Octavius Vonn Maxwell III
Isang itim na gown ang suot ko ng gabing iyon. Tube style ang gown na may gold beaded designs sa ibaba at may maliit na black rose sa kaliwang parte nito. Halos sumasayad na sa sahig ang gown dahil medyo may kahabaan ito. Suot ko rin ang isang black velvet gloves. Tanging white pearl na earrings at kwintas ang suot kong alahas. I also tied my hair up in a bun na may iilang takas na buhok sa gilid ng aking mukha dahil hindi na maisama sa tali ito. Pares ng aking suot na gown ang isang four-inch na white stilleto. Nag-apply din ako ng make-up para naman magkakulay kahit paano ang mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit pinagsuot ako ni Dean ng gown pero hinayaan ko na lang. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng aming kwarto habang nakaharap ako sa full-length mirror. Nagtama ang paningin namin ni Dean sa repleksyon sa salamin.
Suot ang black tuxedo ay lalong gumwapo si Dean sa paningin ko. Maayos ang buhok nito na madalas ay magulo pero ito ang nagpaaliwalas lalo sa kanyang mukha. His jaw, his kissable and reddish lips, pointed-nose and those deep grayish-bluish eyes that makes me tremble inside. God, how lucky I am to have this man in my life.
"Satisfied, wife?"
Naputol ang pagpapantasya ko sa sinabi ni Dean. "Ha?"
He smirked. Then slowly walked towards me. Naamoy ko ang kanyang mabango at nakakalalasing na amoy na kumikiliti sa nostrils ko. Niyakap niya ako patalikod ng hindi napuputol ang aming titigan sa repleksyon sa salamin.
"I hope this night will end quickly." He buried his face on my neck. Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay na nasa aking tiyan.
"Hmn. And why is that, husband?"
"So that I can make love to you, already."
Awtomatikong namula ang pisngi ko. Pambihirang lalaki ito. "Dean."
"What? Don't tempt me, wife. Kapag hindi ako nakapagpigil eh hindi ko na mahaharap si papa at ang mga bisita."
Pinalo ko siya sa braso. "Wala naman akong ginagawa eh."
"Tsk. Bakit kasi ang ganda ganda mo eh."
Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. Ugh! Kainis! Bakit ako kinikilig? Daig ko pa ang highschool student na binati ng kanyang crush!
"Come on." Hinila na niya ako palabas ng kwarto. "Baka hindi ako makapagpigil."
"Ha? Anong sabi mo?"
"Nothing."
Dean led me towards the stairs. He held my hand firmly as he guided me slowly down the stairs. All maids and bodyguards were formed in line and bowed their heads.
Pakiramdam ko ay nasa isang fairy tale ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aming mansyon. Sa front door, nakalatag doon ang isang red carpet, chandeliers lit up the whole place while elegant tables were set up with red rose flowers placed in an elegant vase.
"Wife?" untag ni Dean sa pagkakatulala ko.
"Y..yeah?"
He smiled. Ng tuluyan kaming nakababa ay lumapit kaagad si Seiron, ang personal na bodyguard ni Dean.
"Sir, Don Octavius called. He's on his way." imporma nito.
Tumango si Dean samantalang dinatnan naman ako ng matinding kaba. Nanlamig ang mga kamay ko at ramdam ko ang pamamawis nito.
"Hey, are you alright wife?"
Tumango-tango ako kahit na halos ramdam ko ang matinding pagkabog ng puso ko dala ng kaba. Yumuko si Dean at pinagdikit ang aming noo. "Hey, everything's gonna be alright. I'm here." naramdaman niya siguro ang kaba ko.
Maya maya pa'y pumarada ang isang itim na limousine sa harapan ng mansyon. Binuksan ng isang lalaki ang pinto at dahan-dahang umibis doon ang isang malaking lalaki. Bumundol na ng husto ang kaba ko sa aking dibdib.
Inilapat ni Dean ang kanyang kamay sa aking bewang at nagtungo sa pintuan upang salubungin ang bagong dating. Nakayuko ang lahat ng mga tauhan na animo'y bumaba si Zeus mula sa kalangitan dahil sa pagkilos ng mga ito. Maski ako'y mapapayuko din kapag tuluyan ng nakalapit sa amin si papa. Maraming mga lalaki na naka-itim suit ang nasa likuran nito na nasisiguro kong mga tauhan ni papa ang lahat ng ito.
"Dad." pagtawag ni Dean sa lalaki. Napabaling ang tingin nito sa amin at parang pinagpapawisan na ako ng malapot sa sobrang kaba.
Napayuko ako sa intensidad ng kanyang pagtitig ng mapansin niya ako sa tabi ng kanyang anak. Ni hindi ko halos matandaan ang mukha ni papa dahil hindi ko na napagmasdan ang kanyang mukha ng mabuti.
"Dad, stop intimidating my wife. You're making her uncomfortable." saway ni Dean na hinigpitan pa ang pagkakahapit sa bewang ko.
"Am I, young lady?" tanong nito sa matigas na ingles.
Kinabahan ako ng husto. Pero sinalubong ko pa rin ang mga titig ni papa. "A little bit, Sir."
Nagpasalamat ako na hindi ako nautal sa harap ng isang Octavius Vonn Maxwell III. Kahit na sobra sobra ng dinadaga ang puso ko at pakiramdam ko naging jelly na ang mga tuhod ko.
Matikas na matikas pa rin si papa sa suot niyang Amerikana. Hinas ang alun-alon na buhok na kulay itim na may iilang puting buhok. Strong-chiseled jaw, pointed nose, sensual lips and those intimadating bluish-green eyes. Kahit kailan ay hindi ako magsasawang titigan ang mga mata ng isang Maxwell.
Napangiti ng kaunti ang Don na bahagyang ikinagulat ko. "Son, hindi ka nagkamali sa pagpili ng mapapangasawa. Hija, welcome to the family." baling nito sa anak pagkatapos ay sa akin.
"T-thank you, Sir."
Bahagya pang nangunot ang noo ni Don Octavius. "Don't call me Sir. Call me dad."
"Okay, d-dad." utal na sabi ko.
"Much better."
Medyo nakahinga naman na ako ng maluwag dahil sa ginawang pagngiti ni dad. Pero ng maisip ko na darating din ang iba pang kamag-anak at ilang matataas na tao sa lipunan ay nanlamig muli ang mga kamay ko.
This is gonna be a long, long night.
***
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wrath
Ficción GeneralHindi inakala ni Aerin na masasaksihan niya ang pagpatay ng kanyang mapapangasawa sa isang hindi kilalang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Kahit puno ng agam agam at takot ang kanyang puso ay nagpakasal pa rin siya kay Dean sa kabila nang m...