Chapter 4 Welcome Party

259 4 0
                                    

Welcome Party

Tinanghali ako ng gising. Halos mag-uumaga na ng makatulog ako sa pag-iisip tungkol sa picture na nakita ko. Hindi ko mapigilang mag-isip. Pero minabuti ko na lang na balewalain yon. Asawa ko na siya kaya hindi na dapat ako nag-iisip pa ng maaaring pagmulan ng away naming dalawa.

Late na nakauwi si Dean kagabi. Ang sabi niya, napahaba daw kasi ang meeting niya kasama ang mga foreign investors kaya hindi siya agad nakauwi.

Medyo naamoy ko pa ang wine sa kanyang hininga at amoy ng pabangong pambabae sa kanyang armani suit pero hindi ko na lang pinansin iyon. May tiwala naman ako kay Dean. Walang ibig sabihin iyon.

Kung may tiwala ka nga sa kanya, bakit kinukumbinsi mo ang sarili mo ngayon na wala lang iyon? Napailing ako. Nag-iisip na naman ako masyado. Nagpasya na lang akong magtungo sa banyo para makapaligo.

Ng makababa ako ay hindi magkandaugaga ang mga kawaksi sa paglilinis. Pinapalitan nila ang mga makakapal na kurtina, nililinis ang mga malalaking salamin, pinupunasan ang mga muwebles. Nagtaka ako.

"Maricar," tawag ko sa isang kawaksi "Anong meron at bakit todo kayo maglinis ngayon?"

"Ah... eh.." lumikot ang mga mata nito "Hindi ko p-po alam. Basta po sabi ni Young Master-este ni Sir po, maglinis po kaming mabuti."

Young Master? "Ah, ganon ba. Sige, bumalik ka na sa ginagawa mo."

Atubili naman itong umalis at tila hindi na mapakali. Napataas ang kilay ko. Something's not right.

Dumiretso ako kaagad sa kusina matapos makausap si Maricar. Maging sa kusina ay hindi rin magkandaugaga ang mga kawaksi sa pagluluto ng napakaraming pagkain. Lalo akong nagtaka. Tapos na ang birthday ni Dean, malayo pa ang birthday ko. Anong okasyon?

Nilapitan ko ang nakatalikod na si nanay Sepa na abalang-abala sa pag-uutos sa ibang kawaksi na naroroon. Niyakap ko ito ng nakatalikod kaya napaigtad siya sa gulat.

"Ay susmaryosep na batang ire! Ako ba talaga'y papatayin mo sa gulat?"

"Sorry nay." Kumalas ako sa kanya at nagtanong. "Ano pong meron ngayon, nanay? May okasyon po ba?"

Natigilan ang matanda. Napalingon sa akin, nagtataka. "Aba'y walang sinabi sayo ang asawa mo?"

Napakunot ang noo ko. "Wala po, nay."

Nailing ang matanda. "Kuu, ngayon darating ang ama ng asawa mo mula sa Europa kaya naghahanda kami ngayon. Matagal na kaming sinabihan ng asawa mo ukol sa bagay na ito. Hindi niya pala nasabi sayo."

"Ganoon po ba.." hindi ko maitago ang pagkadismaya sa aking narinig.

"Intindihin mo na lang, hija. Malamang ay maraming iniisip ang asawa mo at nakaligtaan niya lang ipaalam sa'yo."

Tumango-tango ako. Pinaghain ako ni nanay Sepa kaya naupo na ako para kumain. Tahimik akong kumain habang nag-iisip. Darating pala ngayon ang ama ni Dean. Bigla ay nakaramdam ako ng matinding kaba.

Hindi ko pa nakikilala ng personal si Don Octavius. Kilala ko lamang siya sa pangalan at mukha pero bukod doon ay wala na akong ibang alam pa tungkol sa kanya. Ulila na sa ina si Dean, samantalang napaka-busy pa ng kanyang ama sa Europe dahil doon nakabase ang mga negosyo nito, idagdag pa na nag-iisang anak lang siya kaya napakalungkot na nilalang ni Dean ng makilala ko siya.

Ayon kay Dean ay may pagka-dominante ng kanyang ama at napaka-istrikto nito kaya marami ang takot sa isang Don Octavius Vonn Maxwell III. Nang ikasal naman kami ni Dean ay hindi naman ito nakadalo dahil nagkaroon daw ng sakit ngunit nagpadala ito ng mga regalo at kung anu-ano pa.

Come to think of it, wala pala akong masyadong alam sa pamilya ng asawa ko maliban na sa Europe talaga nakabase ang buong angkan nila. Pero bukod doon, wala na.

Napabuntong-hininga ako. Hindi naman kasi makwento si Dean tungkol sa kanya. Kahit matagal na naming kilala ang isa't isa ay limitado lang ang alam ko sa kanya.

"Anak, may problema ba?" tinig ni nanay Sepa ang pumutol sa naglalakbay kong diwa.

"W-wala.. wala po nanay. Pagkatapos ko pong kumain, tutulungan ko po kayo dito sa kusina."

"Ay, hindi na anak. Kaya na namin rito. Mabuti pa'y maghanda ka na at magpaganda pa ng husto, hane?"

"Sigurado po kayo, nay?"

"Aba'y oo naman. Sige na at pagkatapos mo diyan, umakyat ka na. Tanghali na at baka umuwi rin ng maaga ngayon ang asawa mo."

"Opo."

Pasado alas tres ay nakauwi na nga si Dean. Sinalubong ko siya at agad niyakap.

"Whoa, easy there, baby." napatawa pa siya ng mahina.

Kainis! Bakit pati pagtawa niya ang sexy?

"Don't tempt me, babe. Baka hindi ako makapagpigil."

Napatingala naman ako sa kanya. "Wow. Nagtagalog ka.." manghang mangha talaga ako sa tuwing nagtatagalog siya.

"Silly." kinurot pa niya ang pisngi ko. Yumuko siya at kinintalan ng masuyong halik ang mga labi ko.

Nahihiyang nilingon ko ang mga bodyguards na nagpipigil ng mga ngiti at mga kawaksing paimpit na tumili. Sumubsob ako sa dibdib ni Dean. Ang loko! Mukhang nag-e-enjoy pa dahil mahina itong natatawa.

"Don't mind them. Let's go upstairs."

Iginiya niya ako paakyat. Nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa aming kwarto. Mabilis na tinulungan ko siyang hubarin ang kanyang suit.

"Thanks, baby."


Napabuntong-hininga ako at naupo sa kama. Nilingon niya ako at bahagyang lumuhod para magpantay ang aming mga tingin.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.

"You didn't tell me." nagtatampo kong sinabi.

Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahilan para halikan niya ako sa labi. Sa gulat ko ay bahagya akong napalayo.

"What was that for?"

"I'm sorry. I'm so busy with work that's why I forgot to tell you. I'm so sorry, baby." aniya at kinintalan ako ng halik sa noo.

Naguilty naman ako kaya niyakap ko siya. "Okay lang. Pero kapag may mga ganito, sabihin mo agad sa'kin ha?" Lumayo ako ng bahagya at tinitigan siya sa kanyang grayish-blue na mga mata. Parang nahihipnotismo ako ng mga matang ito kapag tinititigan ko.

"Yes, ofcourse."

Tumayo na siya at pumasok sa banyo. Nang matapos siya ay halos mapasinghap ako ng lumabas siya ng cr ng walang saplot! Tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan.

"Eeeehhh?! Magbihis ka na nga! Dali!" Mabilis na nagtakip ako ng mata. Kahit naman mag-asawa na kami ay hindi pa rin ako sanay makita si Dean ng ganito.

Napahalakhak ang damuho at naramdaman kong lumapit siya sa akin.

"D-diyan ka lang! Wag kang lalapit!" At baka ma-rape kita! Ay! Ano ba iyon? Erase! Erase!

"Ano pa ba naman ang itatago ko sayo? Eh nakita mo na nga ito, nahawakan at nahalikan?"

"Dean!" tili ko.


Napahalakhak ng malakas ang loko saka dumiretso sa walk-in closet.


Napailing ako. Ang sexy, kainis!


***

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon