Chapter 13 His

291 8 0
                                    

His




Kung may isang bagay na pinakatamang nagawa ko sa buhay ko, iyon ay ang pinakasalan ko ang lalaking lubos na mahal na mahal ko.

May kasalanan man siyang nagawa, nagkasala man sya, hindi kailanman iyon nakabawas sa halip ay lalo lang tumindi ang pagmamahal ko para sa kanya. Alam ko, na kahit maulit lahat ng nangyari, siya at siya pa rin ang pipiliin ko hanggang sa huli.

Sabi nga ng iba, live without regrets. Mabuhay ka na wala kang pagsisisihan sa huli kasi hindi mo hinayaang mawala ang pagkakataon o tyansa na minsan lang dumaan sa buhay mo. Na hindi ka nanghinayang na pinalagpas mo ang pagkakataon na yon.

"D-dean."

Garalgal ang aking boses nang tawagin ko siya. Pero dala ng matinding galit, parang hindi niya ako narinig.

Kahit hirap sa pagsasalita, natawa na lamang ang kakambal nito at putol na binigkas ang mga salita.

"..Die! Y-you ..m..moron..."

Tila kulog sa aking pandinig ang boses ni Dean. Umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng kwartong ito.

"Je vais te tuer! Je vais te tuer!"

Hindi ko man naintindahan ay batid kong hindi maganda ang pangungusap na iyon. May diin at rahas sa bawat salitang binibitiwan ni Dean.

"..w.. well, w-we kissed.. and--"

Pero hindi na naituloy nito ang sasabihin dahil halos hindi na ito makahinga sa sobrang pagkakasakal ni Dean.

Dios ko! Baka mapatay ni Dean ang kakambal niya!

Namimilipit man ang aking tiyan mula sa pagkakasuntok kanina ay pinilit kong maglakad sa kinaroroonan nila. Inangat ko ang aking kamay at inihawak ito sa braso ni Dean. Kita ko ang matinding galit na nakarehistro sa kanyang mukha. Ramdam ko ang pagkatigil nito at saka marahang lumingon sa akin.

"H-huwag."

Sa isang iglap, wala na sa leeg ng kanyang kambal ang mga kamay ni Dean dahil nakapulupot na ito sa akin. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at iniyakap din ito sa kanya.

Kasabay ng aking pagngiti ang pagkawala ng masaganang luha na umalpas sa aking mga mata. Ligtas siya. Nandito na ang asawa ko. Kasama ko na si Dean.

Mahigpit ang yakap niya sa akin na parang ikababali na ng aking buto sa katawan. Kahit pa kumikirot ang aking sugat sa balikat ay wala akong pakialam. Basta mayakap ko lang si Dean nang ganito ay balewala na ang lahat ng sakit.

Pero ganun na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang lakas ng impact na mula sa pagkakahampas ng kung ano sa likuran ni Dean.


"Sht." napamura si Dean at napakalas sa aming yakapan.


Mula sa kanyang likod ay nandoon ang kanyang kakambal na may hawak na dos por dos na kahoy.


"Dean!"


"Step back, wife. I'll deal with this motherfcker first." aniya saka dumura ng dugo.


"That's what you get for stealing what's mine, bastard." ngumisi ang kakambal ni Dean na tila isa nang sugo ng kadiliman sa paningin ko.


"She's not yours, damn you!" iniharang ni Dean ang katawan niya na tila pinoprotektahan ako.


"Oh yes she is," he smiled deviously. "You should've seen how she closed her eyes, the way she moan--"


"Allez au diable! Qu'est-ce que tu lui as fait?!" Galit na sigaw ni Dean. Hinawakan ko siya sa braso.


"Ask her." ngumisi na naman ito.


"Walang nangyari sa atin!" kusang lumabas ito sa aking bibig.


Bigla ay pumasok ang mga tauhan noong kakambal ni Dean, pagkatapos ng isang minuto ay napalibutan na kami!


"Damn." marahas na mura ni Dean at mas kinabig ako palapit.


Muli ay ngumisi ito at saka matiim na tumitig sa akin. "Are you sure about that, sweetheart?"


Sandali akong natigilan. Wala akong malay ng dalhin nila ako dito.. hindi kaya..?


Napatingin sa akin si Dean na nagsusumamo ang mga mata na gustong makita ang pagtanggi ko. Nang makita ang pag-aalinlangan ko, doon na muling nagalit si Dean at akmang susugurin ng pigilan ito ng mga armado at unipormadong mga lalaki.


"Damn you! Damn you!"


Malakas na napahalakhak ang lalaki na ume-echo pa ang tawa nito sa buong silid.


"I love that look on your face. Priceless." patuyang saad nito.


Nakawala si Dean sa pagkakahawak ng mga lalaki at susugurin na sana ang kanyang kakambal ng may pumigil muli dito.



"Stop it, Dean."



Nang malingon ko kung kaninong braso ang pumigil kay Dean, ay kakatwang napayapa ang loob ko kahit kaunti.



"Let me do the work." ani Xandro.



"Xandro, let me kill this motherfcker!"



Napatili ako ng suntukin na lang ni Xandro si Dean. "Just escort your wife out of this damn place."



Tila natauhan naman na si Dean kaya tumango ito at lumapit sa akin. Pinangko niya ako at saka binuhat.



Doon ko lang nakita na may mga kasama din si Xandro. Sina Lewis at Portia! May mga back-up din itong mga tauhan.



"P-portia! Buhay ka!" nagagalak kong sabi.



Napairap naman ito sa akin. "Obviously."



Napangiti na lamang ako.



"Hey, Aerin! Nice to see you again!" kumaway kaway pa sa akin si Lewis. "Okay! Let's do this. I'm ready!"



"So childish." umirap na naman muli si Portia. Napangiti na lang ako.



"We're leaving." anunsyo ni Dean.



"Not going to happen." Ani naman ng kakambal nito.



"I hate talking." si Xandro.



Kanya kanyang dumipensa ang magkalabang grupo na handang atakihin ang bawat isa nang bigla na lang sumigaw si Portia sa gawi namin. "Now!"



Mabilis na kumilos si Dean palabas ng kwartong iyon kahit na buhat-buhat ako.



Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na nasundan pa kung paano kami nakalabas ng silid na iyon. Pagkatapos ay nasa tabi na ni Dean si Lewis na kumindat pa sa akin.



May mga tauhan din kaming kasama na dumidipensa sa tuwing may kalaban.



"Dean, paano sila?" kinakabahan ako para kina Xandro at Portia.



"Don't worry about them."



"Oo nga, Aerin! Saka nandoon naman si Xandro."



Napakunot-noo ako. Pero ngumiti lang si Lewis.



"Now that I'm here. I won't let you go. Because you are mine, Aerin. Just mine."



Napasiksik na lamang ako sa leeg ni Dean. And I won't let you go, too.



**

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon