Twin
Nagising ako sa isang napakagandang kwarto.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay pero nakatitiyak akong matagal iyon. Nang tangkain kong bumangon ay siya namang pagsakit ng aking ulo na dala marahil ng pinaamoy sa aking kemikal.
Nang bahagyang luminaw ang aking paningin, ganun na lang ang gulat ko ng nakasuot na ako ng isang puting-puti na gown. Napakasimple lang ng disenyo nito ngunit napaka-elegante. Napansin kong nagamot na rin ang aking mga sugat pati na ang sugat na gawa ng daplis ng bala sa aking balikat.
Bumukas ang malaking pinto at pumasok doon ang isang unipormadong maid na halatang dugong banyaga. Natigilan ako. Sandali, nasa Pilipinas pa rin ba ako? Nasaan ba ako?
Lumapit sa akin ang babae.
"Excuse me, miss. But where am I?"
Ngunit sulyap lang ang tangi niyang naisagot sa akin. Tinanong ko siya ng tinanong pero hindi naman siya nasagot kaya tinigilan ko na din ang pagtatanong.
Ilang minuto pa ng katahimikan ang nagdaan hanggang sa nagsalita na ito.
"Follow me." madiing utos nito.
Umiling-iling ako ngunit sapilitan niya akong hinila paalis ng kama. Kung hindi lang kumirot ang sugat ko sa balikat ay hinding-hindi ako tatayo.
Bakit ba ako sasama? Ni hindi ko nga siya kilala! At malamang ay kasabwat siya noong kumidnap sa akin!
"Where will you take me?!" pagpupumiglas ko.
Walang tugon.
Nang makalabas kami ng silid ay ganun na lamang ang gulat ko ng makita ang karangyaan ng lugar. Nasa isang napakahabang pasilyo kami na aakalain mong hari at reyna ang may-ari! Ang sahig ay naka-red carpet pa!
Hinatak ako palayo ng babae. Mga labing-limang pinto yata ang nalampasan namin hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng napalaki at gawa sa ginto na pinto.
Kumatok ang babae at unti-unting bumukas ang pinto hanggang sa iginiya ako ng maid papasok.
Nasa isang marangyang silid na naman ako. Ngunit iba sa una ay parang silid tanggapan ito dahil sa mga mamahaling sala set, book shelves na halos sakupin na ang kalahati ng pader, isang napakalaking bintana na sa tapat ay may malaking lamesa at kapares ang tila upuan ng hari sa Europe. Kasama pa diyan ang tatlong chandelier na nakasabit.
Napakislot ako mula sa aking kinatatayuan ng nahati sa dalawa ang book shelf na nasa kaliwang bahagi ng silid at may lumabas doon!
Isang secret door!
Mga lalaking naka-itim na may puting maskara ang lumabas sa secret door. Nakapila sila na parang sundalo hanggang sa huling lumabas ang napakapamilyar na mukha.
Si... Dean?
Kusang gumalaw ang aking mga paa at tinakbo ang kinaroroonan niya. Ang saya ko! Ang saya saya ko!
Ligtas siya. Ligtas ang asawa ko.
"Dean... Dean!"
Akmang pipigilan ako ng mga naka-itim na lalaki pero pinigilan ito ni Dean. Niyakap ko siya agad ng napakahigpit at saka napaluha.
"Dean.. Dean, ligtas ka!"
Pero ganun na lang ang gulat ko ng kinalas niya ang mga braso ko at saka buong lakas akong itinulak.
Napasubsob ako sa carpet. Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakagalaw. Dahan dahan akong tumayo at hinarap siya.
"D-Dean?"
Hayun at nakita ko ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Akmang aabutin ko sana siya ngunit nilayuan niya agad ako.
Anong nangyari? Bakit.. nagkaganito ang asawa ko? Anong ginawa nila sa kanya?
"Dean... D-Dean, bakit--"
Ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumasok iyong leader ng mga dumukot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumayo.
Pero ngumisi lang ito sa akin bago lumapit kay Dean. Magkasabwat sila?!
"Dean.. a-anong nangyayari? Bakit kasama m-mo siya?"
Pero wala akong nakuhang sagot. Sa halip ay binalingan ni Dean ang kanyang mga tauhan.
"Leave."
Nagsiyuko muna ang mga ito bago lumabas. Tanging kami na lang dalawa ni Dean ang naiwan sa silid na iyon.
Nagulat na lang ako ng hapitin niya ako sa bewang. Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya!
"Dean--uhmmpp!"
In one swift move, he claimed my lips. Ngunit kaiba ito sa halik niya noon sa akin, ngayon kasi ay marahas, tila galit at nakakapanakit. Kahit na dumugo na nga ang aking mga labi ay hindi pa rin siya tumigil sa paghalik.
Itinutulak ko na siya pero wala rin namang epekto dahil malakas siya kung ikukumpara sa akin. Tinangka kong makawala pero sadyang mahigpit ang hawak niya sa aking bewang.
"Dean.. a-ano ba.. nasasaktan a-ako!"
Huminto lang siya ng kakapusin na kami ng hininga. Hinaplos niya ang aking labi, habol ang hininga.
Sa gulat ay napatili ako nang buhatin niya ako bigla. Inihiga niya ako sa sofa pagkatapos ay kumubabaw agad sa akin.
"Dean a--"
Hinalikan niya akong muli. Pero sa pagkakataong ito ay masuyo na at banayad na tila natatakot siyang muli akong masaktan. Tinugon ko ang kanyang mga halik at ramdam ko ang kanyang pag ngiti.
Pero tumigil siya at saka bumulong sa aking tenga.
"You know what, Aerin? You taste so fcking sweet. So sweet that I wanted to kill my twin so that I can have you by myself."
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Parang sandali akong nakatulala sa kawalan hanggang sa mag sink-in lahat ng mga sinabi niya.
"T-t-twin?"
"Yes, darling. Your husband and my identical twin. And oh, by the way, I already killed my father so your husband will be the next victim and then you, BUT! I can change my mind if you're going to be my playmate.. in bed, of course."
Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at pagdagsa ng matinding takot. Dios ko! Mariing napapikit ako bago ko siya itinulak ng ubod lakas.
Pero hindi ako nagtagumpay. Bahagya lang siyang napaangat habang nakapaskil ang ngisi sa kanyang labi.
Hinalikan niya akong muli kaya nagpupumiglas ako. Hanggang sa maramdaman ko na lang na nagsisimula ng maglakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan.
Nang makahanap ako ng tiyempo ay kinagat ko ang kanyang labi.
"Fck it!"
Napaubo ako ng bigla niya akong sinikmuraan. Halos mamilipit ako sa sakit at hirap sa paghinga ng pinaglandas niya ang kanyang labi sa aking leeg. Nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.
The next thing I know, nakita ko na lang kung paano tumalsik ang katawan ng kambal ni Dean paalis sa ibabaw ko at pumasa ere.
Dahil isang napakapamilyar na bulto ang nakahawak sa leeg nito habang nakatalikod sa akin.
Muli, bumuhos na naman ang luha sa mga mata ko.
"D-dean."
***
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wrath
General FictionHindi inakala ni Aerin na masasaksihan niya ang pagpatay ng kanyang mapapangasawa sa isang hindi kilalang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Kahit puno ng agam agam at takot ang kanyang puso ay nagpakasal pa rin siya kay Dean sa kabila nang m...