"Ah..." Tango ko nalang sabi sa kanya.
Matapos noon ay tahimik na naming tinatahak yung daan pakanan.Napansin kong walang halos bahay sa gawin roon. Puro puno lamang at naglalakihang damo, talahiban at bakuran na gawa sa kahoy. Di ko akalain na may ganitong parte pala sa lugar namin. Ganun na ba ako ka busy at di ko man lang magawang malibot itong lugar na ito.
Nakita nga namin yung malaking bahay na naroroon. Kaya tuwang tuwa itong si Monica nang makita iyun.
Pinagmasdan kong mabuti yung paligid. Napaka creepy nito na parang walang nakatira. Parang isang haunted house na pinamamahayan ng maraming elemento o kaya naman isang hideout ng isang drug lord or mga kriminal.
Biglang humangin nang malamig kaya kinilabutan ako. Napayakap tuloy ako sa sarili ko ngunit di ko nalang ito inalintana.
Bungalo yung style at Puti yung pintura nung bahay. Napapalibutan ito ng mga tuyong halaman. Mukang di naalagan nung nakatira. Madami dahon na nalaglag sa lupa mula sa mga punong nakapalibot dito.
Nagawi pa yung tingin ko sa binta, may mga basag ito at tanging karton lang yung tumatakip dito. Napansin ko din yung pintuan na na gawa sa kahoy, mukang may sira rin. Butas kasi yung itaas na bahagi nito na makikita mo na pati yung loob ng bahay."Si-sigurado ka bang ito yung lugar na hinahanap mo?" Tanong ko kay Monica na may paga-alinlangan.
Napalingon sya sa akin habang naka ngiti."Opo! Siguradong sigurado ako ate!"
Masiglang sagot nito. May dinukot pa itong papel sa bulsa ng pantalon nya at ipinakita sa akin."Ito oh! Yan po yung address at discription ng bahay." Sabi nya sabay lapat sa mukha ko nung papel na hawak nya. Halos maduling naman akong tiningnan iyun, sabay kuha ko ng dahan- dahan.
"San Isidro Homes, Lot 27 Block ....." Basa nang utak ko dun sa nakasulat.
May iba pang nakasulat dun na nagdi discribe sa lugar at napatango tango nalang ako matapos mapagtanto na ito nga yung tinutukoy nung nakasulat sa papel. Napakamot nalang ako ng ulo."Kuya Pot?" Katok ni Monica sa pinto.
Walang sumasagot sa kabila nito. Kaya naman kumatok ulit ito habang ako naman ay nagiintay lang, palinga linga sa paligid."Kuya Pot nandyan ka ba?Si Monica po ito." Tawag naman nya ngayon dun sa kuya daw nya. Wala pa ring sumasagot.
"Baka wala sya dyan. Alam ba nyang pupunta ka dito?" Tanong ko na sa kanya dahil nakakailang katok na sya at wala paring nagbubukas ng pinto.
"Di po ate eh, surprise po sana yung gagawin ko." Kamot nya sa ulong sabi.
"Eh pano yan mukhang walang....." sabi ko na lumapit na sa pinto at ipinihit ito dahil naiinip na kasi ako at di ko alam kung bakit di ko parin magawang iwan yung dalaga samantalang naihatid ko na sya dito sa bahay na pakay nya.
"Bukas..." Baling ko sa kanya. Pagkapihit ko kasi; biglang bumukas yung pinto. Dali dali naman pumasok si Monica at napasunod naman ako.
"Kuya Pot!" Tawag ulit nya.
"Kuya Pot? Kakatwa naman yung pangalan, sa dinami daming pangalan Pot pa talaga yung naisipan" Bulong ko sa sarili ko.
Nagpalinga linga ako sa loob ng bahay. Puro naka takip lahat ng puting kumot. Parang eksena na makikita mo sa horror movies. Nakakaloka yung lugar kasi may mga sapot pa ng gagamba sa paligid. Yung sahig naman ay mukhang di nalilinis, napaka-kapal kasi ng alikabok. May mga basag pang salamin na naka kalat sa paligid.
"Aaaaaaaaaaaahhhhh!!!!" Sigaw ko.
"Bakit ate!!? Baling ni Monica sa akin. Papa-akyat na sya ng hagdan.

BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...