"Whaaaaaaaaaatttttttt?????!!!!!!"
Malakas kong sigaw.Ramdam ko ang paglingon ng mga ka opisina ko roon.
"Anong merun Ms. Evangelista?"
Tanong ni Sir Jaime na napatigil sa pagbubuklat nya nung hawak nyang A3 na papel.Lumingon ako sa kanya at sabay ngiti ng matipid.
"Ahaha! Wala po sir, nagulat lang po ako sa nabasa ko!" Sabay kamot sa ulo.Napailing nalang ito sabay alis sa kinatatayuan nya na malapit sa akin.
"No! No! No! No way!! No way!!!"
Bulong ko sa sarili ko.
Nakailang-iling ako sa nakita kong "Bid" documents na kakabigay lang sa akin. Kung saan dun nakasulat kung paano i-execute yung project."Miss Evangelista pinapatawag po kayo ni Ma'am." Tawag ng secetary sa akin dahil alam ko kung sino ang mam na tinutukoy nya.
Dali-dali naman akong tumayo. Sumilip sa nakasabit na salaming maliit, saka inayus ang buhok. Inayus ko din yung suot kong damit saka nagtungo sa pinto kung saan naroon si Ma'am Nancy.
"Goodmorning Ma'am" Bati ko.
"Goodmorning! Please seat! Sagot nya, seryoso itong tumayo at may kinuha sa drawer. Inilahad ito sa akin at sya ko namang inabot.
"I'm sure you've done your part this time miss evangelista."
Sambit ng kaharap ko habang naupo na sa silya nya. Tinutukoy nito yung mga papers na dapat i-submit sa lahat ng ahensya ng goberno para maging legal ang pag sasagawa ng proyekto sa bohol."Ye-yes Ma'am, I already wrote DENR about the project. All I have to do is to wait them to reply so we can get started."
"Hmmm.. seems you work fast as I expected, good Job. Marie!" Puri nito sa akin.
"So when could we start our meeting to meet other responsible person?"Tanong pa nito habang pumipirma ng mga dokumento.
"I already wrote a letter to Bohol and proposed for pre- construction meeting, they did response and as they said it should be on the first week of September ma'am." Magalang kong tugon.
"I see, it should be on September 3." Suggest naman nito.
"Monday would be the perfect day, right Kean?"
Nagulat naman ako sa pagbangit ng pangalan na iyon.
"Andito si Kean?" Bulong ko na may pag tataka.
"There's nothing I couldn't disagree ma'am regarding to this matter". Sumagot ito na nakangiti. Nasa gawing bintana ito na parang nagmuni-muni.
Nasundan ko naman sya ng tingin habang papalapit ito at umupo sa silyang nasa harapan ko.Then lumingon sa akin.
"How are you miss Evangelista?" Alam kong tinatanong nya ako, pero wari ko ay nakatingin lang ako sa kanya.
"Are you okay?"tanong nya habang iginagalaw yung palad nya sa harap ko.
Natauhan ako sa pagkakatulala.
"Ha-huh? Ano? May sinasabi ka?sagot ko.
"What does this monster doing here?"Sabi ng isip ko.
"Kanina pa ba sya dito?"
Tumatitig ito sa akin.Nagtaas ng kilay
"Ah-oh o-okay lang ako.. okay naman ako."
Sagot ko na lumingon pa kay Ma'am Nancy dahil mukhang nahihiwagaan na ito sa mga nagiging reaction ko."Okay then Miss Evangelista and Mr. Montecillo, I think both of you were settled on that assignments?
"No Ma'am!"
"Yes Ma'am!
Sabay na bangit naming dalawa ni Kean.
BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
Fiksi UmumA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...