The Party
Unti-unting nagdatingan ang mga bisita. Noong una ang akala ko ay tanging ang papa lang ni Dean at iilang kamag-anak lang ang imbitado sa hinandang welcome party ng asawa ko pero hindi pala. Naimbitahan din pala ni Dean ang iilang may mataas na posisyon sa lipunan, mga malalapit na kaibigan at mga kilalang tao sa mundo ng industriya.
Pasimple kong binubulungan ang asawa ko sa harap ng iilan pa lang na mga bisita.
"Dean, planado mo talaga lahat ng ito, di ba?"
Naramdaman ko naman ang kanyang pag ngiti. "Yes, dear wife."
Napabuntong-hininga ako. Napansin ko ang mga empleyado sa hotel base sa uniporme na kanilang suot. Nag se-serve sila ng iilang inumin. "Pinapunta mo sila dito?"
"Of course. Who would serve the foods and drinks to our visitors if they don't?" taas-kilay niyang tanong.
Napasapo naman ako sa aking noo. Oo nga naman. Hindi ko agad naisip yun ah.
Magsasalita pa sana ako pero hinila na niya ako patungo sa isang lamesa na malapit sa kinaroroonan namin.
Sa lamesa iyon ay may dalawang lalaki at isang babae. Base sa features ng kanilang mukha, halatang may dugong banyaga sila. Isa-isang pinakilala ako ni Dean sa mga ito.
"Wife, these are my friends. Alexandro Mykonos, the owner of Mykonos Airlines.." tumango ako. Kaya pala pamilyar ang mukha ng lalaki dahil ito ang may-ari ito ng sikat na Airline sa loob at labas ng bansa. Bahagya lang din itong tumango, seryoso ang mukha. "And this is, Lewis Verano Rivera II. The happy-go-lucky heir of VR Inc."
Natatawa namang sinuntok ni Lewis ang balikat ni Dean. "Hey! Don't acknowledge me that way, Maxwell!" bumaling ito sa akin. Sa pagkagulat ko ay hinila niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad. "Such a please to meet you, beautiful lady."
Babawiin ko sana ang kamay ko pero naunahan na akong gawin iyon ni Dean. "Hands off, Rivera." madiing banta ni Dean. Tatawa tawa namang itinaas ni Lewis ang dalawang kamay. "Fine, fine."
"And wife, this is Portia Claudette Levin. A model in Paris. Guys, this lovely girl is my wife, Aerin Maxwell."
"Nice meeting you, Alexandro, Lewis.. and Portia."
Seryoso pa rin ang tingin ni Alexandro na tahimik na pinagmamasdan ang buong lugar. Nakangiti naman sa akin si Lewis samantalang pinasadahan lang ako ng tingin ni Portia at bumaling kay Dean.
"She didn't know?" taas-kilay nitong tanong.
Ramdam kong bahagyang natigilan si Dean sa tabi ko samantalang natigilan din ang dalawang lalaki. Nangunot naman ang noo ko. Napatingin ako kay Dean ng nagtataka pero hindi naman ito tumitingin sa akin.
"Stop it, Portia." bigla ay nagseryoso si Lewis. Wala na ang ngiti sa labi.
"What? I'm just asking! What's wrong with tha-"
"Shut up or you'll die?" buo at nakakatakot na boses ni Alexandro ang nagpahinto kay Portia. Maski ako'y natakot din. Kahit kalmado ay kikilabutan ka na lang sa lamig ng boses nito.
Bahagyang namutla ang babae pero natahimik din. Sumimsim ito sa hawak na kopita.
"Enough, Xandro, stop using that tone when my wife is around. You're scaring her." naramdaman yata ni Dean ang takot ko kay Alexandro kanina.
Nanatiling tahimik si Alexandro. Bigla ay sumigla ulit ang mood ni Lewis. "Pagpasensyahan mo na kung ganito kami, Aerin." Ngiting pagpapaumanhin ni Lewis. "Ganito lang talaga kami minsan magbiruan. Kalimutan mo na iyong nangyari saka unang pagkikita kita pa lang natin ito, eh. Sa ibang bansa talaga kami nakabase kaya ngayon lang tayo nagkakilala."
"Wow.. nagtatagalog ka din?" manghang tanong ko. Matatas kasi itong magtagalog.
"Oh, you silly." natatawang kinurot ako nito sa pisngi. Tumikhim naman si Dean at inaya ako sa kabilang table kung saan kabilang ang ilang investors at business partners ni Dean sa kumpanya.
"Dean?"
"Yes, wife?"
"Bakit ngayon lang umuwi ng bansa ang mga kaibigan mo? Kahit noong kasal natin, wala din sila?"
Mabilis na napasulyap sa akin si Dean. "They're busy." maikling tugon nito sa akin.
Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang pakiramdam ko ay maraming inililihim sa akin ang asawa ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Are you alright?" napansin siguro nito ang pag-iling iling ko. Ngumiti ako at tumango.
Dumating pa ang mga bisita. Napuno ng bulungan, tawanan at mahinang musika ang buong mansyon. Pinapakilala ako ni Dean sa karamihan ng mga bisita ng bahagyang nag dim ang mga ilaw. Natahimik ang buong lugar at maya maya pa'y tumutok ang spotlight kay dad. Tahimik na nakatutok ang lahat ng mga matang naroroon at matamang nakikinig sa sasabihin ng Don.
"Good evening, everyone. Thank you very much for-"
"Shit!"
"Oh no!!!"
"Dad!!!!"
Hindi na natapos pa sa pagsasalita si Don Octavius dahil napatumba ito ng tamaan ng bala ng baril sa kaliwang dibdib. Duguang tumumba ito.
Namatay ang mga ilaw. Nagkagulo. Pawang sigawan at takbuhan ng tao ang naririnig sa buong paligid. Nakarinig din ang lahat ng putok ng mga baril.
Nanlalamig ako at pinagpapawisan ng malapot. Hindi ko na maapuhap si Dean sa tabi ko. Malamang ay pinuntahan niya si dad.
Nang maalala ko si dad ay kusang gumalaw ang mga paa ko patungo sa hindi malinaw na direksyon. Sa pagtatakbuhan ng mga tao at pagtutulakan ay nadapa ako. Matinding takot at kaba ang nananalaytay sa buo kong sistema. Hindi na ako makapag-isip ng matino.
Pumikit ako. Nakiramdam. Hanggang maramdaman kong may humaklit ng braso ko.
"You bitch! What d'you think you're doing?! Do you wanna die?!" tinig ni Portia.
"P-p-portia?"
"Fix yourself! Or we're gonna die here! Let's go!"
"S-sandali! S..si Dean! Ang asawa ko!" hinila ko ang braso ko kay Portia kaya nabitiwan niya ako. Sinamantala ko yon para makatakbo.
"Hey bitch! Come back here!"
Sa sobrang dilim ay halos natatalisod ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa bumangga ako sa isang tao.
Nanginginig ako sa takot. Pero ng marinig ko ang paghinga nito, kakatwang napanatag ako.
"Wife.."
"Dean!" Umiiyak na yumakap ako sa kanya. "Akala ko.. a-akala ko.."
"Ssshh.. You'll be fine. Go with Portia. She'll led you out of this place."
"A..ano?"
Hindi ko na nasundan ang mga nangyari. Ang alam ko lang ay kinabig ako ni Dean at mabilis na pinagpalit ang mga pwesto namin.
"Shit."
Nanlaki ang mata ko ng mahawakan ko ang likuran ni Dean. Basa ito. Ng kapain ko ay bahagyang napadaing sa sakit si Dean.
"No.. no.... Dean!"
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang lahat sa akin.
***
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wrath
Ficción GeneralHindi inakala ni Aerin na masasaksihan niya ang pagpatay ng kanyang mapapangasawa sa isang hindi kilalang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Kahit puno ng agam agam at takot ang kanyang puso ay nagpakasal pa rin siya kay Dean sa kabila nang m...