Fia's POV
Grabe! Ang ingay ingay ngayon sa hallway. Bakit nga ba? Kasi ngayon daw dadating yung new student. Kasama ko si Kate. Si Nessa kasi malamang kasama si Vans, pero okay lang yun sa akin, promise. Si Rie naman wala pa, yung iba naman may kanya kanyang business.
"Fia! Grabe bakit ang tagal naman ni Damon?" tanong niya sa akin. Oo Damon ang name ng new student. Pano namin nalaman? Dahil sa mga tsismosang lower levels. Haha.
"Aba malay ko? Mukha ba akong sekretarya niya?" pagatataray ko kay Kate dahil super kulit niya at dahil nga napakaingay sa dinadaanan namin.
Nakarating na din kami sa mga classrooms namin, si Nessa wala pa din dito. Pag pasok ko sa room, pag minamalas ka nga naman, eh ang ingay ingay pa din dito dahil nga naman dito sa amin nilagay si Damon Ian Salvador.
Shizz, ang ingay ingay, eto namang si Kael, isa pa sa nakikiingay, naturingan pa namang high school president. Mukhang mahangin ata tong si Damon eh.
Dumating na si Sir Balajadia, adviser namin. Dahil katabi ko si Nessa sa left at bakante sa right, dun tinabi si Damon sa akin. Dyusko po! Ang gwapo niya pero mukhang puro porma lang ang peg eh.
Dismissal
"Piyayaaaa!" sigaw ni Kate sa akin.
"Bakit?"
"Friend, diba you lalalove meh?" Ano nanaman kaya pakana ng babaeng ito?
"Ano, kelangan mo?" patumpik-tumpik pa eh.
"Eh kasi, diba you know I heard seatmates kayo ni ano eh kasi ano eh."
"Oo magkatabi kami, no, if you want to meet him, then do it yourself," sabi ko sa kanya.
"Grabe naman to, diba pedeng magpapakwento lang kung kamusta siyang katabi?"
"Tss."
"Sige na, kanina pa kita hinahanap eh, la ka kasi nung snacks and lunch eh. Sige na please," paawa effect pa niya sa akin.
"Fine, well, yes, he's gwapo but I think di siya matalino like Kael," sabi ko.
"Sabi ko kwento hindi icompare, ikaw ahh, Kael, Kael ka pa dyan ah! Siguro you like him na nga!"
"Puwede ba, nagsasabi lang ako ng first impression ko, pero di ako sure dyan kasi wala pa naman kaming nagiging seatwork ngayon eh," malamang, kakastart palang ng second quarter.
"Pero base sa pagkakarinig ko sa kanya eh, I mean sa pananalita niya eh, mukhang mayabang siya," dag dag ko.
Kate's POV
Hay nako, ano ba naman tong si Fia, mukhang galit na galit dun kay Damon Ian ba yun? Haha, ano ba kayang ginawa nung lalaking yun sa kanya? Hmm.
Makauwi na nga at magFacebook muna.
Nakaharap ako ngayon sa laptop ko... Hmm, stalk stalk muna kay Damon Salvatore nang bigla kong naisip si Damon Salvador, hmm, maiadd nga.
Damon Salvador accepts your friend request.
Ako: Hi!
Okay lang yan Kate, friendly ka naman eh.
Damon: Oh, hi! Fourth year ka din pala?
Gee, kilala niya ba ako?
A: Yeah, pero tiga ibang section ako, friend ako ni Fia at Nessa.
Masyado bang madamin info? Hehe, basta, I know I have a crush on him na.
D: Ahh, nice to meet you.
BINABASA MO ANG
High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]
Teen FictionPerks of being a High School Student.