Chapter 1 The Unforgetable Wedding

562 9 0
                                    




The Unforgetable Wedding

Nakangiting pinagmamasdan ko ang babae sa aking harapan. Bakas sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan at kakuntentuhan.

"Aerin, you're the most beautiful bride I've ever seen!" naluluhang papuri ni mama sa akin habang pinagmamasdan ang kabuuan ko mula sa aking repleksyon sa salamin.

"Thanks, Ma!" niyakap ko pa ito habang hinahagod ang kanyang likuran. Maya maya pa ay tuluyan na itong humagulhol sa aking balikat.

"Ikakasal na ang baby ko", himutok nito sa akin.

"Ma, ikakasal lang ako. Hindi ako mawawala. Pwede naman akong dumalaw sa inyo ni daddy araw araw eh."

"Pero kapag busy ka na sa asawa mo ay makakalimutan mo na kami."

"Pwede ba naman iyon? Ma, araw araw akong pupunta sa inyo, pangako yan. Tahan na ha? Magpapakasal lang ako, hindi ako mawawala sa inyo, okay?" nangingiti akong kumalas sa aming yakapan.

Sakto namang sa ganoong tagpo kami naabutan ni papa. "Oh, napano itong mama mo, anak?"

"Wala pa." Nakangiting tugon ko.

Kahit na may edad na si papa ay masasabi kong makisig pa rin ito sa suot na black tuxedo. Litaw na litaw ang kakisigan nito kahit na pinatanda na ito ng panahon. Naiiling itong lumapit sa mama ko na umiiyak pa din.

"Mahal. Tahan na! Hindi pa nagsisimula iyong kasal ay nag-iiiyak ka na diyan. Gusto mo bang pangit ang hitsura mo pag humarap ka sa mga bisita mamaya?" masuyong tanong nito habang inaalo si mama.

"Masisisi mo ba ako? Hayan at ikakasal na ang kaisa-isa nating anak!"

"Hush, tahan na. Hindi naman mawawala sa atin si Aerin. Hindi ba dapat ay panatag ka na dahil nasa mabuting kamay mapupunta ang ating anak?"

"Tama si papa, ma. Hindi ako pababayaan ni Dean. Magiging masaya ako sa piling niya."

Nangingiti si mama at sinubukang tumahan. Nag-usap usap kami saglit hanggang sa nagpaalam ako na pupuntahan ang aking magiging groom.

"Pero, anak. Masama ang magkita ang dalawang magkasintahan na ikakasal-"

"Ma." I cut her off. "Nasa iisang hotel lang kami ng magiging asawa ko. Ano pa ba ang hindi magandang mangyayari?"

Sasagot pa sana si mama pero sumagot na si papa. "Okay. Just... take care, alright?"

Nangingiting tumango ako. "I'll be fine."

Lumabas na ako ng silid. Narito kami sa isa sa mga pagmamay-aring five star hotel ni Dean. Walang ibang tao ngayon sa hotel maliban na lang sa mga imbitado sa aming kasal, ilang bodyguards, empleyado ng hotel at sa amin ng asawa ko.

Asawa ko. It sounds so good.

After 4 years of being in a relationship with Dean Voxx Maxwell, sa wakas ay nag-propose na rin siya akin. And now, today is our awaited day.

Maswerte ako. Alam ko naman yun. Pero hindi rin madali ang magkaroon ng relasyon sa isang bilyonaryo. Maraming gustong umagaw. Manggulo. Manira.

Nag-aaway din kami. Hindi naman maiiwasan iyon sa isang relasyon. Madalas naming pag-awayan iyong mga nagiging sekretarya niya at lantarang panlalandi ng mga ito.

Selosa ako, totoo. Pero hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya kundi wala akong tiwala sa mga makakating babaeng umaaligid sa kanya.

Pero at the end of the day, pinararamdam at sinasabi niya sa akin na ako lang. Ako lang at wala ng iba. Na kahit na may mas sexy, mas maganda, mas better ay ako lang. Ako lang ang mahal niya.

Huminto ako sa tapat ng isang executive suite. Sandaling nagtaka ako. Nasaan ang mga guard?

Kanina kasi ay may dalawang bantay na narito at ngayon ay wala na. Nasaan kaya ang mga ito?

Hinawakan ko ang swipe card na ibinigay ni Dean kanina at handa nang gamitin ito ngunit napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit ako huminto. Nanlamig ang mga kamay ko at bumilis ang pagtibok ng aking puso.

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Ginamit ko ang swipe card at pinihit ang knob. Dahan dahan akong pumasok sa loob.

Katahimikan ang sumalubong sa akin. Sinubukan kong tawagin si Dean pero walang sumasagot. Nasaan ba siya? Isang oras na lang at kasal na namin!

Napatingin ako sa nakaawang na pinto. Dahan dahan akong lumapit at tahimik na naglakad papunta doon.

"...I'll kill this bastard."

Napatigil ako sa paghakbang ng maulingan ko ang boses ni Dean. Si Dean nga ba iyon...?!

Sumilip ako at awtomatikong nanlaki ang aking mga mata ng makitang hawak ni Dean ang isang baril na may silencer at kinalabit ang gatilyo niyon.

Bumagsak ang katawan ng isang lalaking nakatali ang mga kamay at natatakpan ang ulo ng itim na saklob. Kumalat ang dugo sa sahig na nagmula sa lalaki.

Oh my!

Nagkilusan agad ang kanyang mga tauhan at binuhat ang katawang wala ng buhay.

Napaatras ako at mabilis na kumilos paalis sa lugar na iyon. Kailangan kong makaalis. Hindi nila ako dapat makita.

Kahit hirap ay nagtatakbo ako palabas ng silid na iyon bago nila ako makita. Mabilis na nagtungo ako sa isa pang silid at ini-lock iyon.

Napasandal ako sa pinto habang sapo ko ang aking dibdib. Matinding kaba, pagkalito at takot ang lumulukob sa aking sistema ngayon.

Ano iyon? Ano iyong ibig sabihin ng aking nakita? Si Dean ba talaga iyon? Bakit siya pumatay ng tao? Ano ba ang nangyayari?

Maraming tanong ang pumupuno sa isip ko. Wala akong maintindihan at natatakot ako sa mga nasaksihan ko kanina.

Pero isang bagay lang ang naging malinaw sa akin ngayon.

I will not back out. I'll still marry Dean Voxx Maxwell no matter what happen. Not because of his money. But because I love him.

==

Baliw na nga yata ako para sa iba. Tanga, boba, estupida at gaga. Siguro nga ay ganon ako.

Pero ano ba'ng magagawa ko? Mahal ko si Dean Voxx Maxwell kahit ano pa ang mangyari. Kahit pa iyong nakita ko ay hindi makakahadlang sa pagpapakasal ko sa kanya. Kahit... kahit pa pumatay siya.

Ganoon ko kamahal si Dean. Na kahit ano ang masama niyang gawin ay siya pa rin ang pipiliin kong pakasalan at mahalin. Hindi ba dapat ganun naman kapag nagmamahal? Na kahit nagkasala siya ay tatanggapin mo siya at mamahalin? Patatawarin kapag nagkakasala?

Napahinga ako ng malalim. Unti unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan hudyat na magsisimula na ang kasal. Ang hindi ko malilimutang kasal.

This is it.

--

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon