggagwapuhang lalaki. Isa na roon si Tyler.

"A-ah hi-hindi ako makahinga!" ginulo nito ang buhok ko at pinakawalan na ako.

Tinignan ko ito ng masama. "Sino ka!?" galit na tanong ko.

Marami na ang nakatingin saamin pero pinilit ko nalang na hindi ito pansinin. "Sino ako?" gulat na tanong nito.

Maya maya lang ay binatukan ako nito. "Hindi mo na nga kami binalikan, tapos ngayon nagpapangap kang hindi ako kilala." ngiwi nito at muli akong binatukan kaya sa inis ko ay tinadyakan ko siya.

"A-aw! Sadista ka na ngayon!" galit nitong sigaw sabay duro sa noo ko.

What the heck? Namumuro na'to sa akin ah! Nakahithit ba siya?

"H-hoy lalaki! Kung sino ka man wag mo akong gu-!" napatigil ako ng biglang sumigaw si Venice na nagpaalam kanina na magc-cr lang.

"Allieson!" tili ni Venice at mabilis na niyakap nag lalaking nasa harapan ko.

Kumunot ang noo ko. Kilala ni Venice ito?

"Venice! Buti naman at dumating ka na. Ano ba nangyayari sa kapatid ko at parang iba ata ang dating niya?" nakakunot noong tinawag na Allieson ni Venice.

Napakurap ako. W-wait, don't tell me... Kapatid ko siya?!

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon