Prologo

616 12 0
                                    

Pinipilit kong wag tumulo ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Ayokong ipakita na nasasaktan ako. Na mahina ako. Hindi pwede.

"What do you need? Can you fvcking leave us?!" mariin at mabigat na saad ni Voxx habang nakayakap sa isang maganda at sexy'ng babae.

"I…I just want to-"

"Leave."

"Pero-"

"I said, leave!" bulyaw nito na muntik ng magpatalon sa akin.

"O-Okay."

Tumalikod na ako kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Isinarado ko ang pintuan at tinakbo ang maid's quarter.

Naabutan ko doon si Nanay Sepa na natitiklop ng mga bedsheet. Nagulat ang matanda sa pagpasok ko ng kwarto at mas nagulat ng makita ang itsura ko.

Ibinuka ni nanay ang kanyang dalawang braso at tila hinihintay ako na yumakap sa kanya.

Tumakbo ako at yumakap kasabay ng aking pag-iyak. Hinagod hagod ni nanay ang aking likod na tila sinasabing iiyak ko lang ang lahat.

Ang sakit kasi. Sa nagdaang panahon ay naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Voxx at wala akong magawa. Ayoko siyang iwan kahit na saktan niya ako ng paulit ulit. Hindi na ako aalis. Hindi ko na siya iiwan kahit na ano pa ang mangyari.

--

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon