Chapter 21: Wishbone for Christmas

31 2 0
                                    

Kate's POV

"Ano ba magandang iregalo sa mga boys?" Fia.

"Ewan nga eh, ano ba yan ang hirap hirap naman mamili," reklamo ni Carmen.

Andito kami sa mall nina Carmen, Fia, Nessa at Rie.

Si Lisa? Bigla na lang kaming distant sa isa't isa. Napabarkada siya sa iba, pero para sa amin okay lang at least we're good friends naman.

Si Lily naman siyempre nahati na ang time niya hindi dahil may boy friend na siya kung hindi dahil nga sa naging close na din sila ni Lene, Milah at Murry.

"Baka pwede na ito," sabi ko, sabay turo dun sa mga anklets. Hehe.

Sa totoo lang tapos na sila, ako na lang talaga ang wala pang nabibiling gifts. Hehe, see my friends love me, sinamahan pa nila talaga ako magbuy ng Christmas presents.

Damon's POV

Sa Christmas Party ko na tatanungin si Kate, pero bago yun bumibili pa ako ng gift ko para sa kanya at sa mga girls, yun nga lang kanya ang pinakaspecial. Good thing sinamahan ako ng tropa ko.

Napili kong bumili ng personalized bracelets para sa mga girls at isang necklace with pendant para naman kay Kate.

"Ano na? Dadating na yung mga girls," Kael, oo naging kaclose na namin siya simula nung nangyare sa mall. Siguraduhin lang niyang hinding hindi niya sasaktan ang prinsesa ng barkadang si Fia.

"Eto na sila oh!" Ethan.

Nessa's POV

Alam namin kung ano ang binili ni Damon at alam din namin kung ano ang plano niya. Kayanga kami friends diba, hehe. Ang sweet talaga ni pareng Damon.

Ako naman, simple lang gift ko kay Vans. Watch lang naman gift ko, kung anong brand, secret na lang din para di ako mayabang pakinggan.

Nakapagshopping na kami ng mga damit namin at ngayon eh nagdidinner na kami kasama ang mga boys.

"Babe, you want?" alok ni Vans sa akin.

"Sige," sabay kuha naman dun sa shrimp na binalatan niya for me.

"Sayang talaga wala si Lovey," ani naman ni Carmen, nasa US kasi si Keanz ngayon may OJT kasi siya.

"Okay lang yan," asar ni Kael sa kanya.

So, kumain lang kami ng kumain at pagkatapos namin mag dinner sa Cyma nag coffee muna kami sa Seattle's Best.

Bukas na ang Christmas Party and I am so excited dahil after noon mag staStar City kami.

Christmas Party

Third person's POV

Naging masaya naman ang Christmas Party nakapagbigayan na ng regalo ang mga estudyante pwera na lang kay Damon na di pa binibigay kay Kate yung gift niya.

Damon's POV

"Punta tayo sandali dun sa Agriculture area," bulong ko sa katabi ko.

"Bakit naman Dame?" tanong niya sa akin.

"Basta," tumayo naman siya at sinundan naman niya ako papunta sa mapunong lugar ng Academy.

"Ang ganda dito diba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, siyempre," sagot niya habang nakangiti.

Pumwesto ako sa likod niya at niyakap ko siya.

"Merry Christmas in Advance," pabulong ko sa kanya.

"May problema ba? Bakit ka ganyan bigla?"

"Wala, ipikit mo muna yung mga mata mo," at sumunod naman siya sa akin utos.

Isinuot ko sa kanya yung necklace with wishbone na pendant. Eto yung napili ko dahil alam ko na mahilig siya sa mga wishbones.

"Ano ba yan Dame, pede ko na ba buksan ang mga mata ko?" tanong niya sa akin.

"Oo," sabi ko at nasalikod pa din niya ako.

Mukhang napansin na niya yung necklace, hinawakan niya at humarap siya sa akin.

"Thank you Dame!" sabi niya habang nakangiti. Kitang kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan.

"You're welcome Kate! I love you, will you be my girlfriend?" Deretso kong sinabi yun.

"Hmm," yan lang ang nasagot niya.

"Kate Stamon Mikaelson, will you be my girlfriend?" tanong ko ulit. Shit sana naman umoo siya kundi masasaktan talaga ako.

"Damon Ian Salvador, uhh..."

shit naman oo lang o hindi Kate.

"No,"

huh? No daw? Ouch.

Hindi ako makapagsalita.

Mukhang napansin niya ako.

"Dame, No...." tumulo na yung luha niya.

Pinunasan ko naman kahit na busted ako pero di pa din ako makapagsalita.

Bigla niya akong yinakap, para saan tong yakap na to? Sympathy ba Kate? Aray masakit ah...

"No, kasi I want to be your wife." binulong niya habang magkaakap pa din kami.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa at hindi ko napigilan na mabigyan siya ng smack sa kanyang labi.

"Grabe Kate pinakaba mo ako dun ah... Buti na lang talaga at mahal kita," ako.

"Ano ba Dame ang tagal tagal ko ng inaantay yang tanong na yan mula sayo eh. I love you more Husband."

"I love you most," oo corny na, pero pag ikaw ang nainlove magiging ganyan ka din.

Kate's POV

Yes! Grabe ang saya saya ko at kami na ng first love ko! Hihi. :">

Magkahawak kami ng kamay ni husband at papunta na kami sa mga friends namin dahil nga pupunta pa kami ng Star City ngayon.

"Ano pareng Damon, ayos ba?" tanong ni Rie.

"Naman," nakangiting sabi ni Damon sa kanila.

"Ayiee, dapat libre mo dinner mamaya," panghuhuthut ni Fia kay Damon.

"Siyempre naman!" Hehe, cute talaga ni Damon.

Author's Note:

So yeah, di pa namin sem-break, party party! *sobs*

High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon