Chapter 16 Shadow

263 9 1
                                    

Happy 2k reads! Inspiration please :(

***

Shadow

Sa hardin ko nadatnan sina mama at papa habang masaya silang nag-usap na parang sila lamang ang tao sa mundo. I smiled at the beautiful scenery in front of me. The love in their eyes was evident as my father lovingly touched my mother's hand above the table.

Malalim akong napabuntong hininga hindi dahil kinakabahan ako o ano pa man. It's actually a sighed of relief that my parents never knew any about my dad's death.  Don Octavius' death.

Ang balitang ipinarating ni Dean ay iba at malayung-malayo sa totoong nangyari. Atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay nito na siyang alam ng mga magulang ko. Hindi ko man alam kung bakit ito ang ipinamalita ng asawa ko ay ipinagpapasalamat ko na rin kahit papaano. Dahil ayoko na dumagdag pa sa mga alalahanin ng mga magulang ko dahil may katandaan na rin sila at ang malaman na pinatay ang ama ng asawa ko ay magdudulot lamang ng pangamba para sa kanila.

Alam ko na dapat ay hindi ko ilihim ang totoo pero hindi pa siguro ito ang panahon para malaman nila ang totoo.

"Hija, come here and join us," utos ng aking ina kaya lumapit na ako sa kanila.

"Mukhang malalim ang iniisip ng baby ko ah? Ano iyon? Magkakaapo na ba kami?"

"Ma! Hindi po," iling na tugon ko.

"Aba! At bakit wala pa? Ke hina naman pala noong si Dean!" panunudyo naman ng ama ko.

"Pa, hindi naman kami nagmamadali."

"At kailan niyo pa balak na bigyan kami ng apo? Hindi na kami bumabata, Aerin. Gusto ko nang makarga ang mga apo ko." dismayadong kumento ni papa na para bang problemado pa sa akin.

"Oo nga, anak. Namimiss ko na ring mag-alaga ng bata." pamimilit ding ungot ni mama.

"Opo, opo. Sasabihin ko kay Dean na gusto niyo na nang apo."

"Dapat lang. Ako'y inip na inip na kahihintay eh."

"Mahal, turuan mo ngang mang-akit iyang anak mo. Baka naman malamya iyan kaya siguro'y walang gana si Dean na bigyan siya ng anak."

Nanlaki ang mga mata ko at agad nagprotesta. "Pa naman!"

"Oh eh bakit? Malamang ay iyon ang dahilan kaya ayaw ka pang bigyan nang asawa mo ng anak." painosenteng tugon ni papa.

"Hindi naman ganoon iyon, e!" napapapadyak na lang ako sa kakulitan ng dalawang ito.

"Ay naku! Dapat ay nagsusuot ka kasi noong mga pang sexy'ng damit! Iyong mga lingerie at see-through! Para naman matuwa si Dean sa iyo."

"Ma naman eh!"

Sa pangungulit ni mama at papa ay nauwi kaming tatlo sa mall. Kasama din namin ang tauhan ni Dean na panay ang tawag sa cellphone upang i-update ang kanyang amo.

Puro sexy at see-through na damit ang pinagkukuha noong dalawa na excited sa mga nagaganap. Hiyang-hiya ako sa mga saleslady na  natatawa at amused na amused na nanunuod sa aming tatlo.

Matapos ang pagsshopping ay kumain kami sa isang malapit na fine dine restaurant para sa aming early dinner.

Habang hinihintay ang order ay nakaramdam ako ng tila ba may nagmamasid sa akin. Iginala ko ang mga mata upang makasiguro pero wala naman akong nakitang nakatingin sa akin. Inignora ko na lamang ang pakiramdam na iyon.

Nang dumating ang aming order ay hindi pa rin nawala ang topic namin tungkol sa mga lingerie. Nagbigay pa ng tips si mama kung paano ko daw dapat—uhm, well, alam niyo na yun. Mapapa-face palm ka na lang sa kanila.

After dinner, nagpasya na kaming umuwi dahil napagod na kaagad ang dalawang matanda.

Isang kotse lang ang gamit namin. Ang nagmamaneho ay ang tauhan ni Dean. Nasa passenger seat ako nakaupo samantalang nasa likuran naman sina mama at papa.

Habang binabagtas namin ang daan pauwi, bigla na lang bumilis ang takbo ng kotse na ipinagtaka ko.

"Anong nangyayari?" tanong ko kay Daichi, iyong tauhan ni Dean.

"We're being followed."

"H-ha?" doon na bumundol ang kaba ko. Mabuti na lamang at tulog na sina mama at papa.

Dali-dali namang nag dial si Daichi sa kanyang cellphone. Ganoon din sana ang gagawin ko kung hindi ko lang nakitang lowbatt na pala ang cellphone ko.

"Yes, Sir. She's with me... Okay... On it."

"Si Dean ba iyan?"

Napasulyap sa akin saka tumango. Iniabot na niya kaagad iyon sa akin saka mas pinabilis pa ang pagmamaniobra ng sasakyan.

"H-hello.. Dean." garalgal na sambit ko.

"Wife." his breathing was ragged. "Stay close to Daichi. I'm going there so wait for me, huh? Understand?"

"O-oo. Hihintayin kita."

Ibinalik ko ang cellphone ni Daichi at umusal ng dasal. Akala ko pa nama'y tapos na. Pero heto at may nagbabalak pa rin sa aming masama.

Pumikit ako at umusal ng maikling dasal. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami ng bahay at agad na ipinarada ni Daichi ang kotse.

"Your parents are not safe here anymore, ma'am." imporma pa ni Daichi.

Tumango ako. Alam ko na iyon. At ilalayo ko na dito ang mga magulang ko dahil maaari din silang mapahamak.

Ginising ko na sina mama at papa para makapagpahinga na sila sa kwarto. Umakto na lang ako ng normal kahit sa loob-loob ko ay ramdam ko ang matinding tensyon at kaba.

Hindi na umangal pa ang dalawa at nagpahinga na kaagad sa kwarto. Nanatili naman ako sa dati kong silid at nakasilip sa bintana.

Tanaw ko ang tila mga anino sa dilim na tahimik na nagmamasid sa aming bahay. Si Daichi ay nasa sala upang magbantay. Wala siyang pinayagang lumabas na kahit sino. Sarado din ang malaking pinto at nakaharang naman ang mga makakapal na kurtina sa naglalakihang bintana ng mansyon.

Unti unting nanuot ang kilabot sa akin nang sabay sabay na humilera sa tapat ng aming bahay ang mga lalaking nagkukubli sa dilim at sabay sabay na tumingin sa akin.

Agad kong hinawi ang kurtina at patakbong tinungo ang plug para makapag charge. Kailangang makontak ko si Dean!

*****

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon