Chapter 11 Caught

250 4 0
                                    

Caught


Isang oras na ang lumipas ng iwan ako ni Icarus mag-isa dito sa silid. Gusto ko mang lumabas ay hindi pwede dahil baka nasa paligid lang ang mga kalaban.

Hindi ko napansing napahawak ako sa aking labi. Damn. Isang oras na rin akong nababaliw dito kakaisip doon sa nangyari kanina.

Napasabunot ako sa aking buhok tapos ay ginulo-gulo ito. Fck. Bakit ba hindi maalis sa isip ko iyon. Isang halik lang iyon. Halik lang. Wala ibig sabihin.

Argh!

Bakit ba kasi ako hinalikan ni Icarus? At bakit din ba ako nagpahalik?!

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala rin namang saysay kung iisipin ko pa kung sino ang may kasalanan. Nangyari na e. May magagawa pa ba ako? Isa pa, may mga importanteng bagay pa akong dapat asikasuhin sa ngayon. Iyon ang dapat kong unahin.

Sa dami ng gumugulo ngayon sa isip ko ay hindi ako kaagad nakatulog. Pero nang lumapat na ang aking likuran sa malambot na kama ay hinila na ako ng aking diwa para makapanaginip.

NAPABALIKWAS ako ng bangon.

Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan ng aking pagkakatulog ay napabangon ako. Nanlalamig ang buo kong katawan pero tagaktak ang aking pawis.

Ilang sandali kong pinakalma ang aking sarili pagkatapos ay nagpasyang lumabas ng silid upang makapagpahangin ngunit bigla na lang umalingawngaw ang putok ng baril.

Shit!

Ila-lock ko sana ang pinto ng bumukas iyon. Abot-abot ang kaba ko habang tila naitulos ako sa aking kinatatayuan at tila hinihintay si kamatayan upang kunin ako.

"Aerin! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan?! Tara na!"

Walang alinlangang sumama ako kay Icarus. Agad kong dinampot ang pistol sa ilalim ng aking unan at patakbong lumabas ng silid kung saan naghihintay sa akin si Icarus.

Tahimik naming binaybay ang pasilyo ng Estrella Inn. Maraming silid ang sapilitang binuksan at ang iba pa'y may mga katawang naliligo sa sariling dugo.

Mariing kinagat ko ang aking labi upang pigilin ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

Naiinis ako dahil wala akon magawa kundi magtago at tumakbo pagkatapos ay mandadamay pa ng mga inosenteng tao na wala namang kinalaman sa mga nangyayaring ito.

Naiinis ako na may nagsasakripisyo ng buhay para lamang sa kaligtasan ko.

Bakit? Ano bang naidudulot ng pagtatago at pagtakbo ko sa problemang ito? Ilang inosente pa ba ang kailangang madamay dahil lang sa akin? Ilang mahahalagang tao pa ba sa buhay ko ang handang magsakripisyo at magtanggol para lang sa isang katulad ko?

Sa isiping iyon ay kusang huminto ang mga paa ko mula sa pagtakbo.

Nilingon ako ni Icarus. Bakas ang matinding pagkalito sa mukha.

"Aerin? Ano bang ginagawa mo?"

"I-Icarus.. tumakas ka na. H-hayaan mo na akong harapin s-sila.. "

"Putangina!"

Napakislot ako ng sigawan niya ako.

"Hayaan mo na ako! Ayoko ng magtago.. tumakbo.. m-madami ng nadadamay dahil lang sa--"

"Shut up! Just shut the fck up!" halos maglabasan na ang litid niya sa leeg dahil sa matinding galit.

Unti unti akong nakaramdam ng inis. Ano bang problema niya? Bakit ba siya nagagalit sa akin? Ayoko lang naman siyng madamay at ang iba pa!

"Bakit ka ba nagagalit? Ayaw lang naman kitang madamay sa--"

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! YOU. WANT. TO. FACE. THEM?! Bullsht." may diin sa bawat salitang binibigkas niya, "Are you insane? Ayaw mo akong madamay? Then let me fcking remind you this, Maxwell. Hindi kita iniligtas para magpakamatay. At baka nakakalimutan mo? May utang ka pa sa akin. Paano mo ako babayaran kung patay ka na? Huh? Stupid!"

"Pero--"

"Shut up! Hindi mo sila haharapin. Naiintindihan mo?!"

As he uttered those words, a bullet passed through me then to Icarus.

"Shit!"

"I-Icarus!"

Tinamaan si Icarus sa kaliwang balikat. Agad ko siyang nilapitan pero hinawakan niya agad ang braso ko.

"may.. t-tama ka, Aerin!"

"Okay l-lang ako--"

"How romantic."

Napalingon kami ni Icarus. Sa kabilang dulo ay nakatayo ang isang lalaki doon na may hawak na baril at nakatutok iyon sa amin.

Tinitigan kong mabuti ang lalaki. Napakapamilyar ng mukha nito pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.

Patuyang natawa ito saka tumitig sa akin. "You don't recognize me, Aerin? I thought you're clever just like your husband, but it looks like, you're not. Oh well, I expect too much from a Maxwell like you."

"Moron." ani Icarus.


"The Mighty Icarus! What a damn surprise! Acting like a knight in shining armor? Heh."

"What a talkative btch." patuyang saad muli ni Icarus.

"Any last words?"

Ngumisi si Icarus. Hawak ang kanang kamay ko ay humakbang paabante si Icarus. Tila balewala lang ito sa lalaki at sumenyas sa kanyang mga tauhan. Ilang sandali pa ay napaligiran na kami ng mga unipormadong lalaki.

"Get the girl but don't harm her."


Hinatak ako ng dalawang maskuladong lalaki palayo kay Icarus. Tinangka kong kumawala pero mas malakas sila kesa sa'kin.


"Icarus!"


"Aerin-ugh!"


Napatili ako ng pukpukin ng baril sa batok si Icarus. Agad itong nawalan ng malay. Nagsimula ng pumatak ang mga luha sa mata ko.


Kinaladkad nila palayo ang walang malay na si Icarus.


"Icarus!" Hindi maampat ang mga luha ko mula sa pag-agos.


Iniharap ako ng dalawang lalaki sa kanilang amo.


"Aww.. poor Maxwell. Don't cry, sweetie. Ssshhh."


Hinaplos nito ang pisngi ko pero nagpupumiglas ako. Ng makahanap ako ng tiyempo ay kinagat ko siya sa kamay.


"You fcking btch!"



Halos tumagilid ng husto ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin. Napaiyak ako ng husto dahil sa sakit, nalasahan ko pa ang dugo mula sa sugat sa aking labi sa lakas ng impact sa pagkakasampal sa akin.


"Tsk. tsk. Ikaw naman kasi. Kinagat mo ako." Hinila niya ang buhok ko patalikod kaya napaharap ang mukha ko sa kanya. Hinawakan ng kanyang daliri ang sugat sa aking labi. Pinanlisikan ko siya ng mata.


"You know what to do."


Mabilis na tinakpan ng isang lalaki ang ilong ko ng panyo na may halong kemikal.


Unti-unting naramdaman ko ang pagkahilo hanggang sa kainin na ng dilim ang diwa ko.



**


Huhu. Sensya na sa late update. Sabaw pa ang utak ko, paramdam kayooo. U_____U

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon