XXI. Hidden Desire

19 3 1
                                    

"Flight PR No. 725 bound to Bohol please proceed to Gate 4".
Sabi ng announcer ng Airport dito sa Terminal 3 kung san naka destino yung eroplano na sasakyan ko.

I finished my coffee that time at dali-daling pumila sa gate na sinasabi ng announcer.

"Paki labas po ng ticket at ID."
Sabi naman nung nag-aassist, kaya inihanda ko na ang mga ito matapos icheck up ng lalaki yung nasa unahan ko. At nang ako na ang sumunod nakangiti akong iniabot ang kailangan ng checker at sinuklian naman ako ng ngiti nito matapos ay inalalayan akong makapunta palabas ng gate upang sumakay naman ng bus na maghahatid sa amin sa mismong eroplano.

"Thank you." Nasabi ko nalang sa flight stewardes na nagbuhat ng bag ko at inilagay iyon sa compartment ng eroplano.

Matiwasay naman akong nakaupo sa upuan kung saan malapit sa bintana ng eroplano. Maya-maya pa'y nagsalita na ang kapitan, nagbigay ito ng instruction tungkol sa paglipad. Gayun din ang mga stewardes na nakangiting nag demo kung papaano gamitin ang life jacket.

Matapos noo'y nagsimula nang umakyat ang eroplano. Ako nama'y sinimulang buksan ang cellphone para ilagay sa flight mode at pinagana ang aking mp3.

"Masarap talaga sa pakiramdam ang makasakay ng eroplano." Nasabi ko nalang sa sarili habang ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang saliw ng musika sa spotify app na nakadownload don'.

Hindi ko kasama ngayon si Kean. Nauna na kasi ito dun sa lugar kung san itatayo ang aming project. At dahil marami pa daw syang aasikasuhin pag dating doon. Hinayaan ko nalamang sya sa kanyang naging desisyon. Mabuti nga't di ko sya kasama sa byahe dahil matatahimik ang aking kaluluwa.

Ang sabi'y isang oras lang ang byahe pa bohol, hindi nga ako nagkamali dahil mula sa bintana'y natatanaw ko na ang maliliit na bundok na tila chocolate. Napakaganda ng paligid.
Di naman ako nag atubiling kunan ito ng litrato gamit ang aking cellphone.
Nag selfie na rin ako para may remembrance man lang sa unang pagpunta ko roon sa lugar na yun.

Lumipas naman ang thirty minuto ay nakalapag na ang eroplano. Dali-dali naman akong bumaba matapos makuha ang aking gamit sa compartment. Nang biglang nagring ang aking cellphone.

"Hello, Oo dito na ako. O-okay sige."
Sunod-sunod kong  sabi sa kabilang linya. Si Kean ang kausap ko. Nasa gate daw ito at inaantay na ako. Hindi ko akalaing sya pala ang magiging sundo ko ngayon.

Maya-maya pa'y naron' na ako sa gate. Madaming tao. Ngunit di ko makai-kakaila na makita agad si Kean. Masaya itong kumakaway sa akin kaya dali dali naman akong nag-tungo sa kinaroroonan nya.

"Kumusta ang byahe?" Tanong nya habang buhat buhat ang bag ko na kimuha mula sa akin. Ang cool ng itsura nito dahil nakashade at nakatali ang mahaba nitong bohok.

"O-okay lang."Matipid kong sagot.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya na isinara ang pinto ng Toyota Revo. Ito ang gamit nya pang sundo sa akin.
Imbis na sumagot ay sumakay nalang ako sa unahang bahagi sasakyan. Sinunandan naman nya ako ng tingin at umupo ito sa driver's seat. Nakatingin lang ako sa kanya at napansin kong pinagpapawisan ito.

"Gutom ka na ba?Kain muna tayo." He said while wiping his sweat on his forehead and started the engine.

"Hindi pa ako gutom."

"Ako gutom na. Mabilis nyang sagot ngunit nakangiti. He again snap me with that looks that nobody can't resist. Bigla na naman pumintig ng mabilis ang aking puso.

"O-o sige kain muna tayo." Nasabi ko nalang saba'y tumikhim.
He is now driving slowly along the road of bohol. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapatingin sa dinaraanan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twenty Fifth and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon