Chapter 14 Trust

304 5 0
                                    

Trust

Marahan akong napamulat ng maramdaman ko ang masuyong haplos sa aking buhok.

Nakangiting mukha ni Dean ang una kong nasilayan sa pagmulat ko ng aking mga mata kaya't napangiti na rin ako.

"How are you feeling?" he gently asked.

"Fine." I hoarsely replied with a smile plastered on my face.

Nabanggit nya na kaaalis lamang daw ng doktor na sumuri sa mga sugat ko. Hindi rin naman daw ako nilapastangan ng kakambal ni Dean ayon sa resulta na lumabas sa pagsusuri nito na lubos kong ipinagpasalamat.

Bakas din ang tuwa sa mukha ni Dean kahit hindi nito ipakita sa akin. I can see it through his eyes.

"Si.. Lewis?"

"He left already. May mga aasikasuhin pa raw siyang importante." saad nito habang hinahaplos ang buhok ko at braso.

Ngumiti ako. "What?" nangingiting tanong niya. "Wala."

"Come on, spill it."

"Ang cute mo kasi. Nagtagalog ka na naman."

He smirked. "Don't tempt me, wife. You need more rest."

"Hey, wala naman akong ginagawa ah!"

Tinaasan lang ako nito ng kilay.

Sa ngayon, nasa isang safehouse kami ni Dean sa Batangas. Maliban sa mga iilang kawaksi at nagkalat na mga bodyguard, kami lang ni Dean ang narito. Pero di man sabihin ni Dean, alam kong may iba pang nagbabantay sa amin dito. Ramdam ko.

Wala pa ding balita kina Xandro at Portia sa mga nagdaang oras. Nag-aalala na ako pero pinapanatag ni Dean ang loob ko at sinabing ayos lang ang mga ito kaya di dapat ako mag-alala. Nagtataka man, hinayaan ko na lang.

'Kamusta na kaya si Icarus?'

Nang maalala ko si Icarus ay napasigaw ako. Halos mapatalon naman si Dean sa pagkakagulat.

"What? Why? What's wrong?" sunud-sunod niyang tanong. Halos mapatawa ako sa reaksyon niya pero pinigilan ko lang.

"S-si... Icarus!"

"Icarus?" halos malukot ang mukha ni Dean nang mamutawi sa bibig ko ang pangalan ng lalaki.

Ikinwento ko ang mga nangyari mula ng magkahiwalay kami ni Dean. Noong tumakas kami ni Portia, pagtatago ko, pagkikita namin ni Icarus at pagtulong niya sa akin at ang mga naganap sa Estrella Inn, syempre minus the part na nagkiss kami ni Icarus. Hindi sa naglilihim ako, tingin ko kasi useless na ang impormasyon na iyon kung ikukwento ko pa.

"So, he helped you.." tumatangong bulong niya na tila kinukumbinsi ang sarili.

"Yes. At hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung ligtas ba siya. Tulungan natin sya, Dean."

Napatitig sa akin si Dean. Pagkatapos ay marahas na napabuga ito ng hangin. "Okay, wife. Let me handle this one, okay? Take a rest." Masuyong hinalikan nito ang aking noo.

Napayakap ako sa kaniya. "Thank you.."

Bumangon ito mula sa kama at kinuha ang cellphone sa bedside table. Maya-maya pa'y may kausap na ito. Nakatulugan ko na lang ang kanyang ginagawa.

--

"Dean…?"

"Hmn?"

Nasa balcony kami habang nakatingin sa bilog na buwan. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran habang nakapatong ang mukha sa aking balikat. Malalim na ang gabi pero gising pa rin kami.

Naikwento na rin Dean sa akin ang lahat ng nangyari matapos ang pagkamatay ni dad at ang pagpapalibing niya sa ama. Aniya, lahat ng mga naganap sa amin ay dahil sa pagnanais ng kakambal niya na ang lahat ng ari-ariang ipapamana sa kanilang dalawa ay ipapamana lamang sa kanya pero syempre, hindi pumayag ang kanilang ama.

Doon na daw nagsimula ang lahat. Simula sa pagpaplano ng kanyang kapatid na mapatay ang ama at pagkatapos ay siya at ako.

Sa buong panahon na nagkukwento si Dean ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Dean sa akin at parang ayaw na ipaalam sa akin ang totoo. Ewan ko ba. Pero pinili ko na lang na iwaksi lahat ng iyon dahil para sa akin, mas mahalaga ang kaligtasan namin at magkasama kaming dalawa.

"Tumawag na ba sina Portia?"

"Not yet." maiksing tugon niya

"Dean..."

"Yes..?" marahan niyang kinagat ang aking leeg.

Bahagya akong nakiliti ngunit nagpatuloy ako.

"You know you can trust me right?" masuyong pahayag ko na ikinatigil niya.

Bahagyang lumayo siya sa akin at pumormal ang mukha. Narinig ko pa ang kanyang pagtikhim. "Yes. I know that."

Hinarap ko siya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin, makikinig ako."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya. "What do you mean?"

"Gusto ko lang sabihin na kahit ano pa ang mangyari, nandito lang ako sa tabi mo, handang umunawa, umintindi at makinig sayo. Mahal na mahal kita."

In just one swift move, he already claimed my parted lips. Ikinawit ko ang aking braso sa kanyang leeg at buong puso na ibinuhos sa halik na iyon ang lahat ng pagmamahal na nadarama ko sa kanya.

Nakakamangha kung iisipin. Na nababago ng pag-ibig ang pananaw mo sa buhay at sa lahat ng bagay. Siguro, masasabi mo na kapag nagmahal ka ng tapat at totoo, yun yung punto na lumalabas ang likas na kabutihan ng isang tao kahit na nakagagawa siya ng mga pagkakamali sa buhay.

Sa mga nagdaang araw na lumipas, masasabi ko na marami akong natutunan. Maliit man o malaking bagay, at least kahit papano, may natututunan kang mahalaga. At para sa akin, malaking bagay na iyon lalo na kung nakabuti naman ang naging resulta.

Napangiti ako ng maghiwalay ang aming labi. Pinagdikit niya ang aming mga noo at hinaplos niya ang pisngi ko.

"Thank you... thank you for coming into my life." madamdamin niyang saad.

"And thank you for letting me in.." napapikit ako ng hinalikan niya ang aking noo.

"I trust you, Aerin. And I love you."

"I love you, too."

***

super late ud U-U gomenasai.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon