Naglalakad ako na pa gewang-gewang sa kalsada papunta dun sa bus station. Malakas na siguro yung tama ng alak sa akin lalo pa at vodka yung tinira ko kanina. Mabuti nalang at pinayagan na nila akong maka- alis dahil alam na din ng mga ka-officemate ko yung kalagayan ko."Oh hayan ha, hindi kami yung lumasing sayo." Naalala kong sinabi ni Girl kanina.
Oo nga naman, ano bang pumasuk sa utak ko at naparami ako ng inum kanina. Nakuha ko pang kumanta sa harap ng mga tao. Mabuti nalang gift itong boses ko, nagustuhan ng mga nakikinig at di ako pinagbaba-bato ng kamatis. Uso pa ba yun? Naisip ko lang, alam ko kasi na pang "renaissance" lang yunng gawaing yun.
Kakaunti nalang yung naglalakad dahil it's almost midnight na rin.
"Evangelista!!"
"Ahaaaaaaaayy!!" Sigaw ko.
Nasayad kasi yung pwet ko sa semento. Eh pano kasi lumingon ako dun sa tumawag pero bago ko pa nagawa iyon eh nadulas na ako.
May natapakan pala akong balat ng saging, di ko man lang namalayan. Pano ko naman mamalayan kung ganito nga yung kalagayan ko. Lasing at mukang ewan ako na su-suray suray sa daan. Buti nga at nasa ulirat pa ako.Kinuha ko yung balat ng saging tsaka ko hinagis ng malakas sa malayo. Papaano nagkaroon dun ng balat ng saging? Di ba marunong magtapon sa basurahan yung taong kumain nun? Ang baboy naman! Nakaupo parin ako dun at tinukod ko na yung kamay ko upang tumayo.
"Are you all right?" Tanong nung lalaking lumapit sa akin.
Nilingon ko sya. Nakapikit yung isa kong mata nung tumingin ako sa kanya at inaninag yung mukha nya. Nakilala ko naman sya at di nga ako nagkamali sa hinala ko. Si Mr. D."Sha tinghin mo ba okay ako?" Kumunot yung noo ko. Nakatayo na ako habang pinapagpag ko yung kamay ko at yung likuran ko. Inaalalayan nya ako pero tinatabig ko yung kamay nya.
"Anong ginagawah mo dhito? Sinusundan moh ba ako ha?!" Medyo hilo kong sabi. Nagsimula na akong maglakad.
Di nya ako sinagot. Nakasunod lang ito sa akin habang nakatingin. Di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy parin ako sa paglalakad."Huwag mo nga akong sundan!" Sabi ko pa na di lumilingon sa kanya.
"Ipinagbilin ka nila sa akin" Casual nitong sagot.
"Lasing ka na din kasi." Dugtong pa nito.
"Di pa ako lasing!"
"Tingin mo ba makakarating ako sa lugar na to kung lasing na ako ha!?" Pagdidepensa ko habang di parin ako lumilingo sa gawi nya. Nandito na kami sa bus station. Humawak naman ako sa pole na malapit dun para mai-balance ko yung sarili ko.Di na naman sya sumagot. Tumabi sya sa akin, tinitigan ko sya ng masama. Pero binalewala nya lang ito at tumingin naman sya sa malayo na parang may tinatanaw.
Naging tahimik sa pagitan naming dalawa kahit maingay yung mga tao at yung mga sasakyan.Dumating na yung bus na iniintay ko at sumakay na ako. Gulat ko naman na sumakay din sya. Hinayaan ko nalang. At naghanap nang mauupuan. Sa kamalasan, wala nang maupuan kahit sa bandang likuran. Pero buti nalang may dalawang bakante dun sa pangalawang helera. Umupo na ako. As usual bandang bintana.
Umupo din sya at dito sa tabi ko talaga. Wala nga naman nang upuan kaya malamang dito sa tabi ko sya uupo. Naiirita na naman ako. Napaismid sa kanya."Pwede ba?!hangang dito ba naman?!" Sabi ko. Akala ko kasi ihahatid lang ako sa bus station kaya hinayaan ko nalang syang sundan ako kanina. Di pala.
"Ipinagbilin ka nga nila sa akin." Sagot nitong habang nakapikit na yung mga mata at nakasandal na yung likod sa upuan.
"Yan nalang ba sasabihin mo?!
Paulit-ulit!? Nakatingin na ako sa bintana."Eh ano ba dapat sabihin ko?!"
Kalmang sagot nito.Napalingon ako sa kanya.
"Di mo na ako
kailangang bantayan malaki na ako!"
"Umuwi ka na!" Tulak ko sa kanya."Umuuwi na ako."
"Huwag ka ngang maingay."
Di natitinag nitong sabi kahit na tinutulak ko na sya. Kalmado pa din."Umuuwi?" Napahinto ako. Bakit dun ba yung bahay nya?
Nang maalala ko na naman yung gabing yun.
Yung gabing una ko syang nakita. Yung gabing hinalikan nya ako.
Yung gabing umuulan.
Yung gabing hihiram lang pala sya ng payong pero para akong timang na natatakot. Eh kasi naman itsura at ayus nya. Susme! parang matandang ermetanyo.Napaisip ako. Kaya ba sya naroon sa lugar na yun dahil dun din yung bahay nya?
Pero bakit di ko manlang sya kilala? Eh Halos lahat ng mga kapit bahay namin kilala ko. Kaya nagtataka ako kung san banda sya doon nakatira. Na curious pa tuloy ako. Kung sabagay malaki yung subdivision nayun para makilala ko talaga lahat taong nakatira dun."Raaawwrr" sigaw ko nalang sa kanya na nang gigi-gil. Yung gesture na parang tigreng mangangain na ng tao.
Napatingin ako sa dalawang pasahero na nakatingin na sa amin. Kaya tumahimik na ako. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko yung ulo ko. Sumasakit kasi.
"Haha". Narinig ko yung mahinang tawa nya na parang suminghap lang.
"Anong nakakatawa?"
Tanong ko."You're cute." Bulong nito. Mahina lang yun. Pero narinig ko. Nakapikit parin ito.
"Ano??!" Tanong ko sa kanya kahit narinig ko naman. Di sya ulit sumagot. kaya nairita na naman ako.
Di ko namamalayan na umaandar na pala yung sasakyan namin.
Napakabilis nung andar, yung parang ordinaryong bus. Sa syudad kasi na to, yung mga ordinary bus eh parang nakikipag karera sa daan kapag tumatakbo, napakabilis. Eh Dahil kasi yun sa mga kaskaserong driver.
Ganun yung bus na sinasakyan namin ngayon. Kahit aircon, ang bilis ng takbo. Siguro ay may mga ganun. Aircon bus na mabagal yung takbo at aircon bus na mabilis naman yung takbo. O baka dahil sa driver kaya ganun.
"Na-nasaan na ba kami?" Tanong ko sa sarili habang napako yung mga mata ko sa bintana.
Di ko ma-aninag yung paligid.Naduduling ako sa mga nadadaanan nitong sinasakyan namin.Pano kasi nahihilo na ako at parang blurry pa yung vision ko. Bukod pa doon gabi na, madilim at super bilis ng takbo.Naramdaman kong umayus ng upo si mr. D.
Well, alam kung maayus naman yun upo nya pero yung itinuwid nya yung likuran at humawak pa sa kaharap nitong upuan gamit yung dalawang kamay. Napasunod ako sa ginawa nya. Paano ba naman kasi para kaming nasa roller coster sa sobrang bilis nang andar nitong bus.
Alam kung wala nang gaanong sasakyan sa ganitong dis oras na ng gabi pero di naman dapat ganun yung takbo nitong bus na ito."Hoy kuya! Papatayin mo ba kami?"
Sigaw ng pasahero na nasa likuran namin dun sa driver."Pare." Rinig ko namang sabi nung konduktor habamg kalabit nito.
Di sya pinansin nung driver. Mabilis parin yung takbo nung sasakyan.Yung mga tao parang nagpapanic.
Yung iba magbubulungan."Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppppp!" Malakas na busina yung sunod kong narinig.
Nagsigawan lahat ng mga tao.Naramdaman ko nalang na may tumalukbong sa akin. Habang pumipikit yung mata ko.
Narinig ko pa yung tunog nung mga salamin ng bus na isa-isang nababasag at yung parang sumabog pa nga. Kasunod naman nun isang pagsabog ulit yung narinig ko pero malakas iyun, masmalakas kesa d7n sa nauna at sa likuran namin ito nang gagaling.Matapos noon dumilim na yung paligid ko.---------------------------------------------------------
W/N:
Wah! Sorry po ulit slow update. At masusundan pa ito. Super busy kasi. Huhu..Haay... (~_~) anyway thank you po ulit for reading. Sana nagustuhan nyo tong part na to. (^_^)
Don't forget po na i-click yung star.
🌹Love: Angelmisa05
BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...