"Eto po yung mga gamit nya."
"Nariyan na rin po yung cellphone, yung bag at iba pa po na nagkalat, buti ho at walang kumuha." Sabi nung nagsasalitang babae. Malumanay lang ang boses nito."Salamat iha" Sagot naman nung kausap nito, isang babae din.
"O sige maiwan ko muna ho kayo dyan." Tugon ulit nung babaeng malumanay magsalita.
Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Noong una malabo pa yung nasa paligid ko. Pero nung nakabawi na, na-aninag ko na yung dalawang babae na naririnig kong nagpapalitan ng mga salita.
"Salamat nurse" Tugon ni Mama.
Oo, nakilala ko yung babaeng kausap nung nurse at di ako nagkakamali na si mama iyun, sa tindig palang nito. Umalis na yung kausap niya.Nasa ulirat na ako, Napaupo ako at napahawak sa ulo dahil nakaramdam ako ng sakit.
"A-anong nagyari?"
"Na-Nasaan ako?"
"Bakit ako nandito?" Palinga-linga at sunod-sunod kong tanong kay mama."Mabuti at nagising ka na"
"Dahan-dahan lang, sariwa pa yang mga sugat mo." Sabi niya na may paga-alala.Kinapa ko yung ulo ko at nalaman kong may nakalagay na bandage dito.
"Nandito ka sa ospital anak".
"May tumawag sa bahay kanina, buti nalang at di pa ako nakakatulog at nasagot ko pa yung telepono."
"Iniwan ko muna yung kapatid mo sa kapitbahay natin at dumeretso na ako dito. Ang sabi nung tumawag, nabanga daw yung sinasakyan mong bus habang papauwi ka ng bahay.
Kaya naman dali-dali agad akong umalis nung malaman ko yung pinagdalhan saiyo."
Mahabang kwento ni mama habang hinihimas yung likuran ko.
Nagpatango-tango nalang ako sa kanya habang nakatulala at inaalala yung nangyari.Yung mabilis napag-papatakbo nung bus driver at yung mga nagsisigawan at nagrereklamong mga tao. Matapos noon ay di ko na maalala.
Kung pano ako nakaligtas.
Kung paano ako nadala dito.
At kung anong nangyari sa mga taong sakay nung bus."Nasabi din kanina na balak magpakamatay nung driver kaya sinadya nyang ibanga yung sinasakyan nyo. "
"Dyoskong tao iyun idadamay pa kayo." Napa sign of the cross pang sabi ni mama.Luminga-linga ulit ako na wari'y may hinahanap. Di na ako nagtanong kung anong nangyari sa bus driver at sa iba pa dahil wala naman akong pakialam.
Sa tingin ko ay nasa emergency room kami ng ospital kung saan yung part na tanging kurtina lang yung humahati sa mga pwesto ng bawat kama ng mga pasyente. Maingay, dahil bukod sa public ospital pa itong pinagdalhan sa akin eh nasa part din ako kung saan maririnig mo yung mga usapan ng nurse, usapan ng mga doctor, at usapan ng mga kasabayan mo sa kwartong iyun.
Mayroon din parte na nasisilip mo yung mga humihiyaw na pasyente dahil sa kung anong sakit man yung nararamdaman nila at maririnig mo yung takbo ng doctor at nurse para i-assist agad yung bagong dating.
Ma-amoy mo din yung mga gamot,
yung mga kalansing ng oxygen tank at yung kung anuman na mga kagamitan pa doon para sa mga pasyente.Napasapo ako sa noo ko nung may ma-alala ako. Gumalaw tuloy yung tubo na daluyan ng dextrose na nakakabit sa kamay ko.
"Oh bakit?" Takang tanong ni mama.
Tumingin lang ako kay mama.
"Kean......." Mahinang sambit ko nung malamang di ko sya kasama.
"Nasaan kaya sya?" Anong nangyari sa kanya? Bigla akong nag alala kay kumag sa di malamang dahilan.
Tumingin sa akin si mama at ngumiti ito.
"Buti at di ka masyadong nasaktan anak, nagalala talaga ako sayo ng sobra." Sabi nya na hinihimas pa yung buhok ko.
"Makaka-labas ka na daw bukas.Pero bilin nung doctor na magpahinga ka muna.Ako nalang bahala sa opisina nyo. Itatawag ko nalang yung nangyari." Dagdag pa nito na ngayon ay ina-ayus yung unan ko.

BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...