Chapter 2 First Night

389 6 0
                                    




First Night

Paris, France. 4:47 am.

"Yeah, yeah. I'll be there, don't worry… No! You shouldn't… Of course. I'll be there. Just trust me on this…"

Naalimpungatan ako ng marinig ang boses na nagmumula sa balcony sa aming kwarto. Kinapa ko ang kama at nalamang wala doon si Dean. Iniabot ko ang cellphone ko sa side table para i-check ang oras.

Nangunot ang noo ko ng maaninag ang bulto ni Dean sa balcony. Anong ginagawa niya doon ng ganitong oras?

Napangiwi ako ng tangkain kong gumalaw paalis ng kama. Ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.

Nang maalala ko iyon ay ramdam ko ang pagpula ng magkabila kong pisngi. Kinipkip ko ang kumot na tumatakip sa aking katawan at pinilit na tumayo.

Nang maglakad ako papunta sa balcony ay nakangiwi ang aking mukha. Pero nang malapit na ako ay narinig kong may kausap ito… sa cellphone.

Sino naman kaya ang katawagan niya sa ganitong kalalim na gabi? Ah, baka kamag-anak niya na nasa ibang bansa din.

"… Uh-huh. Don't worry, that won't happen. I'm just using h-"

"Dean?" pagtawag ko.

"Have to go. Bye."

Mabilis na tinapos niya ang tawag at humarap sa akin. "Wife, you are supposed to sleep. It's already late."

"And so you are, mister." Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig.

"Come, let's go inside. It's cold out here."

Hinila niya ako papasok sa kwarto at isinarado ang makapal na sliding door. Pagkatapos ay tinakpan niya ito gamit ang makapal na kurtina at saka ako binuhat at inilapag ng maingat sa kama.

"Sleep now, wife. I know you're tired." mapanuksong ani niya sa akin.

"Stop teasing me, Dean."

"What? I'm not doing anything."

"Stop smirking!"

"Why?"

"B-Basta!" natu-turn on ako!

"Is it turning you on?"

"Heh!"

Biglang tinaklob ni Dean ang kumot sa amin saka ako kiniliti. Nang halos mamatay na ako sa katatawa ay bigla niya naman akong siniil ng halik hanggang mauwi ang lahat sa isang mainit na sandali.

--

3 weeks later.

"Ma, hindi. Ano po ba iyang sinasabi niyo? We're not fighting." napabuntong hininga ako dahil sa sinasabi ni mama.

"O hindi nga ba? Eh kung ganon ay nagtataksil sa'yo ang asawa mo?!"

"Ma, seriously? Baka naman lunch meeting lang iyon. Mag-i-invest sa kumpanya. Ano ba kayo?"

"Naku, Aerin! Alam ko kung ano ang nakita ko! Bantayan mong maigi iyang asawa mo."

"Opo. Sige na, ma. Pupunta pa akong supermarket. Bye."

Pinatay ko na ang tawag at nag-focus sa pagd-drive. Napailing na lang ako dahil sa isinumbong ni mama tungkol kay Dean. Nakita niya raw kasi itong may kasamang babae.

Ang akala niya nga raw ay nag-away kami kaya ito nambababae. Pero alam ko namang hindi magagawa ni Dean iyon sa akin. He loves me, alright. At saka sa simula pa lang ay ayaw na ni mama kay Dean dahil pakiramdam niya ay ginagamit lang ako nito. But I know better. I know Dean Voxx more than anyone else.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon