"Para kuya!!!!"
"Dito nalang po ako!"
Sigaw ko kay mamang konduktor.Nagulat yung lalaking natutulog na nakasandal sa akin. Paano kasi ay biglang tayo ko. Pero yung totoo ay sinadya ko iyun para magising na talaga sya at malaman nyang di ako unan.
Tumitig ito sa akin at habang ako naman ay nakatingin sa kanya...
Sabay irap ko. Taray ko talaga! Haha!Nagmamadali akong umalis sa kina uupuan ko, dumaan ako sa harap nya kasi sya yung nasa bandang kaliwa, ako yung nasa bandang kanan at nahaharangan nya yung dinadaanan ko.
Oo, di na ako nag-excuse kasi iritang irita talaga ako.
Nung maka- baba ako ng bus. Nagulat pa ko pagkalingon ko dahil bumaba din sya ng bus.
Inaayus nya ngayon yung sombrero nya pagka mamaya'y lumingon sa kaliwa at lumingon sa kanan. Mukang di pamilyar sa lugar at may hinahanap.
Di ko nalang sya pinansin, iniwan ko na sya at muli ko syang inirapan. Di ko na alintana kung nakikita nya yung mga pag-irap ko. Bahala sya.
"Tse!"
Nasabi ko nalang sa sarili ko habang naglalakad palayo sa kanya.Napalingon ako ulit at wala na sya sa kinatatayuan nya.
Napaparanoid kasi ako. Baka kasi sinusundan nya ako.
Hinagilap pa sya ng mga mata ko at di ko na talaga sya nakita. I shrugged and continue to walk nalang instead.---------
"Justin Salvacion."
Inilahad ng lalaki yung kamay bilang pagpapakilala nito. Matangkad ito at may itsura. Parang si Vhong Navarro. Basta! Kamukha nya. Hirap idescribe eh. Haha!
"Nice meeting you."
Sabi ko naman na tinangap ang kamay nya habang nakangiti. Shy type pa ako kunwari."Welcome!
Alam mo petiks lang dito kaya huwag ka masyadong magpakasubsub sa trabaho."
Sabi pa nito."Your name is Marie right?"
"Yes."
"So...." ngumiti ito. "Can I invite you for lunch? Para naman makilala kita."
"Teka! Teka!"
"Hoy Justin!"
"Ano na naman nyan ha?"
"New prospect?"
"Porket bago?"
"Echosero ka talaga!"
Singit nung girl na mukang kasing edad ko lang. Long hair na kulay ash brown at medyo matangkad sa akin ng mga 5 inches."Hi!
I'm Elaine.
Elaine Cruz.
And you ...are..... Marie!?
Nice to meet you!
Huwag kang magpapaniwala dyan sa lalaking yan.
Playboy yan.""Anong playboy!?? Manahimik ka nga dyan!"
"Umayus ka Justin kundi masasapok kita."
Natatawa ako sa kanilang pag sasagutan. Mukang okay sila Approachable at mukhang mga kalog pa ito. Eto talaga hanap ko sa isang company. Yung may mga mababait at kalog na ka officemate para di ka mabore sa trabaho. Well, kahit sino naman ata yun yung gusto.
"So!
ano Marie sasama ka ba maglunch sa akin mamaya?"Sasagot na sana ako.
"Hep!Hep! Correction.. Sasama ka bang mag lunch SA AMIN mamaya?"
Singit ulit ni Elaine. Napaismid nalang itong si Justin. Natatawa nalang ako at napa Oo.
Lumipas ang mga oras.
Wala masyadong ginagawa.
Puro introduction lang at endorsement ng bagong work.Masaya naman ako dahil madali kong nagets agad lahat.
Wala naman kasing pinagkaiba ito sa ginagawa ko dati.Isang Construction Firm itong napasukan ko.

BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...