Loading.....................................
Loading...
🎵Ikaw nga ba si Mr. Right?
🎵Ikaw nga ba love of my life?
🎵 Ikaw nga ba ang icing
sa cupcake ko? 🎵
🎶🎵 Ikaw nga ba si Mr. Right?🎶
( Mr. Right?)🎵🎶Biglang sayad sa isip ko nung kanta doon sa bus kanina.
"Seriously?"
Napataas ako ng kilay.
Ba't naman yun agad ang sumagi sa isip ko after ng loading portion?Pero at that moment nag panic na ang buong body ko.
Di ko na alam gagawin ko, ni di ko nga alam kung ano ang iisipin ko eh.
"Marie react bilis!" Sabi ng utak ko
A. Itutulak ko ba sya palayo sa akin?
B. Hahayaan ko pa syang halikan ako,
siguro mga 15 minutes and more
pa.
C. None of the above as in nothing
at all.Sa sobrang slow motion ng mga kaganapan, nakakapag isip pa ako ng multiple choice at ewan ko ba kung bakit ito ang naging reaction ng brain ko.Kakaiba talaga magwork itong brain ko. Haha!
"Nakakaloka!"
"Ano toh? Love series sa tv, parang korean nobela lang?"
"Ganun?" Sabi ng right hemisphere ng brain ko."Eh!Teka! Teka!" This is my first kiss! No way! Wag sa kanya!" Singit pa nung left naman.....left hemisphere ng brain ko.
"God help me please!"
"After ba nito isa salvage na nya ako?"
"No! No! Mag dya- Japan pa kaya ako Lord! Magsusuot pa ako ng kimono at mag si selfie pa sa cherry blossom!". NOOOO!"Napapikit nalang ako habang sumisigaw yung utak ko sa pangyayari.
Nang walang ano-ano sya na rin ang bumitaw sa pagkakahalik sa akin at maging sa pagkakahawak nya nang mahigpit sa bewang ko.
Lumayo naman agad ako sa kanya.. siguro mga isang distansya.
O sige dalawa na.After that.. matalim na mga mata ang ipinukol ko sa kanya na sinamahan pa nitong nakakuyom kong mga palad.
It was still raining hard and you can hear the rustling of leaves and feel the cold wind.
Patay sindi parin ang ilaw sa lamp post, yung tipong mapupundi na.
We're soaked and totally wet.
Sa mga sandaling iyon gusto kong magsalita pero ayaw lumabas ng boses sa bibig ko.
I was glaring at him, parang gusto ko syang suntukin. Pero di ko manlang maigalaw yung katawan ko. Siguro sa takot na din na baka mayroon pa syang ibang moves na gawin.
Tapang tapangan lang ang peg. Pero di ko pinapahalata na takot ako.
Tinitigan nya ako.
"Halik lang pala makakapag patahimik sayo." Ani nito na napangiti pa. Ngiting nakakaloko.
Yung dibdib ko parang sasabog na nung magsalita sya. Punong puno na kasi ito ng galit at kaba.
"You know miss I didn't me------"
Di ko na pinatapos yung salita nya. Tinulak ko na sya ng malakas. Napaatras naman ito at muntik pang mabuwal sa kinatatayuan. Sabay kumaripas naman ako ng takbo palayo sa kanya.
"MAKIKISUKOB LANG NAMAN AKO SA PAYONG MO EH!"
Sigaw nya sa akin. Malayo na kasi ang distansya ko dito.Nagulat ako dun sa sinabi nya. Napahinto ako sa pagtakbo at napalingon. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti ito habang nakapamewang. Cool lang ang loko parang di alintana na basa na sya, malakas parin kasi ang ulan.
Matapos nun ay slow motion akong tumalikod sa kanya... yung parang biglang nagtaka, parang na confuse, basta ganun.
Pero binaliwala ko iyon, di ko pinansin at nagsimula ulit akong tumakbo. This time mas lalo ko pang binilisan.Hinayaan ko yung tilamsik ng putik sa mga hita ko.
Hinayaan ko nalang din na basa yung buo kong katawan.
Yung dress
Yung bag
At yung payong?
Ewan...
Hinangin.
At di ko alam saan na napadpad.Gusto ko na kasing makalayo dun sa estrangherong iyon.
"Shit!"
"Shit!" Paulit- ulit kong sabi.
And then I realised I was cursing him to death with rage and anger."Dahil gusto lang nya sumukob sa payong ko?" Sabi ko na napapaiyak.
"Ginawa nya iyon? What the @#$*!!!" Sabi ko ulit na hingal na hingal.
Napahinto ako dito sa tapat ng bahay namin at malalakas na katok yung ginawa ko.Gulat na gulat naman si Mader( mother) pagkakita sa akin.
Sunod-sunod na tanong naman ang bungad. Sinagot ko na lamang sya na naiwan ko ang payong ko at sumugod ako sa ulan kasi no choice na para makauwi. Nang makuntento sa sagot ko ay tinantanan na ako ni mama.
Umakyat naman agad ako sa taas at pumasok sa kwarto.
Deretso ako ng banyo upang maligo.Di parin maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina.
At heto naalala ko na naman.
Naalala ko na naman yung lalaking yun.
That guy who stole my kiss.
Sana talaga mag-katipos na sya o mag ka cancer para matuluyan na at ma erase na sa earth.Mga naiiisip ko habang nasa loob ng banyo.
Padabog lahat ng pag kilos ko dahil narin sa galit na nararamdaman ko."Ano ba ang araw ngayon at minamalas ako?" Tanong ko habang pinapatuyo ng blower ang hair ko.
Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding.
"This is my worst day ever!"
Sabi ko sa isip ko."I hate this day!" From now on kakalimutan ko nang may ganitong number sa kalendaryo."
"Mayo 25...."
"Twenty five....."
"erase... erase.. erase..."
-------------------------------------------------------
Hi guys!
Ano sa tingin nyo?
Ayus ba yung eksena? Haha!Sorry natagalan yung pag update.
Busy lang. ^_^So again!Thank you sa pag read ng story ko.
Comment naman kayo dito sa baba.
Baka may idea kayo sa susunod na chapter? Pwede bang malaman? Ano hula nyo?Anong mangyayari kay Marie?
🌹Love: Angelmisa05

BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...