Chapter 6

443 47 17
                                    


Chapter 6

"Mahaba pa ang pitong buwan. May qualifying round pa nga di ba bago makapasok ng national competition?"

Nilingon ko si Jade, ang kaibigan kong fanatic ng ice dance. Wala sa akin ang tingin niya. Nasa laptop niya ito at abala sa panonood ng mga international performance ng figure skating.

Ibinaba ko ang ballpen at umusog palapit sa kanya. Napansin ko ang pagpula ng pisngi ni Jade. Pasimple akong ngumisi. Si Jade talaga ang tipo ng taong takot madikitan ng iba, kahit ako na matagal na niyang kaibigan.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya. Her jawline is more define than mine pero bumagay ito sa kanya. Mas maputi rin ang kutis niya sa akin at matangos ang kanyang ilong. Pouty ang kanyang labi hindi tulad ng sa akin na manipis lang. Magaganda rin ang kanyang mga mata 'yon nga lang ay malabo. Her hair ain't as black as mine. Parang browish ito ngunit unat na unat na akala mo ay nirerebond.

"Ewan ko, pakiramdam ko kulang ang pitong buwan para magpractice. Last shot ko na ito eh. Ayoko namang talunan akong gagraduate." Humalukipkip ako 'saka ihinilig ang ulo sa balikat niya. Nakinood na rin ako sa pinapanood niya kahit na mahigit sampung beses ko na yata itong napanood.

Mahina siyang tumawa. "Kelan ba naging sapat sa'yo ang oras? Gugunaw muna ang mundo bago ka masiyahan sa oras na meron ka."

Umayos ako ng upo at pinandilatan siya ng mata. "Grabe ka naman, parang sinasabi mong hindi ako nakukuntento?"

Umarko ang kanyang labi. "Ask that to your self, Helga."

Humalukipkip ako at sumandal sa sofa. Bigla ko ring naitanong sa sarili ko ang sinabi ni Jade. She's right. Ni minsan ay hindi pa ako nakuntento sa oras na meron ako. I feel like a lifetime ain't enough. Iyon din siguro ang rason kung bakit hayok na hayok akong tuparin ng maaga ang mga pangarap ko. I don't have all the time in this world to chase my dreams, no one has.

Naalala ko ang sinabi ng isang trainer ko dati, contentment can kill a dream dahil sa oras na makuntento na ang isang tao sa kung ano ang meron siya, titigil na siya sa pagdiskubre sa kanyang sarili. Titigil na siyang alamin ang iba pa niyang kakayanan.

Titigil na siyang mangarap kasi kuntento na siya, and that's the scariest part.

Nilingon ko si Jade. "Is it wrong? Mali bang hindi makuntento at mangarap palagi ng mas mataas?"

Sandali niya akong tinignan. Maya-maya'y isinara niya ang kanyang laptop at itinuon ang buong atensyon sa akin.

"It's a sin to never have a dream, Helga. Walang mali sa hindi pagiging kuntento kung pangarap mo naman ang pinag-uusapan. You're passionate, yes, pero para kanino ka ba nagsasayaw? Maybe it's time for you to find another dream. This time, 'yong kaya ka ring pangarapin."

Naging palaisipan sa akin ang sinabi ni Jade. Ilang araw din akong binangabag nito. Minsan ay kahit sa mismong practice, hindi ko maiwasang maisip iyon kaya nawawala ako sa focus.

"Salvoza! Ito ba ang performance na ipapakita mo sa qualifying round?!" Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng boses ni Coach Flores. Nanlilisik ang kanyang mata nang sulyapan ko siya.

Nahihiya akong yumuko. "S-sorry, coach. Hindi na po mauulit." Kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang sarili na maluha. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na pinapagalitan.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Coach. Maya-maya'y pumapalpak siya para kunin ang atensyon naming lahat. "Okay, that's enough. I'll see you again on Saturday. Sana ay handa na kayo pagdating ng susunod na training. Huwag niyong gawing biro ang ginagawa natin. The moment you think you're already good enough, is the moment you declare your defeat. You got that?"

Makahulugang tumingin sa akin si Coach. Tila kinirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Lumapit si Millen sa akin at inalalayan akong tumayo. "Girl, wala ka sa sarili mo."

Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili 'saka ako pilit na ngumiti kay Millen. "May iniisip lang pero magiging okay din ako."

Tinignan niya ako na tila pinag-aaralan niya ang isip ko.

Ngumisi ako upang mawala ang bumabagabag sa kanya. "I'm fine, Millen. Alisin mo na 'yang kunot sa noo mo."

Tumawa siya at umiling iling. "Okay, sabi mo eh. Tara na nga."

Hinawakan niya ang braso ko ngunit hindi ako kumilos. Muli siyang bumaling sa akin na tila nagtatanong.

Ngumiti ako. "Okay lang ba kung iwan mo muna ako dito? Gusto ko sanang magpractice pa."

Sandali siyang hindi kumibo. Maya-maya'y isang mahabang buntong hininga ang pinawalan niya bago bitiwan ang braso ko.

"Okay, fine. Basta yong usapan natin ah, next week, pupunta ka sa foundation day ng Saint John."
Tumango ako at lalo pang ngumiti. "Oo, hindi ko nakakalimutan."

Nang makuha na ang gusto niyang sagot ay tuluyan na akong iniwan ni Millen sa range. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Napakatahimik. Tanging ang paghinga ko na lamang ang nadidinig ko.

Huminga ako ng malalim 'saka sinubukang gawin ang routine ngunit dalawang beses akong natumba.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Helga, last shot mo na ito. Ano bang ginagawa mo?" Untag ko sa sarili. Gustong-gusto kong iumpog ang ulo ko sa yelo dahil sa inis.

Sinubukan kong bumwelo upang makatayo ngunit bago pa man ako tuluyang makatindig ay dalawang pares ng panlalaking ice skate ang tumapat sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ang pamilyar na pabango. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Napalunok ako nang tuluyang magtama ang aming mga mata. There goes his intimidating look again.

Inilahad niya ang kanyang kamay. Sandali ko iyong pinakatitigan bago ko napagdesisyunang tanggapin. Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang aming mga palad.

"You can't win." Diretso ang tingin sa mga mata ko.

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Sarkastiko akong nagpakawala ng tawa. "What did you just say?"

"I said, you can't win. Sinong mananalo sa gano'ng performance?"

Kumunot na ang noo ko. Tuluyan ko nang naikuyom ang aking palad. Siguradong mahahalata niya ang inis ko sa mga oras na ito. Sinubukan kong huminga ng malalim bago magsalitang muli ngunit laking gulat ko nang ilagay niya sa tenga ko ang isang earphone.

"You wanna be successful? You want to put your name on history? Then stop doing what other people can do way better than you could. Stop following the crowd, make a new path for them."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Kumunot lalo ang noo ko. "Ano?!"

He let out a sigh. "You don't dance for yourself, Helga. You just dance for the name you have already built. Para ka lang puppet. Kung ano ang gusto ng mga tao, iyon lang ang ginagawa mo. If you want to win, learn to dance for yourself." Lumapit siya sa akin hanggang sa dalawang dangkal na lamang ang maging layo namin sa isa't-isa. Tila dinidribol na naman ang puso ko. I can feel his warm breath already.

Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa noo ko. "Empty this." Maya-maya'y itinapat niya naman ito sa aking puso. "Let this be your music."

Nag-angat ako ng tingin. Para akong kinuryente nang makita ko ang kanyang titig sa akin. Hindi ko magawang basahin ang kung ano mang iniisip niya. All I can see is a pair of mesmerizing, beautiful brown eyes.

Maya-maya'y inilabas niya ang kanyang cellphone. Unti-unting nagsimula ang tugtog. Ikinabit niya sa kabilang tenga ko ang isang earphone.

"Dance for yourself, Helga..."

Bago pa man tuluyang lumakas ang tugtog, narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"And please, dance for me, too..."

Dance For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon