Husband and Wife
Halos mag-uumaga na ng makatulugan ko ang pag-iisip. Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Icarus o hindi pa simula ng iwan niya ako pero sa pagdilat ng aking dalawang mata ay siya agad ang una kong nakita.
Napansin ko agad na may mali.
"I--"
"Ssshh. Huwag kang maingay at nandito na sila."
Agad ay sinalakay ako ng matinding kaba. Nahanap na nila ako!
"Kung gusto mo pang mabuhay, sundin mo ang sasabihin ko, maliwanag?!" mariin niyang bulong.
Tumango ako at hinagilap agad ang baril sa ilalim ng aking unan. Napatingin doon si Icarus pero kaagad itong nag-iwas ng tingin.
Napatili ako ng paulanan ng putok ng baril ang lugar. Kasabay noon ay ang paghila ni Icarus sa akin padapa para makaiwas.
"Fckshit."
Hinila ako ni Icarus at payuko naming binaybay ang kusina. Sumilip sya sa siwang ng kawayang pader at saka bumaling sa akin.
"Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo ka, naintindihan mo?"
"O-okay."
"Tatlo. Takbo!"
Sinipa ni Icarus ng buong lakas ang kawayang pader kaya nasira ito. Doon kami dumaan upang makalabas ng kubo. Hinila niya ako at sabay kaming tumakbo papasok sa gubat habang hinahabol kami ng mga bala ng baril na galing sa mga kalaban. Nag-aagaw pa lang ang liwanag at dilim sa kalangitan kaya bahagyang madilim pa ang paligid.
"Idiots! Follow them!" mando ng pamilyar na tinig.
"Shit. Ang bagal mong tumakbo!" muntik na akong mapatili ng buhatin ako ni Icarus at isinampay na parang sako ng bigas sa kanyang balikat. Agad kong nakita na may dalawang lalaki ang nakabuntot sa amin.
"May nakasunod sa atin!" imporma ko.
"Alam ko." Nagpaliko-liko si Icarus hanggang sa mailigaw na namin ang mga nakasunod.
Ilang minuto lang ay huminto kami at agad niya akong pinaakyat sa isang mataas na puno. Inalalayan niya akong umakyat pagkatapos ay sya naman ang tinulungan ko kahit pa ang bigat nya.
"Di nila tayo mahahanap dito. Sa ngayon."
Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat at pinakamabuting sabihin sa pagkakataong tulad nito lalo pa at samu't sari ang mga katanungan sa isip ko. Idagdag mo pa na wala akong maayos na tulog. Pagod, antok at gutom. Halu-halo na. Pero hindi dapat ako tumigil, ayokong mabalewala ang ginawa ni Portia at Dean kung mahuhuli lang ako dito.
Ilang minuto pa ay nakarinig na kami ng yapak ng mga paparating.
Sinenyasan ako ni Icarus na manahimik at huwag titingin sa ibaba.
"Damn! Where the hell are they?!"
"Boss, naiwala po namin."
"Bullsht."
Matapos iyon ay narinig ang putok ng baril sa lugar malapit sa kinaroroonan namin. Napapikit ako.
"We will never leave this damn place until we find her! Understood?!"
"Yes, boss!"
"Now move and search every corner! I know they're still here."
Humigpit ang hawak ko sa baril at napapikit ng madiin. Maya maya pa ay naging tahimik na muli ang paligid.
"Tara na."
"Saan?"
Ilang minuto pa ang pinalipas namin bago nagpasyang bumaba. Sinigurado muna ni Icarus na wala ng tao saka bumaba ng puno. Inalalayan niya ako sa pagbaba.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa Estrella."
"E-estrella?"
"Pinakamalapit na bayan dito. Doon muna tayo habang pinaghahanap ka nila dito."
Halos isang oras na kaming naglalakad ng makakita ako ng kalsada.
Kalsada!
Sa sitwasyong ito ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Strange pero iyon ang totoo.
Sandaling napahinto ako ng makaramdam ng pagkahilo. Ipinilig ko ang ulo at naglakad muli. Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay nahilo muli ako at muntik ng madapa.
Napalingon sa akin si Icarus at agad lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba?"
Tumango tango ako ngunit kasabay noon ay ang pagkahilo kong muli hanggang sa magdilim na ang lahat sa akin.
==
Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng isang traysikel. Sa tabi ko ay naroon si Icarus.
Napakurap-kurap ako ng dumagsa sa akin ang realisasyon. Nakakandong ako kay Icarus!
Nag-init ang pisngi ko at napigil ko ang aking paghinga. Napatingin sya sa akin ng maramdaman niya ang aking pag galaw.
Nagkatitigan kami. Sandali lang iyon dahil hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Ang itim sa kanyang mga mata ay tila may hinahalukay na kung ano sa kaloob-looban ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Medyo o-okay na ako." halos pautal na tugon ko.
Huminto ang traysikel sa tapat ng isang bahay na bungalow style. May karatula sa gilid at binasa ko iyon.
"Estrella Inn."
Nagbayad si Icarus sa traysikel at hindi ko alam kung saan sya kumuha ng pambayad. Bumaba kami sa traysikel at iginiya niya ako papasok ng inn.
Isang may edad na babae ang sumalubong sa amin. Nasa mid-40's na ito at nakangiti sa amin.
"Magandang araw, mam, ser! Ano pong maitutulong ko sa inyo?"
"We need a room."
"Ay opo, opo! Meron kaming bakante. Ahm, mag-asawa po kayo?" walang habas na pagtatanong nito sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko at itatama sana ang ginang ng sumagot si Icarus.
"Yes. We are."
"Anong--!"
Pero naputol ang sasabihin ko ng napatawa ang ginang at nagkwento.
"Ay, naalala ko din! Ganyang-ganyan kami noon ng asawa ko!"
Napasintido ako.
What the hell?
"Bakit mo sinabing mag-asawa tayo?!" kastigo ko kay Icarus ng nasa kwarto na kami.
"And what do you want me to say? Na magkapatid tayo? Do you think she'll buy it?"
Napasapo ako sa aking noo. He has a point but hey! May asawa nga ako pero hindi sya iyon! I felt guilty! Pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko si Dean. Iyon ang pakiramdam ko kahit na hindi naman dapat.
"Tsk. Don't make a big deal out of it."
Napailing ako. At napaupo sa kama.
Nagpasya akong maligo ng lumabas ng silid si Icarus. Ang sabi niya ay may bibilhin lang sya na mga kakailanganin pero hindi na lang ako nagkumento pa.
Kahit gusto kong matulog, hindi ko na magawa. Pumasok na ako ng banyo para makapaligo. Sa ilalim ng dutsa ay napapikit ako.
'Dean. Nasaan ka na?'
**
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wrath
General FictionHindi inakala ni Aerin na masasaksihan niya ang pagpatay ng kanyang mapapangasawa sa isang hindi kilalang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Kahit puno ng agam agam at takot ang kanyang puso ay nagpakasal pa rin siya kay Dean sa kabila nang m...