XVI: Twist and Turn

36 3 1
                                    

"Anyare sayo Kean?" Sabi ni Girl. Nakapangalumbaba ito sa table ni Kumag a.k.a. Kean.

"Ito?" Duro ni Kean sa nakabenda nyang braso.

"Hindi ito, ito...! Duro ni Girl sa Mug na katabi ng braso ni Kean.

"Malamang iyan! saan ba ako nakatingin?" Taas kilay naman ni Girl.

Napangisi nalang si Kean sa Pilosopong joke ni Girl.

"Wala, nagalusan lang." Sabay sagot nito.

Nakatingin lang ako sa kanila, at bored na bored. Wala kasing gaanung trabaho sa araw na iyun. Kaya panay tsismisan at daldalan lang nang mga katrabaho ko.

"Nakuh! Tigil tigilan mo nga ako Kean. Ang tagal mong nawala. Tapos pagbalik mo may sapot na sa braso mo. Then sasabihin mo galos lang?"
Tumayo ito.

"Hanap ka nga ng kausap mo".
Sabay layo sa pwesto ng lalaki at doon naman tumabay sa kabilang lane.

Napailing naman si Kean. Sabay tingin sa gawi ko.

That time nakatingin ako sa kanya.

"What?!" Mataray kong tanong with taas ng Kilay.

Di sya nag salita. Nag-iwas ito ng tingin sa akin.
Maya-maya ay isang mahabang katahimikan yung pumagitna.

Humarap ako sa computer ko sabay nangalumbaba.

"Hay....!" Bulong ko.

Sabay lingon ulit sa pwesto ni Kumag.

"Kumusta ka?" Wala sa loob kong tanong. Yung itsura ko kasi parang inaantok.

Kung bakit ko iyun naitanong?
Di ko din alam. Siguro concern?
Kasi matagal yung pagka-wala nya,
Oh eh ano ngayon?

"Hay! bakit ko ba yun naitanong" sabi ko nalang sa isip ko.

Lumingon din sya sa akin. Pero naka-ngisi. Alam mo yun? Yung ngiting demonyo? Ganun.

"Bakit?"
"Concern ka?"
Sagot nito.

Tanong ko tanong nya rin.
nakakainis yun diba? Kaya di ko sya sinagot instead inirapan ko nalang sya.

"Concern mo muka mo!" Bulong ko.
Sabay balik ulit sa pangalumbaba.
Di ko na nalaman kung narinig nya ako or what.
Bahala sya sa buhay nya.
Yun nalang yung nasa isip ko.

"Bakit di ka na bumalik?"
"Hinahanap ka ni Monica."
Rinig kong sabi pa nya.
Pero di ko na sya nilingon.

Naalala ko naman yung batang si Monica. Napaka inosente ng dalagitang iyun.
Kahit saglit lang kaming nagkasama nakakamiss din pala. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya.

"Sana daw dumalaw ka sa bahay."
dugtong pa ni Kean.

"Wow! Ganun ba kami ka close, para i invite nya ako sa bahay nila. Agad-agad, Haha!!"
Napatawa nalang ako sa isip.

"Wala akong time." Walang gana ko kunwaring sabi. Di parin ako lumilingon.

"Okay! I'll tell her later."
"Pasensya ka na ha".
Sa paghingi nya ng pasensya. Napalingon ako at napataas ulit ng kilay.

"Ano merun? Ba't nanghihingi ka ng pasensya?" Kausap ko na naman yung sarili ko.
Naka tingin parin ako sa kanya.

Inirapan ko ulit sya. Sabay balik ng mata ko sa monitor.

"Okay nevermind." Sabay tumayo ito sa kinau-upuan. At alis sa kanyang pwesto.

"Ganda mo pa naman sana, ang sungit lang." Rinig kong sabi nya habang dumadaan sa pwesto ko.

Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon