Chapter 10 Kiss

224 5 0
                                    

Kiss

Napatili ako ng mabungaran ko sa pagbukas ko ng pinto ng banyo si Icarus.

"Bakit ka ba nandyan?! Papatayin mo ba ako sa sobrang gulat?" paasik na tanong ko.

Bahagya pa siyang napaatras dahil sa pagkagulat sa naging reaksyon ko. Ngunit ng makabawi ay ngumisi lang ito at nagtaas ng kilay.

"Wala naman akong ginagawa ah," aniya at itinaas pa ang dalawang kamay.

Pinanlisikan ko sya na mas lalong nagpangisi sa kanya. "Ibibigay ko lang itong mga pinamili kong damit para sa'yo. May mga underwear na rin dyan. 'Di ko naman alam ang size mo pero tinantiya ko na lang."

Awtomatikong namula ang magkabila kong pisngi. Iniabot niya sa akin ang plastic na naglalaman ng mga damit at kinuha ko naman iyon. Nagbaba ako ng tingin.

"T-thank you."

God! Bakit ba ako affected?! At saang bagay ba ako naaapektuhan? Sa sinabi nya?

"Magbihis ka na nga,"

Naputol ang pagkikipagtalo ko sa aking sarili ng magsalita sya. Nasapo ko pa ang aking noo at prinoseso ang mga sinabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize kong nakabalot lang ako ng towel!

Napamura ako bago pabagsak na isinarado ang pinto sa mukha ni Icarus. Alam kong ang bastos ang ginawa ko pero ayoko namang harapin sya ng nakatapis lang ng tuwalya.

Napabuntong-hininga na lang ako at minadali ang pagbibihis. Magso-sorry na lang ako pagkatapos.

Isang plain white t-shirt at maong shorts ang suot ko dahil wala namang pantalon o kahit tokong ang nasa plastic. Hindi naman sa nagrereklamo ako o ano pero hindi lang ako kumportable na magsuot ng ganito kaiksing short.

Ah, bahala na. Kesa naman nakapanloob lang akong nagpapalakad lakad sa harap ni Icarus.

Natigilan ako sa naisip. Seriously, Aerin? Ugh. Nababaliw na ata ako.

"May balak ka bang tumira sa banyo?" sarkastikong tanong ni Icarus.

"Eto na, lalabas na ako!"

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad namang pumasok ng banyo si Icarus. Pero bago nya isara ang pinto ay bumaling sya sa akin.

"Kumain ka na dyan, mauna ka na. Baka himatayin ka na naman dahil sa gutom."

Nilapitan ko na nga ang round table na punung-puno ng iba't ibang putahe. Halos maglaway ako lalo pa at mukhang bagong luto ang mga ito dahil umuusok pa ang mga pagkain.

Naupo na ako at agad sinunggaban ang nilagang baboy. Sinunod ko din ang lumpiang gulay, pritong tilapia at munggo. Halos punung-puno ang bibig ko at hirap ngumuya dahil sunud-sunod ang pagsubo ko na tila ginutom ng tatlong buwan.


Saktong puno ang bibig ko ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang half-naked na si Icarus na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan.

Nabilaukan ako. Hindi ako matigil-tigil sa pag-ubo dahil kay Icarus!

Halos walang nguya-nguya at kinuha ko agad ang baso na may lamang tubig saka nilagok ang laman niyon.

Lumapit naman ang kumag at hinagod-hagod ang likuran ko. Nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha na nagpainis sa akin. Sinandya nya!

"Ayos ka lang ba?"

Binigyan ko sya ng nakamamatay na tingin. "Tigilan mo na nga ako ng mga pang-aasar mo."

Ngumisi sya at inilapit ang mukha sa akin. Lumayo ako pero hinawakan niya ang braso ko para pigilin ang paglayo ko.

Inilapit niya ang mukha nya sa akin ng husto na halos ikaduling ko na.

"I-icarus"

"Tsk. tsk. Sa susunod, huwag na huwag mo akong pagbabagsakan ng pinto, huh, wife." he smiled evilly.

"Hindi mo ako asawa," mariing anas ko.

"Oh yes you are."

"No!"

"Yes,"

"No!"


"Asawa kita."


Bago pa ako makasagot ay sinakop na ni Icarus ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na itinutulak sya pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko at pinipirmi iyon upang mahalikan ako ng maayos.

Ang kabilang braso naman niya ay tila bakal na pumulupot sa aking bewang. Kahit na anong tulak ko ay hindi sya nagpatinag.

Madiin at mapanalakay ang kanyang mga halik na tila pinaparusahan ako. Sa intensidad ng kanyang halik ay halos magdugo ang labi ko ngunit hindi pa rin sya huminto. Mali ito! Maling-mali!

Sandaling naghiwalay ang mga labi namin upang sumagap ng hangin. He licked his lower lip as he stared at my swollen lips.

He closed his eyes and attacked my lips in the most tender way. I automatically shut my eyes as I fisted my hand against his hard-rock chest.

"A-aerin," he moaned in between our kisses.

I mimicked his moves to my lips that result a manly moan from him.

Sa pananalakay ng kanyang mga labi ay halos mawala na ako sa aking tamang pag-iisip. Ng maramdaman ko ang kanyang kamay na pumapailalim sa aking t-shirt ay natauhan na ako.

Buong lakas ko siyang tinulak at saka sinampal. Shit! What have I done! What have we done?!


"Why.. why d-did you kissed me?!"

Ngunit nanahimik lang si Icarus.

Tumayo ako at halos takbuhin ko na ang pinto palabas ng hatakin ako ni Icarus. He sighed.

"Look, I-I... I'm sorry. But we shouldn't have done that. Kasal na ako."

"I know. And I should be the one saying that. I'm-I'm just... damn. I'm not good at this. But I'm sorry. I really am. Nadala lang ako."

Napahilot ako sa aking sintido. "I know, I know. If you'll excuse me I'm-"

"No. Ako na ang lalabas. Delikado pa and besides hindi ka pa tapos kumain 'di ba? I'll just put some clothes on."

Iyon na nga ang nangyari. Pagkabihis ni Icarus ay lumabas na siya kaya naiwan akong mag-isa.


Nawalan na ako ng ganang kumain pero pinilit ko dahil kakailanganin ko ng lakas.

Subconsiously, napahawak ako sa aking labi.

Damn! Aerin Maxwell. May asawa ka na pero nagpahalik ka pa sa iba?! Magaling!

Ugh! Ang tanga tanga ko! Bakit ko ba sya hinayaang halikan ako? At bakit ba ako nagpahalik? Worst, hinalikan ko din! Fck.

Then a smiling face of Dean suddenly appeared on my head. And then I felt something.

Guilt.


***


Huhu. Lame. lame. lame.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon