Nagkaroon po ng error kanina kaya kinailangan ko pa pong ulitin. Dedicated po ang chapter na ito sa lahat ng mga matiyagang naghintay. Marami pong salamat sa mga sumusubaybay :)
---**
Strange
"Did you kill him?"
Awtomatikong napalingon ako kay Dean na nakaupo sa aking tabi. Noong magpasya na kaming matulog, doon naman dumating sina Xandro at Portia.
Umiling lang si Xandro at hindi alintana ang pagkalukot ng kanyang damit at mantsa ng dugo na nakakapit dito. Pansin ko ang pag-uusap ni Dean at Xandro sa pamamagitan ng pagtitig.
Inilihis ni Portia ang atensyon ko sa dalawa sa pamamagitan ng pag hingi nito sa akin ng kape.
Habang itinitimpla ko ang mga kape, hindi ko maiwasan ang mapaisip. Naibalita na kasi kanina noong dalawa na nakakulong na daw iyong kakambal ng asawa ko. Isa pa rin kasing malaking palaisipan sa akin ang mga naganap, pagkakaroon nang kakambal ng aking asawa na ngayon ko lang nalaman at iba pang mga bagay na hindi ko matukoy kung ano. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na tila nagsasabing may kakaiba o may mali sa sitwasyon.
Bago pa ako masiraan nang bait kakaisip, dinala ko na ang mga itinimpla kong kape.
Pero di pa man ako nakakaabot sa sala, sumalubong na sa akin si Dean.
"Let's sleep." ani nito na tila pipikit na anumang sandali ang mga mata.
"Ha? Nasaan na sina Portia at Xandro? Umalis na sila? Ayaw ba nila ditong magpahinga?" sunud-sunod na tanong ko.
"They insist to go home, babe. They need to rest. And I'm already sleepy and we agreed to talk about it tomorrow." kinuha nito ang tray na may mga kape at ipinatong sa kitchen counter.
Hinawakan nito ang kamay ko patungong kwarto kaya nagpatianod na lamang ako na umiiling.
----
Nakapatong ang ulo ko sa mga braso ni Dean na ngayon ay payapang natutulog. Samantalang ako ay hindi manlang dalawin ng antok dahil sa maghapon akong pinagpahinga ng asawa ko.
Naipikit ko na lang ang aking mga mata kasabay ng pagtawag ni Dean sa pangalan ko.
"... Are you awake?"
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit at tila nag aantay ng kanyang sunod na mga sasabihin.
"..finally.. Goodnight, babe. I love you." naramdaman kong inilapat ni Dean ang kanyang mga labi sa aking noo at halos mapadilat ako nang maramdaman ko ang marahang pagkilos ni Dean paalis ng kama.
Aalis si Dean? Nang dis oras ng gabi?
Nang marinig ko ang maingat na pagsara ng pinto ng kwarto ay doon na ako dumilat. Saan pupunta ang lalaking iyon nang ganitong oras?
Unti-unting bumilis ang pagtibok ng puso ko habang nagpapalipas ng kaunting minuto. Maingat akong bumangon ng kama at marahang binuksan ang pinto. Pero purong kadiliman ang sumalubong sa akin.
Nagpasya akong lumabas ng kwarto nang makapag adjust sa dilim ang aking mga mata. Wala akong halos makita kaya nangangapa ako sa pader habang naglalakad.
Muntik pa akong mapamura nang madulas pa ako pababa ng hagdan. Dahan dahan akong bumaba hanggang makaapak ako sa sahig ng sala.
Bahagyang nakaawang ang front door kaya nakakasilip ang liwanag ng buwan sa kaunting bahagi ng kabahayan.
Dahan dahan at maingat akong lumapit doon. Sumilip upang makita si Dean na kausap ang kanyang mga tauhan. Medyo malayo sila kaya wala akong marinig.
Doble ang kaba ko nang tumingin sa direksyon ng pinto si Dean sa pagitan ng kanyang pakikipag usap at saka naglakad patungo sa pinto. Shit.
Mabilis na nagkubli ako sa likod ng malaking halamang nasa paso na nasa gilid ng pinto. Mabilis na kumakabog ang dibdib ko nang sumungaw sa siwang ng pinto ang ulo ni Dean. Sandali lang ay nagsarado na ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag.
Patakbo kong tinakbo ang aming kwarto sa kabila ng dilim ng kapaligiran. Nang makarating ako sa aming kwarto ay diretso kong pinuntahan ang bintana at hinawi ng bahagya ang makapal na kurtinang nakatabing.
Tanging papalayong kotse na lamang ni Dean ang nakita ko hanggang maglaho na ito sa dilim.
Kinabukasan ay walang Dean akong nakita sa aking tabi. Hindi siya umuwi? Saan ba siya nagpunta? Napabuntong-hininga ako sa mga ideyang nagsisimulang maglaro sa aking isipan. Ayoko mang maghinala pero bakit pakiramdam ko ay napakadaming lihim na ayaw ipaalam sa akin ni Dean? Ano pa at naging asawa niya ako kung hindi naman niya ako pagkakatiwalaan? May anong kurot akong nadama sa aking puso sa isiping iyon.
Bumaba ako upang maghanda ng almusal. Nang makaluto ako ay niyaya ko ang lahat ng aming kasama sa bahay na ito ngunit tumanggi sila kaya sa huli ay ako lang ang kumain mag isa.
Matapos kumain ay naisipan kong puntahan ngayon sina mama at papa tutal naman ay matagal tagal na rin naman nung huli akong dumalaw sa kanila. Mabuti nga at wala sila noong nagkaroon ng insidente sa welcome party ng aking father in law. Nang maalala iyon ay kinabahan ako. Imposible namang hindi nila nabalitaan ang nangyari. Ano kayang sinabi ni Dean sa kanila?
Pero noong pasakay na ako ng kotse ay hindi pumayag ang mga bodyguard ni Dean pero nagpumilit ako. Kailangan kong makausap at mapuntahan ang mga magulang ko ngayon.
Sandaling nag-usap ang mga ito hanggang sa pumayag sila pero dapat ay makasama ako. Pumayag na lang din ako para matapos na.
Matapos ang mahigit apat na oras na biyahe, narating ko na ang aming bahay. Agad akong tumakbo patungong main door na nakabukas.
"Ma?! Pa?! Andito na po ako!"
Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nanlaki ang mga mata ng aking mga magulang habang nakatingin sa akin sa ibaba.
"Aerin, anak!"
"My princess!"
"Ma! Pa! Na-miss ko kayo!"
Nagyakap kaming tatlo ng mahigpit ng tuluyan silang makababa at salubungin ako.
"Kamusta ka, hija?"
"Pumayat ka anak!"
"Na-miss ko kayo!"
"Na-miss ka din namin anak. Kamusta? Nabalitaan namin ang nangyari kay balae. Siguro nga ay iyon na ang oras niya, anak..." hinaplos ni papa ang aking buhok.
Samantalang ako ay nagulat sa kalmadong ekspresyon nila na parang wala lang ang nangyaring pagpatay kay daddy... Don't tell me...
*****
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wrath
Ficțiune generalăHindi inakala ni Aerin na masasaksihan niya ang pagpatay ng kanyang mapapangasawa sa isang hindi kilalang lalaki sa mismong araw ng kanilang kasal. Kahit puno ng agam agam at takot ang kanyang puso ay nagpakasal pa rin siya kay Dean sa kabila nang m...