SIMULA
"Helga!Helga! Helga!"
Umalingawngaw ang sabay-sabay na cheer ng mga tao nang tuluyan na akong tumapak sa ice range. Malaki ang ngiti kong kumaway sa kanila.
Punong-puno ang buong lugar at karamihan ay galing sa eskwelahan ko. May mga bitbit silang banners na may larawan at pangalan ko.
Nagsimulang tumugtog ang kanta kaya naman lalong naging wild ang mga taong sumusuporta sa akin.
Isang malalim na hininga ang pinawalan ko bago taas noong sinimulan ang pag indak.
I started dancing as graceful as I can. Regionals na ito, hindi ako pwedeng pumalpak lalo na't last shot ko na ito para makarating ng national competition.
This is my ultimate dream--ang sumayaw sa yelo. Pinangarap ko ito magmula pa noong bata ako.
Naaalala ko pa noong unang beses akong nakatungtong sa ice range, halos maglupasay ako noong sinabi ni Mama na uuwi na kami.
This is every girl's dream, at maswerte akong hindi na lang ito basta pangarap ngayon.
"Wow! Perfect landing! Mas naging flawless pa lalo ang bawat galaw ni Helga Salvoza. Looks like the ice darling of the Eastern University won't let anyone take her place this year, ano sa tingin mo, partner?"
Lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa narinig mula sa isang MC. Mas ginalingan ko pa ang bawat indak at landing. This is my dream, no one can take this away from me.
Konti na lang at matatapos na ang dalawang minutong performance ko. Lalong lumaki ang ngisi ko nang makitang karamihan ay tumatayo na at pumapalakpak kahit hindi pa ako tapos magsayaw.
Huminga ako ng malalim saka ko itinaas ang dalawang kamay ko, oras na para sa aking huling landing.
Aaminin ko, kahit na ilang taon ko na itong ginagawa, madalas pa rin akong gapangan ng kaba.
But this time, ni ang sarili ko ay hindi ko hahayaang madaig ako. Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko upang magawa ang double spin sa ere.
Walang nagsalita, halos lahat ay nakatutok. Tila mabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Pagbagsak na pagbagsak ko sa yelo ay nagsihiyawan ang mga tao. May sigawan, may pumapalakpak, at may ilang nagpapasabog na ng confetti kahit wala pang resulta.
Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Gusto kong maiyak nang makitang lahat ng tao ay nakatayo at pumapalakpak.
Nadako ang tingin ko sa grupong puro naka-asul. Paniguradong galing sila sa Saint John University, ang alam ko'y pambato nila si Millen Aragon, ang isa sa pinakamagaling kong kalaban.
Nakakatuwa dahil maging sila ay pumapalakpak. Ang ilan pa nga ay nakatayo at humihiyaw.
Ngunit sa lahat ng taong nagchi-cheer, may isang tao sa loob ng range na nanatiling naka upo at tila nagmamasid lamang sa galaw ko.
His piercing brown eyes are staring directly at me. May kung anong epekto sa akin ang pagtitig na ginagawa niya. Nakahilig siya sa back rest ng upuan habang nakahalukipkip. Napakalakas ng dating niya kahit simpleng asul na pull over lang ang suot niya. Seryoso lamang ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin.
Hindi ko napansing nakatitig na rin ako sa kanya. Napalunok ako nang unti-unting umarko ang labi niya 'saka niya ako kinindatan.
Namula ang pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Dali-dali akong yumuko 'saka lumabas ng range.

BINABASA MO ANG
Dance For Me
Chick-LitShe will dance 'til the end of the song. He will move 'til the music stops playing. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, ang sayaw nila'y magiging isa. But is love enough for them to keep grooving in destiny's dance floor? Photo credits to: Kimber...