Fia's POV
Bukas na ang retreat, super ready na ako, naiabot ko na sa mga teachers yung mga graduation letters ko para sa mga kaklase ko, oo kahit di ko kaclose eh binigyan ko, para naman malaman nila yung mga first impression ko sa kanila. Tska para naman malaman nila na sincere ako sa pageeffort na maging kaclose sila sa kabila ng pag lipat ko sa section nila.
Higit sa lahat eh handa na din akong makausap si Zelda. Ayoko na, pagod na ako at gusto ko na itong matapos.
The Next Day:
Third Person's POV
Lunes ngayon, at ngayon ang unang araw ng retreat; nasa kwarto na ang mga estudyante, nasa magkaiba ng kwarto ang mga babae at lalaki. Kanya kanyang kama kada estudyante. Syempre magkaka tabi ang mga magbabarkada pero may naiiba ngayon. Kompleto na sana ang barkada ni Fia, kaso si Lily ay hindi nila kasama dahil katabi lang naman ni Lily sina Murry, Milah at Lene. Sa totoo lang ay masama ang loob nina Fia at ganon din ang nararamdaman ng mga kabarkada ni Lene na sina Nise at Rina.
Para sa mga magbabarkadang masama ang loob eh ay wala naman masama kung magkaroon man ng kaibigan ang kanilang kabarkada pero at ang nagpapsama ng loob nila ay ang unting unting pagbabago ng kanilang kaibigan.
At iyan ang hindi mapagkakailang mapansin lalo na sa mga kabarkada ni Lily dahil si Lily ay hindi man sa gustong aminin ay nagkaroon siya ng double personality at sa kasamaang palad yun ay matinding kinalulungkot ng barkada dahil hindi nila malaman kung ano ba ang totoong ugali Lily.
Before the room scene (Kinagabihan din)
Hindi mawawala sa retreat ang candle night o in general ay yung pagsasabi nila ng totoong nararamdaman para sa isa't isa at dahil dun ay lalo pang tumibay ang pagkakaibigan nila. Nakapagpalinwagan na din sina Fia at Zelda. Nag sorry din naman ang ibang mga kaibigan ni Fia tulad nina Kate, Nessa at Rie kay Zelda. Nag explain naman si Zelda, pero bakas sa mga mukha ng apat na hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ni Zelda, pero napagpasyahan na kang din nila na huwag na iyon pansinin.
Si Fia ay sobrang showbiz dahil tinake advantage niya ang gabbing itong para nakapag sorry na din sa mga dating kaibigan na sina: Rina at Nise, oo may past sila, magkakaibigan sila nung elementary. Pag dating ng high school nagkaroon na din sila ng sarisariling barkada.
Si Nessa naman ay nag sorry na din sa kaibigang si Gliza dahil biglaan na lang din silang hindi nakapagusap.
Si Rie naman ay isa isang nilapitan ang kabarkada at humingi ng pagdidispensa sa mga kaibigan na hindi siya makapag express ng kanyang tunay na nararamdaman dahil natatakot siyang mahusgahan at iyon naman ay madaling naintindihan ng barkada at sinabing kaya nilang tanggapin ang kaibigan kahit ano pa naman ang nararamdaman niya. Ipinaliwag din nina Kate kay Rie na kahit lagi man siyang napagtritripan ay nandyan ang barkada para sa kanya at hindi maiwasan ni Rie ang mapaluha sa sinabi ng mga kaibigan.
Si Lisa naman ay humingi din ng sorry sa mga kaibigan dahil masyado din siyang naging secretive at ang dahilan ay dahil din sa kinakatakot niyang mahusgahan at tulad ng kay Rie ay sinabihan din ng mga kaibigan niya na, mas magugustuhan nila kung magsasabi siya ng nararamdaman niya dahil nga sa tanggap naman siya.
End of flashback
Masayang masaya ang magbabarkada sa kwarto kahit lahat man ng babae sa kwarto ay magkakasama, sympre di parin maiiwasan ang grupo grupo, pero nung nilabas na ang pagkain ay nagkaisa na sila. Haha, kahit bawal ang pagkain sa room, syempre kahit paminsan minsan eh dapat gumawa ka pa din ng kalokohan.
After Retreat:
Pag dating sa school ay nagsipuntahan muna ang magbabarkada sa bahay ni Nessa! particularly sa room niya at sa wakas ay kasama naman nila si Lily at Teej.
Nagkwentuhan muna sila sandali at sa huli ay napagkasunduan nila na kung may mali man sa isa ay sabihin na kaagad para di maulit yung nangyare kay Zelda.
Author's Note:
Sabi ng friends ko parang minadali ko daw, HUHU. Sorry.
BINABASA MO ANG
High School Life: The Friends, The Enemies, The Lovers[On Going]
Teen FictionPerks of being a High School Student.