Ethan's POV
Ngayon na ang Acquaintance Party at ngayon ko pinplano ibigay tung gift kay Lily! Pero syempre kelangan ko ang tulong ng best friend kong babaeng si Fia.
Matawagan nga tong babaeng to!
"Gooooooood Morning Fiyayaya!' Bati ko sa kanya.
"Walangya ka! Alam mo ba kung anong oras pa lang ngayon?" Aba! Ang init ng ulo nitong babaeng to ah.
"8 am po,"sabi ko.
"Alam mo naming 8 am pala eh! Di mo ba alam na ang oras na ito ay ang oras na dapat natutulog pa ang prinsesa," nakakatawa naman tung babaeng to, galit ba to or what?
"Ang sungit mo naman, ano ba nakain mo kagabi?" Pangaasar ko pa!
"Walangya ka talaga, puyat ako. PUYAT NA PUYAT!" Aray ah.
"Wag ka ng sumigaw, sorry na po. Papatulong lang sana ako," pagmamakaawa ko.
"Ano naman? Siguraduhin mo na worth it yan ah," pag babanta niya.
"May ibibigay sana ako kay Lily eh,"
"Oh?"
"Di ko alam kung paano ko maibibigay yung sa kanya eh," sabi ko pa.
"Awww, ang cute cute naman nun. Sana talaga may mameet din ako nakatulad mo," di ko na lang pinansin yung sinabi niya.
Fia's POV
Ano pa nga ba? Syempre ginising ako ng walang hiyang best friend ko na si Ethan, pasalamat siya mabait at maganda ako! Haha! Kung pede lang talaga, magugustuhan ko siya. Nasabi ko na ba sa inyo na nagging crush ko siya dati? Ewww nga eh. I can't believe na nagustuhan ko yung mukhang yan! Hahaha. Mean na kung mean at least, honest ako. Haha! Well, kahit torpe siya, in my point of view he's okay.
So pinag-usapan lang naman namin yung plano niya later, buti na lang at siya na ding bahalang tumawag kay Kate at Nessa. Haha! Kasi kung ako pa ang uutusan niya, humanda talaga siya sa akin.
Third Person's POV
12 nn na at mamayang 4 ang Aqcuaintance Party nila Fia, kasalukuyang naghahanda ang mga magbabarkada. Ang mga babae naman ay magkakasama sa bahay nila Carmen at ang ate naman niya ay nadito, si Ate Candace kasama sina Ate Aika at Ate Fielle. Andito ang mga ate nila para ayusan sila.
Habang ang mga lalaki naman eh busy sa pagaayos ng surpresa ni Ethan para kay Lily. Syempre ang mga supportive na babaeng kaibigan ni Ethan eh nililibang si Lily. Lalo na si Fia, todo effort.
Sa katunayan nga eh, naiingit si Vans kay Ethan dahil todo suporta ni Fia kay Ethan. Medyo nahihirapan na kasi si Vans lumapit kay Nessa dahil laging kasama ng babae ang kaibigang si Fia. Syempre kelangan bago siya makalapit kay Nessa eh dapat good shot siya sa mga kiabigan niya, lalo na kay Fia.
Bakit nga ba galit si Fia sa kanya? Well, hindi niya ata alam or hindi lang niya talaga napapansin. Walang gusto si Fia sa kanya, kaya ganyan si Fia kasi nga ayaw niyang masaktan ang kaibigan tulad ng dati. Wala namang pakielam si Fia kung maging sina Nessa at Vans, ayaw lang niya talaga kay Vans. Gets niyo ba?
Mabalik tayo sa paghahanda para sa Aqcuaintance Party. 3:30 na at nagdadatingan na ang mga estudyante, syempre andito na ang magbabarkada. Kasalukuyang nag paparactice yung mga nagpeperform para sa presentation nila mamaya.
Ethan's POV
Nakahanda na yung surpresa ko para kay Lily, sa bahay actually ni Nessa yun mangyayare eh. Andito na kami ngayon sa school at nagpapractice yung iba dun sa barkada ni Lily, syempre kasama siya dun. Ang gaganda nila, lalo na si Lily. Grabe! Ang galling mag-design ni ate Fielle.
BINABASA MO ANG
High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]
Teen FictionPerks of being a High School Student.