Chapter 3 Photo Album

301 6 0
                                    



Photo Album

Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng aking pagluha. Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang kinakapos ako ng hangin.

"Babe? What happened? Are you alright?"

Mula sa aking tabi ay napabangon na rin si Dean at agad na niyakap ako.

"Sshh... bad dream?" he asked huskily and softly while caressing my back.

I nodded and hugged him back, tightly. Panaginip. Panaginip lang lahat. Oo, nagpunta kami ni Dean ng Paris pero iyong pambabae niya ay panaginip lang pala. Isang masamang panaginip.

"Want to talk about it?"

Umiling ako. Ayokong pag-usapan dahil natatakot ako kapag naalala iyon. Ayoko. Hindi ako handa.

"Maybe a glass of milk can make you feel better." aniya at akmang tatayo na ngunit pinigilan ko.

"No, I'll be fine. Just don't leave me." I begged while tugging the hem of his shirt.

Saglit siyang natigilan at kapagkuwan ay bumalik ulit sa higaan. "I'm here. I won't leave."

Tumango ako pagkatapos ay ikinawit ang aking mga braso sa kanyang leeg upang magkalapit ang aming mga mukha.

Napapikit ako ng maglapat ang aming mga labi. Bahagyang natigilan si Dean ngunit kalaunan ay nakipagsabayan na rin sa aking paghalik. Nasasaktan ako sa isiping may hahalikan si Dean ng ganito bukod sa akin.

He pulled away when we're out of air. Desire, lust and love was visible in his eyes while staring at me intently.

"Wife, we should...sleep." His voice was husky at the same time, controlled.

Muli ay umiling ako. Ayokong matulog dahil baka may mapanaginipan na naman akong hindi maganda.

"Just...just kiss me, alright. I want to feel your love for me, Dean." His eyes even darkened as he heard those words from me.

Tuluyan ng hindi nakapagpigil si Dean. He lowered his face on mine and fully claimed my lips in a hot, deep kiss. He made my worries and fears melt that night by saying sweet nothings, saying I love you's and assuring me by his sweet little kisses. He made me feel so special and we made love all through the night.

Masakit ang buong katawan ko pagmulat ko ng aking mga mata. Para akong nabugbog at hirap kumilos. Hindi ko na naman first time pero... ahh! Si Dean kasi eh!

"Problem?" a baritone voice interrupted my thoughts that made me almost jump.

"Dean?! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok sa office?" ani ko at mas lalong kinipkip ang kumot na hawak ko. Pambihira kasing Maxwell ito. Basta basta na lang sumusulpot!

"Nah, I want to take you out on a date today so no, I didn't go to office. I want to spend this day with you."

Na-touched ako sa sinabi ni Dean kaya tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Wife?"

"Hmn?"

"I'm sure you're still sore and tired so please, cover yourself or I'll keep you inside this room all day and make love to you instead."

Mabilis na napalayo ako sa kanya at agad na binalot ko ng kumot ang aking katawan.

"Dean!"

Napatawa naman ito at naglakad na papunta ng pinto. Pero bago tuluyang umalis ay lumingon ito sa akin at ngumisi. "Lock the door, babe."

Napailing ako at napangiti. My Dean...

Mabilis lang akong naligo pagkatapos ay bumaba na ako kaagad. Naabutan ko sa living room si Dean na may kausap sa cellphone. Napatigil ako. It's like a deja vù. Bakit parang palagi yatang napapansin kong may kausap sa cellphone ang asawa ko?

Tinapos ni Dean ang tawag bago napahilot sa sentido. Mabilis na bumaba na ako at agad lumapit sa kanya. "What's wrong?"

"Nothing. Let's go?"

Tumango ako. Pero hindi pa kami nakakahakbang palabas ay dumating naman ang mga tauhan ni Dean.

Magsasalita sana ito pero pinigilan ni Dean. "To my office." at bumaling ito sa akin. "Sorry if you'll have to wait, wife. This won't take long." saka humalik sa sentido ko.

"I understand."

Nang makaalis sila ay dumiretso naman ako sa kusina. Naabutan ko doon ang mga kasambahay at ang mayordomang si nanay Sepa.

"Nanay!" niyakap ko si nanay Sepa mula sa likod.

"Ay susmaryosep! Naku! Ako ba'y papatayin mo sa gulat na bata ka?"

"Sorry po, 'nay! Ano po ba iyong niluluto niyo?"

"Aba'y tseken kare. Heto at tikman mo nga."

Kumalas ako sa pagkakayakap kay nanay saka tinikman ang sabaw ng curry. "Masarap po!" Tumikim pa ako ng isa.

"Wife..."

Napalingon ako pati na ang lahat ng nasa kusina. Nanlumo ako ng mapansin ko ang apologetic na tingin na nakarehistro sa mukha ni Dean. Mukhang hindi kami makakapag-bonding ngayon.

"Naiintindihan ko." Binigyan ko siya ng mapang-unawang ngiti. "Go now."

Lumapit ito sa akin at saka hinapit ako sa bewang pagkatapos ay humalik sa noo ko. Nagtilian naman ang ilang kasambahay na nakakita.

"I'll make it up to you, promise."

--

Napatigil ako sa tapat ng isang kwarto sa third floor. Hindi ko alam kung bakit ako tumigil. Siguro ay dahil may nag-uudyok sa aking pumasok sa loob.

Pinihit ko ang seradura. Locked. Sinubukan kong maghanap ng susi pero wala. Sakto namang dumaan ang kasambahay naming si Maya.

"Maya, alam mo ba kung nasan ang susi ng kwartong ito?"

Napatigil si Maya at tila nag-atubili pa pero sinabi rin sa akin.

"S-Sa office po ni Sir Dean."

Nangunot ang noo ko? Sa opisina ni Dean? Nagtaka ako. Bakit kailang nakatabi pa ang susi sa opisina ni Dean? Hiningi ko ang susi ng private office ni Dean kay Maya saka nagpasalamat.

Mabilis na tinakbo ko ang opisina ni Dean at naghalughog sa buong lugar. Hindi ako mapakali. Bakit kailangang itago ni Dean ang susi ng isa sa mga kwarto dito? Ano ba'ng meron dun?

Matapos ang labinlimang minuto ay nakita ko ang susi sa likod ng wedding picture naming naka-frame. Mabilis na bumalik ako sa third floor.

Nasa tapat na ako ng pinto. Isinuksok ko sa keyhole ang susi at pinihit iyon. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang mga kahon at lumang mga gamit. Bodega sa third floor? Hindi naman dito itinatambak ang mga lumang gamit sa mansyon kundi sa fourth floor. Parang mini-bodega ang kwartong ito?

Lumapit ako sa lumang study table at kinuha ang isang photo album na nakapatong doon. Binuksan ko ito at tumambad ang mga litrato na kuha ni Dean noong nakaraang taon sa Greece. Magkasama kaming nagbakasyon doon pero hindi ko alam na solo pala siyang namamasyal.

Nakangiti kong binuklat ang mga sumunod na pahina hanggang sa matigilan ako.

Napawi ang ngiti ko ng makita ko ang isang litrato ni Dean. Nakakapanghina.

==

A/N: Anong nakita ni Aerin? Secret! XD Paramdam kayo.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon