Chapter 8 New Friend

235 6 0
                                    

New Friend


Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang natakbo ko.

Kahit na ramdam ko na parang bibigay na ang mga binti, hita at mga paa ko dahil sa walang tigil na pagtakbo, hindi ako huminto. Ayaw kong masayang lang ang pagsasakripisyong ginawa ni Portia para lang sa kaligtasan ko.

Ramdam ko ang panunubig ng aking mga mata pero sa pagkakataong iyon ay pinigil ko. Walang mangyayari kung iiyak na lang ako at hindi mag-iisip ng plano kung paano ako mananatiling buhay. Humigpit ang hawak ko sa dalang baril.


Ilang sandali ay napasandal ako sa isang puno. Kakaunti lang ang liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan dahil natatakpan ito ng mayayabong na mga dahon. Napaupo ako sa malaking bato sa tabi ng puno. Tanging ingay ng mga kuliglig at paghahabol ko ng hininga ang maririnig sa paligid. Kasama na diyan ang tunog na nalilikha ng mga dahon sa tuwing iihip ang hanging panggabi at liwanag ng mga alitaptap. Maingat na tinanggal ko ang suot na stilleto sa aking mga paa pero napadaing pa rin ako dahil sa pagkirot nito mula sa pagtakbo. Nagpaltos pa ang mga ito at nagsugat.

Kumubli ako sa likod ng malaking bato para magpahinga. Dala ng pagod at antok, hindi ko na namalayang nakatulog ako.


Nagising ako dahil sa pangangati ng braso, leeg at katawan. Naiinis na pinagpapatay ko ang mga lamok na walang habas sumipsip ng dugo. Sana naman eh hindi ako ma-dengue.

Kaluskos.

Napatigil ako at mabilis na pinagmasdan ang paligid. Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim pa rin ang paligid. Sapat na dilim para ikubli ako.

Kaluskos muli.

Napapikit ako at mabilis na nagdasal kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa pistol. Hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng mga tuyong dahon at kahoy sa lupa gawa ng mga yapak.

Mga.

Napamura ako sa aking isipan. Narito na sila! Lalo lamang akong nagsumiksik sa pinagtataguan ko ngayon.

"Boss, kanina pa tayo naghahanap pero ngayon, di pa rin natin sya nakikita." anang isang boses lalaki.

"Are you complaining?" malamig na tugon naman ng kausap nito at may diin sa mga salita. Halatang iritado.

Kahit na kating-kati na ang mga mata ko upang silipin kung sino man iyon, hindi ko magawa lalo at parang may nagkakarerahang mga kabayo sa dibdib ko.

"Hindi po, b-boss." pautal na sagot muli ng naunang lalaki.

"Then shut the fck up, and do your job. You don't want me to put some sense on your useless brain, do you?"

Wala na akong narinig pagkatapos non. Nang wala na akong marinig na kahit ano, bahagya kong sinilip ang lugar para lang magulat dahil naroon pa rin sila. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil medyo madilim iyong parte na kinatatayuan nila.

Muntik na akong mapasigaw ng may mapalingon sa direksyon ko pero kasabay non ang paghatak sa akin ng kung sino mula sa aking likuran at pagtatakip nito sa aking bibig ng isang malaking kamay. Napahawak ako sa kamay at braso ng humatak sa akin.

"Kung gusto mo pang mabuhay, manahimik ka naiintindihan mo?" mariing bulong ng isang lalaki sa aking tenga.

Tumango ako. Nanginginig na ako sa matinding takot. Paano kung kasabwat pala sya? Eto na ba ang katapusan ko?

Unti-unti niyang tinanggal ang kanyang kamay na ipinantakip sa aking bibig.

"Wag kang gagalaw at gumawa ng kahit anong ingay. Kundi ako na mismo ang magdadala sayo sa mga lalaking iyon. Maliwanag?" bulong niyang muli.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon