Chapter 7 Her Sacrifice

274 5 0
                                    

Her Sacrifice


Parang inehehele ang pakiramdam ko dahil umuuga ang lugar na kinalalagyan ko ngayon. Namimigat pa rin ang mga mata ko kaya hindi agad ako nagmulat ng mga mata.

Hmn. Nasaan ba ako? Ano ba'ng nangyari?

Sa pagdagsa ng mga alaala ay napamulat agad ako ng mga mata ng maalala ko ang mga nangyari. Kasabay non ang marahas na pagmumura ni Portia na minamaniobra ang sasakyan sa mabilis na pag arangkada nito sa tahimik na kalsada.

"P-p-portia..."

Napasulyap siya agad sa akin at agad ibinalik ang mga mata sa daan. Nanginginig akong nagtanong.

"Portia, si D-dean? Nasaan ang.. asawa ko?"

Pero hindi siya sumagot. Ilang minuto ang lumipas bago siya bumuntong-hininga.

"He's fine."


"Fine?! Portia! Nabaril si Dean! Nabaril ang asawa ko! Tapos nabaril si papa! At iniwan lang natin ang asawa ko doon.. Bumalik tayo! Balikan natin si Dean.. "

Mabilis na itinigil nito ang kotse at saka marahas na humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito.

"You bitch! Do you really think that I'm stupid enough to just leave him there and get the hell you out of that fcking place? Stupid!" dinuro niya ako.

"Then why the hell he isn't here with me!" di ko na napigilang tumaas din ang boses ko. Heto ako, ligtas. Samantalang si Dean..

"So stupid!" she hissed. "Dean is perfectly fine! How many times do you want me to repeat that just to make you understand that?! He's not here because he'd lure those bastards away just to make sure you're safe, dammit!"

Pakiramdam ko ay tumigil lahat. Parang nabalutan ng tipak ng yelo ang puso ko dahil pakiramdam ko ay tumigil ito sa pagtibok. Nakaupo lang ako sa loob ng kotse, motionless. Bakit? Bakit ginawa iyon ni Dean?

"Ano ba talagang n-nangyayari, P-portia?" nanginginig ang boses ko.

"They want Voxx dead. And you too."

Napatigil ako. Namutla. Pinagpawisan ng malapot. Tila gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa matinding kaba.

"Sino'ng gustong pumatay sa a-amin? At bakit kami papatayin?" my voice broke as words came out of my mouth.

"No. I won't tell. The less information you know, the better."

"Sino ka ba talaga? S-sino ba talaga kayo?"


Pero umiling lang siya. "No, as I've said, the less you know, the better. Now. We have to escape here, damn fast. Or none of us will live. So just shut up and let's get the hell out of here. Your questions can wait but our lives can't."


Matinding takot at kaba ang pumupuno sa sistema ko ngayon. Tama si Portia, hindi ito ang tamang oras para magtanong dahil nasa panganib ang buhay namin.. at ni Dean. Kaya kailangan naming makaalis agad dito. Yun muna ang dapat unahin. Kahit na napakadaming tanong ang naglalaro sa isipan ko.

Napapikit ako. God, please let Dean be okay. Munting dasal ko. Naramdaman ko naman na binuhay ni Portia ang makina ng sasakyan at mabilis na pinatakbo ulit ito.

I slowly opened my eyes. Huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Sa mga sitwasyong ganito, utak dapat ang pinagagana at hindi ang takot. Walang mangyayari kung magpa-panic ako. Hindi iyon makakatulong. Kailangan naming makaligtas.


I shifted my gaze outside the car. Tall trees are around us under the beautiful night sky. It's like a beautiful painting and I can't help but to be mesmerized by the breath-taking view.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon