Tick!
Tok!
Tok!
Tok!
Tok!
Tok!
Tunog ng latang sinipa ko sa daan habang naglalakad ako papunta sa gate ng opisina namin.Beep!Beep!
Busina naman ng isang sasakyan kaya napalingon ako sa bandang kanan ko. Ibinaba ng taong nasa loob nito ang wind shield ng sasakyan at iniluwa nito ang isang lalaking kamukha ni Vhong Navarro.
"Uy! Justin!" Sigaw ko sa kanya nung makilala ko. Lumapit ako papunta sa kanya.
"Nagbreakfast ka na?" Sabi nito na dumungaw pa sa bintana ng sasakyan.
"Di pa nga eh!"
"Sabay na tayo wait mo ako sa lobby, park ko lang to."
Sige! Sige! Sabi ko naman. Halos nagsisigawan kami dun. Pero balewala lang yung mga taong dumadaan.
"Una na ako!"
"Okay!" Sabi naman nya.
Nag-antay naman ako sa lobby.
Maraming tao na ang pumapasuk. May mga nagmamadali, may mga naguusap dun sa bandang tabi at ang iba bystander lang.Malapit ako sa information area kung saan may nagbabantay na Guard. Nakatayo din dun yung isang receptionist, may kausap itong lalaki na naka business attire.
"Good Morning Ma'am!" Bati nung guard.
"Good morning kuya." Bati ko naman na naka-smile.
Napadpad ang mga mata ko sa glass door ng building kung saan dun yung main entrance. Nagbabaka-sakali kasi ako na si Justin na ang susunod na papasuk.
"Anong ginagawa nito dito?!!!!"
Gulat kong sabi nang makita yung lalaki kagabi. Sya yung iniluwal nung babasaging pintuan.Unconciously bumalik sa ala-ala ko yung mga eksena kagabi.
Yung ginawa nyang paghabol sa akin
Yung kanyang paghalik.
"Makikisukob lang naman ako sa payong mo eh!"
"Makikisukob lang naman ako sa payong mo eh!"
"Makikisukob lang naman ako sa payong mo eh!"
paulit ulit ang mga salitang iyun sa isip ko. I was stiffened and nagsalubong ang mga kilay. Napahawak ako sa bag ko nang mahigpit.
Titig na titig ako sa kanya na nanlilisik ang mga mata. Yung para bang naglalabas ako ng laser beam at pinapatama ko sa kanya para mawala na sya sa paningin ko.
Mukhang di yata ako nito napansin dahil nilagpasan lang nya ako.
Tinakpan ko yung mukha ko while he passed by. Pati bag ko tinakip ko na din sa mukha ko. Hiniram ko na din yung makapal na dyaryong nakapatong sa desk.
"Wag po sana nya akong makita."
"Wag po sana nya akong maalala."
"Wag po sana nya akong makilala."
Bulong ko sa sarili habang nagdadasal sa lahat ng santo."Marie!"
Tawag ng lalaking pamilyar ang boses."Anong nangyayari sayo?" Sabi nito na papalapit sa akin.
Inalis ko naman yung pagkakatakip sa mukha ko at nalaman kong si Justin yung tumatawag. Sinilip ko pa yung unkown person who stole a kissed from me. Wala na sya sa paningin ko.
I shrugged and go back to justin."Sino hinahanap mo?" He talked again with curiousity kasi sinilip din nya yung sinisilip ko.
"Nothing, I thought I saw someone lang...pamilyar kasi sakin." Pagdadahilan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
Ficção GeralA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...