"Hoy teh! Akala ko ba di kayo magkakilala? Sambit ni Elaine na siniko pa ako.Katabi lang kasi ng table ko yung table nya dito sa department namin.
"Hindi nga!" Iritang sabi ko.
"Eh! Bakit kung makapag usap kayo kanina, eh parang magkakilala na kayo?" Bulong naman ni Justin na dumungaw pa sa akin. Sa kabilang side kasi yung table nya. Kumbaga katapat ko sya. Mukang malakas ata yung pandinig nito dahil narinig pa kami ni Elaine sa pinaguusapan namin.
"Hindi nga kami magkakilala! Ang kulit nyo rin eh noh!"Super irita na ako kaya halos mapasigaw na ako sa pagsagot sa kanila.
"Eh pano kayo nagkakilala?" Sabay na tanong nung dalawa.
"Basta mahabang istorya! Magtrabaho nga kayo kesa yung gingulo nyo ako dito". Pagtataboy ko sa kanila.
Nagkatinginan naman yung dalawa at napaismid pa. Yung parang naiintriga yung itsura sabay balik sa kanya kanyang upuan.
"O di magtrabaho!" Sabat pa ni Elaine.
Napabuntong hininga nalang ako at napatingin dun sa lalaking tinutukoy nila na kakilala ko daw.
Napakuyom yung mga palad ko, Habang nakatingin sa kanya. Di nya ako napapansin kasi busy sya sa computer at ewan ko kung ano yung ginagawa nya.
"Sa lahat naman ng taong magpapasira ng araw ko eh ito pa talaga!!! Kaasaaaarrr!!!! Inis kong bulong.
Flash back tayo. Eto kasi yung nangyari kanina.
___
Kakagaling ko lang sa malayong byahe kaya ihing-ihi na ako. Late na rin ako kaya super nagmamadali talaga ako.
Deretso ako nang CR, at pumasuk agad ako nung may nakita akong bowl.
Matapos yung swabeng paglabas ng maduming tubig sa katawan ko. Dali-dali akong lumabas. Nang biglang....
"Bogs!"
"Ano ba!!!?tumingin ka nga sa dinadaana mo!!! Mataray kong sabi sa nakabungo ko.
"Ikaw???!!!!Anong ginagawa mo dito!!?"
Tanong ko pa nung makilala ko yung naka banga ko. Gulat na gulat ako at tulad ko gulat din ito. Pero napangisi sya."Eh dapat ako nga yung magtanong sayo nyan." Sabi pa nya na tinuro yung Mens Sign ng banyo. Cool lang yung asta nito.
Nagulat ulit ako at naramdaman ko nalang parang umiinit yung pisngi ko.
"Anong ginagawa mo sa banyo ng mga lalaki miss Umbrella Chick? " Sabi nya na mukang nangaasar pa. Nakangiti ito habang nilalapit yung mukha nya sa akin.
"Kaasaaar naman!Bakit parang minamalas yata ako? Panlalaking banyo pala itong napasukan ko."Bulong ko naman sa sarili ko habang napapaatras kasi malapit na malapit na sya.
"Ha eh........umalis ka nga sa harap ko!" Sabi ko sa kanya sabay tulak ko. Napaatras naman ito.
"Tsk!tsk!" Kamot nito sa ulo.
"Okay! madali akong kausap." Sabi nito na itinaas pa yung dalawang kamay na parang sinasabi na suko na sya."Hmp!"
"Tse! Tumabi ka nga dyan!" Hawi ko sa kanya. Tumabi naman ito para bigyan ako ng daan. Kumamot ulit ito sa ulo at takang takang sinusundan ako ng tingin.
Ako naman ay nagdere-deretso na nang lakad. Di ko na sya pinansin. Di ko na rin kailangan magpaliwanag sa kanya kung bakit ako naroon sa banyo ng mga lalaki. Ang mahalaga makaalis ako dun dahil late narin ako."Ano na naman ba ginagawa nya dito?At sa dinami daming lugar dito pa!!!Nakakainis!!"Bulong ng isip ko.
Maya maya pa, naroon na ako sa loob ng department namin. I was fixing my things nang biglang lumabas si Ma'am Jocelyn.
"All of you, come here. E- meet ninyo yung bago nating makakasama dito sa Department natin." Sabi pa nito na hangang tenga yung ngiti.
"Halika iho huwag kang mahiya" sabi pa nito na pinapapasuk yung bagong employee daw.
"Sino naman kaya iyun?" Rinig kong sabi ni Elaine.
"Ma'am gwapo ba yan?" Kilig na kilig namang sabi ni Girl. Pinandilatan naman sya ng mata ni Miss Lanie isa ding engineer na naroon.
"Meet Mr. Kean Harris Montecillo" "Isang Civil Engineer din." Pag papakilala ni mam jocelyn.
Iniluwal naman nang pinto yung lalaki. At gulat na gulat naman ako sa nakita ko, kaya
"Hoy!
"Ikaw!!!"
"Anong ginagawa mo dito??"
"Sinusundan mo ba talaga ako ha???" Paghi-hesterikal kong sabi habang papalapit sa kanya. Napa sunod naman ng tingin yung mga tao. Si Justin, Si Elaine at Si Girl. Takang-taka sila at nagbubulungan pa."Magkakilala kayo Miss Evangelista?" Tanong ni Mam Jocelyn na takang taka. Yung mga tingin nya palipat lipat saming dalawa nung lalaki.
"O-Oo, H- Hindi!" alanganin kong sagot.
"Di talaga kayo magkakilala?" Tanong pa ulit ni Mam Jocelyn. Nakataas na yung kilay nito.
"OO"
"Hindi" Sabay naming sagot na dalawa nung lalaki. Pinandilatan ko naman sya ng mata."Actually ma'am nagkita na po kami ni........" paliwanag nung lalaki
"Marie Evangelista." Dugtong ni Maam Jocelyn while crossing her arms.
"Oh yes! ni Miss Evangelista......pero mahabang storya po eh. Diba?" Sabi nya na inakbayan pa ako habang ngumingiti.
"Ah eh hehe! Yes ma'am, mahabang storya po." Pagdadahilan ko nalang kay maam Jocelyn, at ibinaling yung tingin ko sa kanya at pinandilatan ko ulit sya ng mata. Pilit ko namang tinatangal yung brasong nakapatong sa balikat ko.Di nya ito pinansin. Nakangiti parin ito kay Ma'am Jocelyn.
Yung mga tao naman eh nako confuse sa aming dalawa. Yung ilan naman eh napapailing nalang.
"Well then... since magkakilala naman pala kayong dalawa mas mapapadali yung pagiging at home mo sa new work place mo kean..." Ngiti ni mam Jocelyn dito. Sabay ngiti din sa akin.
"Yes, I think so..." sabi naman ni Kean na napatingin sa akin. Ngumiti na naman ito nang nakakaloko. Inirapan ko naman sya.
"let's get back to work na everybody." Sabi pa ni Maam with matching palakpak ng kamay.
Nagsibalikan naman yung mga tao sa mga ginagawa nila. Aakto na sana akong maglakad patungo sa uupuan ko nang....
"It's Kean Harris Montecillo, wala tayong pormal na introduction sa isa't isa so I think ito yung right place and right time." Habol nito sa akin na inilahad yung kamay.
Hinawi ko iyun. Sabay lapit ko sa tenga nya.
"Wala akong paki-alam at walang right time!" bulong ko sa kanya sabay irap. At nagtuloy tuloy na ako patungo sa upuan ko.
Napakamot naman ito ng ulo, habang sinusundan ako ng tingin..
mamaya maya'y.."Mr. Montecillo!"tawag ni mam Jocelyn sa kanya.
"Yes mam!?" Lingon naman ni Kean.
"Dun ka nalang umupo malapit sa pwesto ni Miss Evangelista." Turo nito sa chair one blocks away from me.
Nagulat naman ako at todo tangi ng utak ko na huwag sya dun. Pero wala na rin akong nagawa. Di naman kasi ako boss para umalma pa. Kaya napabuntong hininga nalang ako na sinusundan ko sya ng tingin.
Lumapit naman itong si Elaine
"Di ba sya yung lalaki kahapon?"Panimula nito.
And then yun na nga ang naging eksena namin.
BINABASA MO ANG
Twenty Fifth and Forever
General FictionA love story that moves in mysterious way. Story ng isang babaeng di naman kagandahan, pero di rin naman kapangitan. Achiever, eldest sa family, simple, matalino, masipag at higit sa lahat NBSB. And then one day this stranger came. ...