X. Usual celebration

162 7 1
                                    


May lumapit na waiter sa amin at isa-isa kaming inabutan ng menu book.

"Oh order lang kayo ha" Paunang salita ni Sir Jaimie.

Maya- maya pa ay kanya kanya nang sabihan ng mga orders.
May chilli Spare ribs, Inihaw na bangus,  chicken sisig  at iba pang heavy meal na pampabigat talaga sa tyan yung mga inorder nila. Para di daw hassle sa tyan pag nagsimula nang mag inuman.

At inuman talaga ang gagawin nila. Di ako masyadong umiinum. Oo di na, iniiwasan ko na. Yung last na inum ko kasi  eh dun pa sa dati kong trabaho. At masasabing ko pa nga na disaster yung nangyari dahil nagwawala daw ako sa entablado,  which is di ko naman maalala. Ang alam ko lang eh umiiyak ako kapag umiinom. Emotional kumbaga.

Pero ngayon, ewan ko nalang kung anong mangyayari. Di nalang siguro ako makiki-join sa inuman. Basta!Bahala na. Boss kasi ang mga kasama at mukhang mahirap tumangi kapag nag yaya itong mga ito.

While waiting for the food puro kwentuhan yung kaganapan. About sa work, personal life and issues. Pati ata mga artista eh napagusapan na.

"Pre, girlfriend may girlfriend ka na ba or nagka girlfriend ka na ba?" Usyosong tanong ni Justin kay Kean. Napalingon lahat ng girls sa tanong na iyon kay kean, except me. Kasi di naman ako interesado at nilalaro ko yung tinidor sa harapan ko.

"Haha". Mahinang tawa ni Kean.
Napatingin naman ako sa kanya. At napataas ng kilay.

"Secret" Sagot nito.

"Bakit naman secret?" Tanong naman ni Elaine.

"Aba, teka! Iba yan pare ha. Haha!" Usad naman ni Gian.

"Playing safe". Si trisha naman yung nagsalita.

"Ang tagal naman ng pagkain, gutom na ako." Singit naman ni Allen.

Binatukan naman sya ni Girl.
"Takaw mo talaga! Mahiya ka nga!"

"Aray! Magagawa mo eh gutom na ako?"sagot naman nito.

Speaking of the gutom, dumating na yung mga orders, kaya naman nagniningning yung mga mata ni Allen at inamoy-amoy pa yung food na isinerve sa kanya. Yung parang PG na di malaman. Natatawa nalang ako sa reaction ng mukha nya. Maya-maya pa ay dumating  narin yung iba pang mga orders namin.

Mukhang gutom ang lahat. Wala kasing balak magsalita. Yung malakas na tugtug lamang yung naririnig mo at mga taong nagkukwentohan sa paligid.

Eh Sa buong araw ba naman sa opisina at puro papel ang nasa harapan mo, di ka ba magugutom? Kaya heto para kaming mga halimaw kung makakain.

Dumating ulit yung waiter at may hawak hawak na bucket of ice. Nilagyan ng tig -iisa yung table  namin at yung sa mga bossing.
Umalis ulit ito at pagbalik may dalang case ng tanduay ice, san miguel beer, gin at absolut vodka.

Napatitig ako sa mga inumin. At nagiisip na ako nang dahilan paano tumanggi, incase yayain nila akong uminum.

"Oh guys mag-enjoy lang kayo ha." Sabi ni sir Jaime.

"Tara simulan na ang party party". Sabi ni nikko na kinuha yung isang bote ng rum, di ako familiar sa pangalan nun pero basta ang alam ko rum yun.

"Guys! Let's celebrate the another year of Mr. Jaime Gatchalian." Sabi naman ni Gian na itinaas pa yung baso pagkatapos mailagay yung laman ng bote nung beer.

"Cheers!!" Sabay-sabay naman nagtaas ng mga baso at inumin ang lahat
Kasama ako. Pero syempre di liquor yung nasa baso ko kundi tubig lang.

"Uy teh!umiinum ka ba?" Tanong ni Girl.

Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon