Rinig ko agad ang ingay ng mga sasakyan pagkalabas ko palang nitong subdivision namin.
Kaka- baba ko lang ng tricycle na noon pa'y yun na ang mode of transportation namin sa lugar.Lumakad ako ng mga limang blocks palayo sa guard house, upang doon na ako mag abang ng bus na sasakyan ko papunta sa bagong opisina.
Five minutes palang pagdating sa waiting shed ay may huminto namang bus at sumakay naman agad ako.
Aircon yun at iyon na palagi ang sinasakyan ko.
Kapag ordinary kasi mainit at alam mo na, bonga ang siksikan ng mga tao. Lalo na kapag pinupuno talaga ng kundoktor...Maingay
Mainit
Mabaho
Malagkit ang mga katawan ng mga
pasahero.
At iyon ang isa sa pinaka ayaw ko. Di naman ako maarte, pero parang ganun narin. Haha!
Try nyo kaya para maranasan nyo. Minsan pa nga eh nawawalan ka pa ng gamit kasi may mga mandurukot.Atleast kapag sa aircon safe ka. Pinipili kasi ng driver yung isinasakay nila. Well, sometimes lang naman.
Kabisado ko na rin kasi kung anong bus ang safe at kung anong bus ang hindi.
Tska, baka kilala na nga ako ng driver, minsan nga ako pa yong pinapaunang makaupo kahit ibang tao na yung nauna.. oh diba? Close lang kami. Haha! Sa araw-araw ba naman na ginagawa ng dyos yun na ang sinasakyan ko.
Fifteen minutes...
15 minutes na akong nakaupo sa back seat ng bus. Kakaunti lang ang pasahero. At ewan ko kung anong merun ngayon.
Minsan kasi kapag ganitong araw madaming tao, lunes kaya ngayon, pero kaka-onti lang ang sakay ng bus.Maya maya'y huminto ang bus sa isa pang waiting shed. May sumakay ata...
At oo tama ako may sumakay.. Napalingon kasi ako sa kinatatayuan ng sumakay. Tila may hinahanap ito.Malamang nang mau-upuan. Sabi ko sa isip ko.
Lalaki yung sumakay. Medyo di ko gusto ang itsura nya.
Mabalbas kasi ito, parang si 'Jon snow ng game of thrones.' Pero haler,
sobrang gwapo naman nun kung ikikumpara dito.Naka jacket na black, parang goons kung titingnan.
Matangkad ito at long hair. Natatakpan ng black na sumbrero na may tatak na nike yung bahagi ng muka nito.
Madumi tingnan na parang di pa naliligo.Kita rin sa sapatos nito yung dumi, mukha kasing umakyat ng tatlong bundok dahil sa putik na nakadikit sa talapakan nito.Napalingon ito sa gawi ko. Maya maya ay papalapit sya sa kinaroroonan ko.
"Ay shit! Huwag ka dito umupo."
Bulong ko sa sarili ko.
Kumunot ako ng noo. At napasimangot, tama kasi ang hinala ko. Sa tabi ko sya umupo. At ang nakakainis sumiksik pa sya sa tabi ko."Ay talaga naman.... masisira pa yata araw ko". Bulong ko ulit na nakatingin sa bintana.
Bakit pa kasi dito umupo,
eh ang daming bakante dun sa harapan. Nakakainis,
as in inis na inis ako.
Kaya nga ako umupo dito sa likuran para wala akong katabi eh. Di ba nakakainis.Lumingon ako sa kanya. Nakatingin naman sya sa akin. Nagulat nalang ako nang bigla syang ngumiti. Di ko naman ito pinansin, sabay irap ko sa kanya at sabay sabing..
"Nakaka peste naman" Bangit ko habang ang mga mata ko ay nakatingin sa mga punong nadadaanan ng sinasakyan namin.
Wala akong paki-alam kung rinig nya ang pagsasalita ko. Basta naiinis lang ako. Suplada lang ang peg. Hmp!Naramdaman kong tumikhim sya at huminga ng malalim. Pero di ko nalang ito pinansin. Nagpatuloy ang paningin ko sa daan.
Lumipas ang ilan pang minuto.. Malayo layo narin ako sa subdivision at marahil minamalas ako ngayon dahil hinihintuan ata ng driver bawat gustong sumakay.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Maaga pa naman. Nine O'clock kasi ang start ng pasuk ko at may isang oras pa akong natitira bago makarating sa lugar ng kompanyang papasukan ko.Oo tama isang oras... actually two hours ang byahe, dahil sa traffic at malayo layo ako sa mga matataong lugar, building etc. Isipin nyo nalang Bulacan to Manila o kaya naman Cavite to Manila ang kinatatayuan ng bahay ko... Basta ganun.
Sa sobrang tagal ng byahe napapa-pikit ako ng mata... minsan nga ay nakaka idlip pa ako o nakakatulog.
Ilang saglit pa....
Di ko namamalayan nakatulog itong lalaking katabi ko. Nagulat kasi ako sumandal ang ulo nya sa balikat ko.Bigla akong napalingon. At di ko sinasadyang napihit ko yung leeg ko sa kanya habang mahimbing itong natutulog.
"Adik yata ito." Nasabi ko nalang sa sarili ko na iritang irita.
Nakatingin parin ako sa kanya.
Nakatitig.. Napansin ko kasing ang tangos pala ng ilong nito. Mapula ang mga labi, at makinis ang pisngi na mamula mula.. yung parang nagba blush ka. Ganun."Pero ang dugyot." Sabi ko sa isip ko.
Sa totoo lang, gwapo sana sya kung walang balbas at malinis itong manamit. Di ko kasi tipo yung balbasin na lalaki. Nadudumihan kasi ako.Pero bakit ba iyon ang iniisip ko. Bigla akong natauhan sa mga naiisip ko. Irita nga pala ako kasi dito pa sya umupo sa tabi ko.
"Hoy! Kuya! Di ako unan!"
Sabi ko sa kanya.
Wala itong reaksyon.Aba't naging kumportable pa ang lolo mo. Di manlang ako narinig.
"Ump!" Gamit ang isang daliri ko. The hintuturo part, Inilayo ko ang ulo nya na nakasandal sa balikat ko.
Tangkad pa naman nito, sakop na sakop yung buong balikat at ulo ko.
Naimagine nyo yun? Matangkad na lalaking dugyot natutulog tapos nakasandal pa saiyo. HOLY COW!Pero kahit inilalayo ko na ang ulo nya bumabalik parin sa pag sandal sa akin.
Tulog ba talaga ito o nagtutulog tulugan.
"Style mo bulok" Inis kong sabi sa isip ko. Manyak siguro ito.
Kung ano-ano na ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon.
Pero kung titingnan mo sya eh mukang puyat at antok na antok talaga. Inulit ko ulit ang pagtabig sa ulo nya. This time malakas na.
Pero wa epek tulog parin at bumabalik sa pagsandal sa akin..
"Oh my goodness!" Napairap nalang ako.
"Nakakainissss!!!!!"
Sigaw ng isip ko.----------------------------------------------
Chapter Two done.
So ano reaction nyo guys.
Boring ba?
Please comment below.
Click nyo na rin yung star para masaya. Hehe!🌹Loves: Angelmisa05

BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...