Chapter 4
"Helga!" Masayang tumakbo palapit sa akin si Millen. She's not in her usual fashion statement na dress at flats o di kaya ay heels. Naka swag jeans siya ngayon na tinernuhan ng itim na tube. Ang mahaba niyang buhok ay naka-bun at naghuhumiyaw ang pulang-pula niyang lipstick.
Halos pigain niya ako sa higpit ng kanyang yakap. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako upang maupo sa isang sofa. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.
This is an abandoned hotel, halatang-halata sa labas pa lang. Sa gitnang bahagi ng kinalulugaran namin, may luma at sirang chandelier. Kinabitan nila iyon ng disco ball. The walls are painted with different colors. Parang sinaboy nga lamang ang mga kulay and I find it very cool.
People are everywhere. Nasa singkwenta yata kami rito kung susumahin. Iba't-ibang klase ng tao ang narito, I'm sure with that.
Sa gawing kanan namin, may mataas na rampa kung saan may mga nags-skateboarding. Napapanganga ako sa mga tricks nila. What make their moves unique is that they don't just do their tricks, may kaunting sayaw silang isinasama.
Sa kaliwang bahagi, naroon ang dalawang lalaking tila mga dj. They are surrounded by girls na sumasabay sa saliw ng musikang pumupuno sa lugar.
Sa gitna ng lugar ay naroon ang mga myembro ng Wolves. They are dancing with their hoverboards. Napapanganga na lamang ako sa galing nila. Hindi maalis ang malalapad na ngisi sa labi nilang lima. God, they are really cool. Napakagwapo nila sa kanilang ginagawa. Only a few people can impress me at kabilang sila roon.
"What is this place?" Untag ko kay Millen matapos kong tanggapin ang inabot niyang bote ng light beer.
A sweet smile made it's way to her lips. "Welcome to Vasco, honey. Ang lugar ng mga mananayaw. Leiko's family own this place. Nasunog ito five years ago pero dahil busy na ang mga Cho sa kanilang lumber business sa Korea, hinayaan na lang nila ito dito at ipinaubaya kay Leiko. Every last saturday of the month, nagsasama-sama kami rito."
Naghiyawan ang mga tao nang matapos ang sayaw ng wolves. May isang lalaking naka-varsity jacket ang pumwesto sa gitna at may dalang fish bowl na may lamang mga papel.
"That's Billy, siya ang madalas mag-host dito." Bulong ni Millen.
May sexing babae ang lumapit kay Billy at iniabot ang mic. Nagulat ako nang paluin ni Billy ang pwetan ng babae.
"'Wag ka sa akin magpa-cute gaga, lalaki rin ang type ko." Humalakhak si Billy gayon din ang lahat ng tao.
Napangaga ako dahil sa narinig. Oh, so he's gay? Hindi halata sa kanya.
Not until he started flirting with Jaro. Pinapadausdos niya kunwari ang kanyang kamay sa dibdib ni Jaro. Napapangiwi lamang ito sa ginagawa ni Billy.
"Oh, may mga bago tayong kasama rito. Maganda sigurong ipaliwanag ko na lang muna ang gagawin para sa game."
Naghiyawan ang mga tao. Kumunot ang noo ko dala ng kyuryosidad sa tinutukoy nila.
Itinaas ni Billy ang fish bowl sa ere. "I have here the names of everyone. Mula sa bowl na ito, bubunot ako ng limang pangalan ng gagawa ng ating challenge. Each participant will choose a number which corresponds to one of the member of the wolves at kung ano ang challenge na hawak ng member na mapipili ni participant, iyon ang gagawin niya. Get's na ba mga bruha?"
Nagpormang bilog ang labi ko. Sounds exciting though siguradong hindi ako mapipili. I have this curse, ni minsan ay hindi pa ako napili sa mga bunutan na ganyan.
Umalingawngaw ang ingay sa buong lugar lalo na nang magsimula nang magbunot si Billy.
"Asia?"
Naghiyawan ang mga babae di kalayuan sa amin. Mula sa kanila ay patakbong pumunta sa tabi ni Billy ang isang petite at blonde na babae.
BINABASA MO ANG
Dance For Me
ChickLitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...