XIV: Monica

66 5 0
                                    

"Complete Bedrest" yun yung payo ng doctor sa akin bago ako lumabas ng hospital kahapon. At dahil yun nga ang bilin ng doctor, maghapon akong nasa kwarto at nakahiga sa kama. Tatayo lang ako kapag magba-banyo or kakain.
Daig ko pa yung may stroke o yung naputulan ng paa dahil ni pag hugas ng pingan o pagwalis ng dumi sa sahig eh hindi pinapagawa sa akin ni mama.

Nakakabato, nakakatamad at nakakainip na laging nasaloob lang ng kwarto.Wala akong ginawa kundi mag facebook, instagram, maglaro ng downloaded app sa cp kagaya ng candy crush. Mag harvest ng crop sa farm at makinig ng music o magmarathon ng Game of Thrones.

Feeling ko lalo akong magkaka-sakit sa mga ginagawa ko, samantalang sugat lang naman sa ulo ko yung natamo ko sa nadisgrasyang bus  noong isang gabi.

Kaya naman gusto kong nang lumabas ngayon. Pinilit ko talaga si mama na makalabas ako. Since two days lang naman yung leave ko, ( Biglaang leave dahil sa nangyari) buti nalang pumayag sya.
Eh sinamantala ko na.
Magpapahangin lang naman ako sa labas at maglalakad-lakad, para naman makalanghap ng sariwang hangin.Maganda ang panahon ngayon at maaliwalas.

Narinig ko na agad yung mga huni ng ibon pag labas ko palang ng bahay. Okay naman kasi dito sa subdivision namin. Di pa gaanong matao at maraming puno ang nakapaligid. Kaya naman gagaan talaga yung pakiramdam mo kahit maglakad- lakad ka lang dito sa lugar namin. Di katulad kapag nakalabas ka na ng subdivision, bubungad agad sayo yung mga sasakyan at i-ilang establishment na naroon.

"Ate, San ka pupunta?" Tanong ng kapatid ko na nasa pintuan ng bahay namin. Di sya pumasok ngayon dahil sya daw yung bantay ko. Umalis din kasi si mama dahil may kaibigan daw syang imi-meet ngayon para sa sideline nyang business.

"Sandali lang ako dyan kalang magpapahangin lang!" Sigaw ko na lumingon pa sa kanya.

"Pengeng pasalubong pag natagalan ka!" Magsisimula na sana akong maglakad nung marinig ko iyun.

"Anong pasalubong!? Magtigil ka nga! Isara mo na yang pinto baka masalisihan pa tayo at ilock mo na rin, huwag mong pagbubuksan pag di mo kakilala ha!"
I heard him mumbled something after saying those words and then..

" Anong sabi mo?!" Sabi ko na pinandilatan ko pa ng mata.

"Wala po! Sungit! Basta pasalubong ko, pag wala kang dalang pasalubong di ka makakapasuk ng bahay!" Sabi pa nya sabay sarado ng pinto; rinig ko pa yung malakas na pagsara nito.

"Aba't!Makulit talaga!"After that loud bump, hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy na ako sa pag lalakad. Kinapa ko pa yung bulsa ko kung may dala ba akong pera. Buti nalang at merun kundi lagot ako sa spoiled kong kapatid. Kahit naman kasi ganun iyun eh masunurin naman yung kapatid ko na yun. Kaya kung minsan ay pinagbibigyan ko nalang.

Lumanghap pa ako ng sariwang hangin at nina-namnam yung lamig na dumadampi sa balat ko. With matching pikit at smile pa na feeling ko eh naglalakad ako sa dalampasigan. Buti nalang wala pang  tao roon dahil almost 6:35am palang.

Malayo layo na rin yung nilakad ko nang makarating ako sa isang street kung saan naroon yung nagiisang lamp post at bakante yung lote.

Tama ito yung lote at lugar kung saan mala-haunted place at creepy kapag gabi. At ito yung place kung saan nagtagpo kami  ni Mr. D. Napailing ako at napapikit. Di ko parin makalimutan yung moment na yun.

"Pero nasan na ba yung taong iyun ngayon?" Tanong ko bigla sa sarili ko.
Sabay kamot sa ulo mahabang nakatingin sa liwang ng lamp post na patay sindi parin. Mukang di ata pinapatay nung taong naka assign dito yung ilaw at magdamag itong patay-sindi.

Iling parin ako at nagkibit balikat nalang na naglakad papalayo roon. Inalis ko nalang sa isipan ko kung nasan na ngayon si Mr. Montecillo. At di nalang ako nagisip  pa ng masama, bigla nalang kasi itong naglaho. Di nga din ito pumasuk sa opisina ngayon. Matapos ipaalam ni mama yung nangyari.

Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon