Chapter 20: After Theater

28 3 0
                                    

Carmen POV

Natapos ng yung movie pero di ko pa din nakikita yung mukha nung katabi ni Kael. Hmmm, di ko alam na may girlfriend na pala siya, akala ko pa naman si Lene, eh baka naman si Lene yun? Ay ewan! Palabas na kami ng theater.

"Fia! Ikaw pa la yan," sabi ni Kate.

Huh? Andito si Fia?

"Di mo ba nakikita?" pambasag ni Kael kay Kate. So si Fia yung babae?

Five New Messages

Jazz: OMG, bakit andito si Fia?

Rie: Ano ginagawa ni Fia dito?

Lisa: Okay lang ba kaya siya?

Nessa: So, siya yung umiiyak na katabi ni Kael kanina?

Lily: Paano sila nagkita?

Carmen: Ewan... Grabe, ano ba nagyare dito kay Fia. Namamaga na yung mata niya.

Habang nagchachat naman kami ng patago, bigla namang nagsalita si Aldrich.

"Uy, Fia bakit ka naman biglang nawala?" Obviously, curious si boy! Hehe, paconcern pa eh.

"Hehe, bibili lang sana ako ng popcorn kanina nung Makita ko sila, sumama na lang ako. Nagpaalam naman ako Carmen sayo diba?" weh, Fia di kaya. Halata din sa boses niya na pilit siya.

"Ahh, oo, hehe," pasalamat ka Fia love kita eh!

"Nga pala si Nicole. Nicole si Fia," nakangiting pinakilala ni Aldrich si Nicole kay Fia.

"Hey," sabi ni Nicole na nakangiti.

"Hey," yun na lang din nasabi ni Fia habang sinusubukan niyang ngumiti, pero kita sa mga mata niya na naiiyak na siya.

"Eto naman si Kars, Taka, Rig,Ynigs at Josh," pagpapakilala ni Rafa sag a tiga branch B.

"Ako naman si Kael," woah! Solo flight si Kael.

"Hi, kilala ko na si Kars eh, hehe," sabi ni Aldrich.

"Guys, 6 pm na we have to go na," pagpapaalam ni Alex.

"Yeah, sabay sabay na kami, hehe,"Jasper.

"Maiwan na muna kami kasama sila," K, so nagpapaiwan pa si Nicole at Aldrich.

"Geh, bye!" Andrei.

Katabi ko ngayon si Fia at lumapit naman si Jazz at Alex sa amin.

"Hoy Fia, may utang kang kwento sa amin ah!" Alex. Pero mahina lang niya sinabi para di kami mahalata.

"Hehe," yun na lang nasabi ni Fia at umalis na sina Jazz, Alex, Japer and Andrei.

Teej's POV

Hay nako Fia, hehe. Andito kami ngayon sa Pepper Lunch, nagdidinner na malamang. Sumama naman na din sa amin sina Ynigs.

"Akin na nga yan!" sabi ni Ethan kay Lily, well ibig niyang sabihin siya na lang daw yung mag hahalo nung food ni Lily.

"Ano ba! Marunong naman ako ah! Ano ba tingin mo sa akin? Bata," aso't pusa talaga tong dalawang ito.

"Hindi, ikaw ang nanay ng bata natin," ano beyen Ethan.

"Pwede ba Lily, pabayaan mo na yang si Ethan na haluin yung food mo, kung ano ano kasi lumalabas sa bibig niya eh, lalo na ang corny corny pa," awat naman ni Nessa sa dalawa.

"Ikaw, babe gusto mo ako na magmix nung food mo?" tanong naman ni Vans, grabe magkakadiabetes na ako dito.

"Gusto mo mamix yang mukha mo?" mataray namang sagot ni Nessa kay Vans.

High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon