Chapter 23: On the Way

16 1 0
                                    

Lubusang nasaktan si Fia ng malaman niya na may pagtingin pa rin pala si Kael kay Lene. Ilang araw din niyang tinago ang nararamdaman.

“Fia, madami pa naman dyan eh,”  pagcomfort ni Kate sa kabigan.

“Anong madami pa dyan? Ibig sabihin ba nun madaming beses din masaktan ang kaibigan natin?” pag-aalala ni Nessa sa kaibigan.

Tanging si Nessa at Kate pa lang ang sinasabihan ni Fia dahil ayaw niya pang lumaki ang issue.  

Naghahanda sila para sa kanila Outing sa Batangas.

Buong barkada ang kasama pati ang kanilang boyfriends at ang grupo ni Karen ay sumama din dahil naging close na din sila kahit papaano yun nga lang kasama si Kael sa grupong yun.

Fia’s POV

Ano bang meron sa akin? Sa tuwing malapit na lagi na lang nawawala. Sa  bagay kasalanan ko din naman eto eh. Lagi na lang ako nagaassume, ang bilis bilis ko pang mainlove. Well, I just have to move on and everything will be good right?

Bahala na si Batman.

Dito nagovernight si Kate sa amin para sa outing namin sa Batangas, bukas ng 5am ang alis namin. 5 days and 4 nights din kami dun, buti na lang pinayagan ako nila mommy palibhasa kasi kina Rie yung resort kaya naman din pinayagan nila ako.

Sa pagkakaalam ko  two suites yung pinapagamit sa amin ng parents ni Rie kaya naman isang room for girls and yung isa for boys.  At least, privacy din no pag may time.

Natulog na kami ni Kate.

Next Day:

Dumating na yung coaster nila Nessa na sasakyan namin papuntang Batangas, tanging kami na lang pala ni Kate yung kulang.

Nessa’s POV

Di ko malaman kung dahil ba antok pa si Fia o dahil kay Kael kaya nanahimik tong dapat na maingay na babaeng to. Magkatabi kami ngayon pero nakashades siya kaya di ko din makita ng maayos yung expression niya. Sana lang talaga natutulog lang siya at hindi niya pinapansin pa yung Kael na yun.

Fia’s POV

Nakatingin sa akin si Nessa, pero hindi niya dapat malaman na gising ako, kaya nagshades na lamang ako. Sa totoo lang pinipigil kong umiyak dahil ayaw ko din namang masira tong matagal na naming planong outing. Adjust to the environment lang naman ang kelangan eh. Kaya mo yan Fia!

Carmen’s POV

Alam ko there’s something going on na hindi ko pa alam.  I can feel the tension kahit na nasapinakalikod pa akong coaster na ito. Hindi ko nga lang alam kung sino ang mga involve pero sige mamaya na ako magtatanong sa mga kaibigan ko. Kaibigan as in kina Fia, mahirap na mamaya sina Karen pala yung problema.

Karen’s POV

Ngayon lang ako lalabas kasama sina Fia. Okay lang naman kasi diba, magkapitbahay naman kami kaya medyo good naman. Nakakatawa ang kasi ang tagal nanaming magkapitbahay pero ngayon lang kami naging close. Di naman masyadong awkward ngayon dito sa coaster kasi kasama ko naman yung mga kaibigan ko, as in yung kabarkada kong sina Taka, Ynigs, Kael,Josh at Rick.

Pero kahit kasama ko sila, feeling ko hindi naman talaga kami invited dahil I smell something fishy. Para kasing may mali, kahit pa isa ako sa nagplano sa galang ito, parang may mali talaga. Meron kayang away dito sa mga kabarkada ni Fia?

High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon